Chapter 3

1074 Words
Carolline's POV "ARIANNE, meet my new girlfriend." Nakatulala lang ako na nakatingin sa dibdib niya habang nag-uusap sila ng babae. Hindi nagfu-function ang utak ko sa mga nangyayari ngayon. "You can't do this, Francis!" "Dare me!" "Ahh! Babalik ako. Babalikan kita!" Hanggang sa wala na akong narinig na ingay mula roon sa babae. Nakaalis na siguro siya. Humarap sa akin 'yong lalaking nagnakaw ng halik ko na pyromaniac na--- urgh! Nakakainis! "You can now go, Miss. I don't need you," nakangisi nitong sabi na siyang ikinainit ng ulo ko. Parang lahat ng dugo ko ay napunta sa taas at parang gustong lumabas. Ayon na 'yon? Wala man lang sorry sa ginawa niya? "W-What?!" tilang nabingi na tanong ko. Baka kasi nagkamali lang ako ng dinig mula sa kaniya lalo na at hindi ko na mapigilan ang inis ko. "You can now go," simpleng sagot nya. "Thanks for helping me."  Nginisian ko naman siya. Thanks pala, ha? Hinugot ko lahat ng lakas ko at tinuhuran siya sa parte na susumpain niya buong angkan ko. Mabilis niya namang hinawakan 'yon at hirap na hirap na makatayo dahil sa sobrang sakit. "Magnanakaw! Pyromaniac! Buti nga sa'yo para mabaog ka!" sabi ko sa kaniya at 'saka kinuha ang gamit ko palayo sa kaniya. Sinuswerte ka nga naman, oh! Katabi lang pala ng condo unit niya itong tutuluyan ko. Mukhang susumpain nga talaga ako dahil sa sama ng tingin niya sa akin habang hawak ang parte niyang 'yon. Ngumuso na lang ako at 'saka pinindot ang code sa labas. Pagkatapos ay pumasok na rin ako. Sinarado ko rin 'yong pinto baka puntahan pa ako ng lalaking 'yon, lagot na. Kasalanan niya rin naman kasi. Kung hindi niya ako hinila at hinalikan ay hindi ko gagawin 'yon sa kaniya. Inilapag ko na lang sa gilid ang gamit ko at humiga sa mahabang sofa. Inilibot ko ang paningin sa loob at hindi ko na naman ulit mapigilang mamangha. Ang ganda-ganda naman pala rito at 'saka ang laki pa. Parang buong pamilya namin ang nakatira rito. Ano kayang ginagawa ni Allen kapag nandito siya? Naisip ko tuloy na may kasamang babae si Allen dito at kung ano-ano ang ginagawa. Urgh! Erase-erase. Isa rin pa lang fuckboy 'yon. Lahat na lang ba? Wala na bang matinong lalaki? Nasaan na ba kasi lahat ng matitino? Nilibot ko na lang ang sarili ko sa loob ng unit na ito. Paano ba naman kasi ang gaganda ng mga gamit dito. Siguradong mahal ang mga ito, mamaya ay kukuha ako ng gamit tapos ibebenta ko. Ilan kaya ang pera na makukuha ko? Pero syempre, joke lang. Baka hindi na ako patuluyin ni Allen dito kapag nalaman niya ang mga kalokohan ko. Pumunta naman ako sa kwarto at may nakita pa akong ilang picture frame ni Allen dito. Pati 'yong picture ng buong pamilya nila ay nandito rin. Na-miss ko tuloy sila Mommy at Daddy sa larawan na 'yon. Inilagay ko rin naman doon sa gilid ang picture naming magpamilya na dala ko. Nahiga ako sa kama at kinuha ang isang unan at niyakap ito. Hindi ko mapigilang mapatulala at maisip sila. I miss them. I miss my Mom and Dad. Natigilan ako sa pagmo-moment ko nang may marinig akong parang sigaw. Hindi pala sigaw kung hindi ungol mula sa kabilang unit. Akala ko ba soundproof 'to? Ito yata 'yong kwarto ng lalaking nagnakaw ng halik sa akin. Ang swerte ko nga naman. Sa lahat na nga lang ng magkakadikit. Bakit kuwarto pa niya at ang kwarto na ito pa? Kita mo nga naman, binayagan ko na nga. Nagawa pang makipag-jugjugan iba talaga kapag fuckboy, e! Rinig ko pa rin ang patuloy na ungol na nagtatalik sa kabilang kuwarto at hindi ko malaman kung bakit pati sa kuwarto ko ang init kahit nakabukas na ang aircon. OMG! Pati ba naman ako ay nadadala sa naririnig ko? Okay, Carolline, pigilan ang paglalandi. Virgin pa ako pero pagdating sa mga bagay na ito ay marami na akong nalalaman dahil iba't ibang porn videos na rin ang napanood ko dahil sa napakagaling kong bestfriend na si Allen. Manonood na nga lang ng gano’n ay gusto niya pang kasama ako. Kaya minsan kapag gano’n ay humihiwalay na kaagad ako sa kaniya at baka kung ano pa ang gawin niya sa akin. Although may tiwala naman ako sa kaniya na hindi niya gagawin 'yon. Inaliw ko na lang ang sarili ko pero hindi sa paraang naririnig ko sa kabilang kuwarto. Nilibot ko ang paningin ko at naghanap ng makakain sa labas ng kwarto. Naalala ko na gabi na pala at hindi pa rin ako kumakain. Nakakita ako ng cup noodles at hindi ko na pinalagpas ang sarili ko't kinain na iyon kahit hilaw pa. Joke lang! Syempre nag-init ako ng tubig at 'saka nilagay sa noodles. Naghintay ako ng ilang minuto at 'saka kinain na 'yon. Napapangiti pa ako nang maalala ko dati na ang dami-dami kong kinakain. Iba't ibang klaseng ulam ang nakahain sa mesa pero heto ako ngayon at kinakain ang nag-iisang noodles ng mag-isa. Kailangan ko na talagang makahanap ng trabaho para naman makakain ulit ako ng gano’n. Konti lang ang pera na meron ako and for sure tatagal lang 'yon ng ilang buwan sa akin. Kailangan ko nang magtipid para mabuhay ako. Kaya ko ba talaga ito? Parang ngayon pa lang ay nahihirapan na ako. Dati ay may mga katulong na nagsisilbi sa akin. Kakain, matutulog at mag-aaral lang ang kailangan kong gawin ay nabubuhay na ako. Mayaman kami pero sa isang iglap parang nawala ang lahat. Nawala lahat ng pinaghirapan ng mga magulang ko. Kahit sana ang mansyon sa baryo ang natira sa akin ay okay na. Basta pagbalik ko ay may mauwian pa ako, pero pati iyon ay kailangang ibenta para may ipangbayad ako sa utang ng magulang ko. Hindi habang buhay na may magsisilbi at tutulong sa akin, kailangan kong kumayod para sa sarili ko. Pagkatapos kong kumain ay niligpit ko na rin ito. Naghugas muna ako ng katawan at 'saka humiga sa kama. Mabuti na lang at wala na ang ingay na naririnig ko mula sa kabila. Nakatitig lang ako sa picture namin na magkakasama. Habang yakap ang unan ko ay hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko nang maisip na wala na sila Mommy. Hindi pa rin ako sanay na wala na sila sa tabi ko, nami-miss ko na sila. Hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD