Chapter 4

1087 Words
Carolline's POV ISANG mahinang ungol ang lumabas sa labi ko nang halikan niya ako sa leeg. Tila'y mabilis na apoy ang kumalat sa buo kong katawan. "Babe," malambing na sabi ko. Hinawakan niya ang kaliwang dibdib ko at dahan-dahan itong minasahe. Mas napaliyad pa ako nang sinunggaban niya naman ang kanang dibdib ko. Mahigpit kong hinawakan ang buhok niya at mas lalong diniin ang mukha niya sa dibdib ko dahil sa pagkahalong kiliti at sarap na nararamdaman ko. Mas lalong nag-init ang puson ko nang paglaruan niya ang n****e ko gamit ang kaniyang dila. Naramdaman ko rin na naglandas ang kaniyang mainit na palad papunta sa p********e ko. Parang kuryente ang palad niya na dumadaloy sa buo kong katawan habang ginagawa ‘yon. Napaungol ako nang ipasok niya ang isang daliri sa p********e ko. "Ahh!" "You like it?" tanong niya at napatango naman ako. Ipinasok niya pa ang isang daliri at 'saka binilisan ang pagpasok at paglabas nito. Napatigil ako sa pag-ungol ko nang itigil niya ang paglalaro sa ibaba ko. Tinaas niya ang kaniyang palad at tinapat ito sa bunganga niya. Napanganga ako nang isubo niya ang kanyang daliri na ginamit sa baba ko at parang sarap na sarap ito sa pagdila at pagtikim. "Sweet," mahinang bulong niya kaya nagsipagpulahan ang mukha ko sa hiya. Hindi ko na kaya parang gusto ko nang sumabog sa pagpipigil kaya hindi ako nakatiis at sinabihan siya na gusto ko pa. "What do you want, babe?" malambing na tanong niya sa tenga ko. Naramdaman ko ang paglalaro ng kaniyang dila sa tenga ko kaya mas lalo akong nag-init. "I want more. Harder, Babe." Tinulak niya ako muli pahiga sa kama at puma-ibabaw siya sa akin. Binuka niya ang mga hita ko. Mas lalong namula ang mukha ko nang titigan niya ang nasa gitna nito. "So wet," sabi niya. Napalunok ako nang pinuwesto niya ang kaniyang alaga sa gitna ng hita ko. Nakita ko ang sobrang laki nito at galit na galit na gusto nang pumasok sa loob ko. Hinalikan niya ako sa labi para sabihing ipapasok niya na. Napasinghap ako nang tuluyan niya ng gawin ito. "Ahh!" "Ahh!!" Napahimas ako sa puwetan ko nang bumagsak ako sa ibaba ng kama. Kinusot-kusot ko pa ang mga mata ko. Nakakainis! Panaginip na naman! Bakit ba palagi na lang ako nananaginip ng gano’n? Note to me. Stop watching porn videos. Doon nagsimula ang pagiging malandi ko dahil sa mga napapanood ko. Mabuti na nga lang at natatakot akong gayahin ito kaya bilib talaga ako sa sarili ko, kayang-kaya kong magpigil ng init sa katawan ko. Pagkatapos ko mahimasmasan ay dumiretso na ako sa banyo para maligo. Kailangan ko pa lang umalis ng maaga para makahanap agad ng trabaho. Nakakainis hindi ko pa naman kabisado ang Maynila. Mauubos ang pera ko kung puro taxi ang sasakyan ko. Kailangan ko ring magtipid. Dapat talaga nagpasama muna ako kay Allen dito. Kahit ituro niya muna sa akin 'yong mga basic na paalis at pabalik dito. Bakit kasi ang tigas ng ulo ko at hindi ko pa siya pinasama? Syempre nahihiya ako dahil unang-una. Ang pamilya niya ang tumulong sa akin sa pagpapalibing sa parents ko at pangalawa ang dami na rin nilang nagastos. Pangatlo pinahiram niya pa sa akin itong condo na ito, huwag ko nga lang pansinin 'yong lalaki kong kapitbahay na ubod na yabang at pyromaniac pa. Speaking of him. Mabuti na lang talaga at hindi niya ako ginugulo. Siguro, nakalimutan niya na rin ang ginawa ko sa kaniya kagabi. Kung hindi pa naman siya kalahating maniac, hindi mangyayari sa kaniya iyon. Kinuha ko ang picture namin nina Mommy at nilagay ito sa table. Inayos ko muna ang hinigaan ko at lumabas sa kuwarto. Mabilis kong inayos ang sarili ko. Kinuha ko ang wallet ko at mga requirements na kakailanganin ko sa pag-a-apply ng trabaho rito. Sa labas na lang siguro ako kakain ng pang-umaga ko, tutal wala na ring pagkain sa refrigerator at ubos na rin ang stocks ni Allen. Makahahanap naman siguro ako ng kainan na mura lang pero masarap. Speaking of masarap. Ito ako ngayon at iniisip ang panaginip kanina. Tumaas tuloy ang balahibo ko kaya tinigilan ko na. Lumabas na ako ng unit at siniguradong naka-lock ito bago ako umalis. Sinilip ko pa ang kabilang pintuan kung bukas ba, pero nakahinga ako nang maluwag nang makitang nakasarado ito. Naglakad ako ng mahinahon patungo sa elevator. Pinindot ko ang ground floor pero pagkarating ko ay sa parking lot ako inilabas kaya sumakay na lang ulit ako at pinindot ang first floor. Nakahinga naman ako nang maluwag na tama na ang nilabasan ko. Naglakad ako na palinga-linga sa paligid dahil nagagandahan talaga ako sa mga nakikita ko. Ilang beses na akong nakakita nito dahil hindi na rin iba sa akin na mayaman din kami noong buhay pa ang parents ko. Pero gusto ko lang makakita ulit para kahit papaano ay maibsan ang pangungulila ko sa mga magulang ko. Stop for dramas na nga. Kailangan ko pang maghanap ng trabaho. Good luck naman sa akin. Mabilis akong napatago sa likod ng pader nang makita ko si Pyro doon sa may entrance. May kasama na naman siyang ibang babae bukod sa babaeng kausap niya kagabi. Hindi na ako magtataka kung bakit niya nagawang halikan ako na walang permission. Nagagawa niya ngang makipaglandian kung kani-kanino, sa akin pa kaya? Lumabas na ako sa pinagtataguan ko nang makita ko silang sumakay na ng kotse at umalis. Sa tuwing naiisip ko 'yong ginawa niya sa akin kagabi hindi ko pa rin mapigilang mainis. Nabaling ang pag-iisip ko nang marinig kong tumunog ang tiyan ko. Pati ang mga alaga ko sa tiyan, hindi nakikisundo sa akin. Tinignan ko ang relo sa pulsuhan at nagmadali akong maglakad nang makita kong ten o’clock na ng umaga. Pagkalabas ko ay naghanap muna ako ng karinderya na malapit para makakain at mabuti na lang dahil may malapit na kainan dito sa may hotel. Nag-order ako ng pagkain ko at dahil sa sobrang gutom ko ay mabilis ko lang itong naubos. "Thank you sa masarap na pagkain, ate!" nakangiti kong wika habang tinatanggal ang tinga ko gamit ang toothpick. Napanguso na lang ako nang mapatingin sa akin si ate at napapailing. Ngayon lang ba sila nakakita ng magandang babae na dugyot kung magtinga? Okay lang, ngayon lang din ako nakakita ng babaeng nagtitinda na nangungulangot. Kwits lang kami ni ate mo girl. Kinuha ko ang envelope sa may table at umalis na. Kailangan ko pang kumayod para mabuhay at maghanap ng jowa. Charot!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD