Chapter 5

1477 Words
Carolline's POV ILANG araw na rin ang nakakalipas, pero parang nawawalan na ako ng pag-asa na makahanap ng trabaho. Paano ba naman kasi kung hindi kulang ang requirements ko ay hindi naman fit sa kinuha kong kurso. Ilang kumpanya na rin ang napuntahan ko, pero kadalasan sa mga 'yon ay tapos na ang paghi-hire ng mga empleyado. Kaya heto ako ngayon at inaaliw ang sarili ko sa isang Ice Cream Parlor. Ang sarap ng buhay ko, nu? Wala na nga akong kapera-pera ay kumakain pa ako ng ganito. Lagi ko tuloy naiisip na sa Maynila na ba talaga ako mamamatay? Nakabusangot lang ako habang sumusubo nitong ice cream na may flavor na cookies and cream. Makahanap lang ako ng kahit anong trabaho ay okay na ako basta malaki ang sahod at marangal na trabaho. Napatigil ako sa pagsubo nang may lumipad na papel at dumapo sa paahan ko. Kinuha ko naman ito at binasa. WANTED: SECRETARY Requirements: -Female -College graduate -20 years old and above -5'5 and up -Pleasing personality -Beautiful and Sexy -Easy to talk -All in one Salary? Just name it. If you are interested call 0926******* Napatulala naman ako sa nabasa ko. Seriously? Secretary, pero ganiyan ang requirements? Tapos ang sahod ay ikaw ang bahala kung magkano ang gusto mo? Aba! Ang gandang opportunity naman nito. 'Yong mga ganito dapat gina-grab na kaagad, e! Kinuha ko naman ang cellphone ko at nag-dial ng number na nakalagay rito sa papel. Napapakagat ako sa kuko ko ng ilang beses pa mag-ring bago sagutin ang tawag sa kabilang linya. "H-Hello?" kinakabahang tawag ko. "Good Evening! It is from VL Company. How can I help you? Do you have an appointment, or are you just asking to have a schedule for Mr. Vielle?" "Hiring pa rin po ba kayo sa Secretary?" nagbabakasali kong tanong. "Yes, Ma'am! Can I get your name, please?" "Carolline Zay Spears," mabilis kong sagot. "Okay, Miss Carolline. The twenty-seventh of January is the day of your interview. I'll text the address of our company to your number." "Okay, thank you," sagot ko at 'saka binaba na ang tawag. Ayon na 'yon? Magtatanong pa lang ako, pero may date na kaagad ng interview para sa akin? Astig! Natigilan ako nang maalala ang date ngayon. Ibig sabihin pala ay bukas na 'yon? Ang bilis naman. Napatingin naman ako sa hawak kong papel. Pasok naman ako sa lahat ng binigay nilang requirements, pero bakit parang kinakabahan ako? Hindi bale na lang. Kapag talaga nakapasok ako sa pagiging secretary na 'to ay sasabihin ko sa boss ko na hundred thousand a month ang sahod ko. Haha, joke lang! Masyadong mataas naman 'tong hangarin ko. Hindi ko pa nga alam kung makapapasok ba ako o hindi. Oh, dear! Wish me luck. May ngiti sa labi na umuwi ako sa condo unit. Nag-i-improve na rin ako kasi sumasakay ako ng jeep kapag aalis. Tipid sa pamasahe, pero more hassle nga lang. Napatigil ako sa eighteenth floor sa may loob ng elevator nang bumukas ito dahil bumungad lang naman sa akin ang mukha ng kapit bahay ko. Mabilis kong tinakpan ang mukha ko at naglakad palabas ng elevator, pero hindi pa ako nakakalayo nang tawagin niya ako. "Hey, you!" Nakilala niya siguro ako? Mabilis akong naglakad patungo sa unit na tinutuluyan ko. Hindi ko na tinangkang lumingon pa sa likuran dahil alam kong nakatingin siya sa akin. Mabilis kong pinindot ang code sa labas nang makarating na ako nang tuluyan at pumasok agad sa loob. Sinapo ko pa ang dibdib ko sa bilis ng t***k nito. Ilang araw ko rin siyang hindi nakita. Naalala niya pa kaya 'yong ginawa ko sa kaniya? Tanga mo talaga, Carolline! Natural, naalala niya pa ‘yon. Tuhuran mo ba naman ang p*********i niya ng napakalakas, e! Tsk! Kasalanan din naman niya kasi 'yon. Naalala ko tuloy 'yong unang beses naming magkita. Okay na sana, e! Kung hindi lang talaga siya kalahating walang galang at buong pyromaniac. Hindi naman ako iiwas sa kaniya. Hindi dapat ako nagtatago ng ganito. Umupo na lang ako sa sofa at 'saka binuksan ang television at nanood na lang. Napalingon naman ako nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko sa screen ang mukha ni Allen kaya mabilis ko itong sinagot. "Allen!" excited na sagot ko. "Alam kong nami-miss mo ako, pero please lang, ah. Huwag mo akong sigawan, ang sakit mo sa tenga!" Napanguso naman ako sa sinabi niya kaya hininaan ko na ang boses ko. "Bakit ngayon ka lang tumawag?" tanong ko. "Sorry na. Sobrang busy lang talaga ngayon dito. Gusto ko sanang pumunta r’yan para makita ka kaso ang dami ko pang gagawin. Kumusta ka naman? Nakahanap ka na ba ng trabaho?" Napatayo naman ako sa inuupuan ko at nagsimulang maglakad patungo sa balcony. "Okay naman ako rito. Medyo nasasanay na rin ako sa atmosphere ng Maynila. Ayon nga lang wala pa akong trabaho, pero meron akong job interview bukas." "Carolline, sabi ko naman sayo dati pa na tutulungan na lang kitang makahanap ng trabaho r’yan." "Okay lang, ano ka ba? Sobrang dami niyo na kayang naitulong sa akin. Nakakahiya na sa iyo lalo na kina Tita Alyanna." "Carolline," tawag niya kaya napabuntong hininga ako. "Ayos lang talaga ako. Malay mo bukas, ito na talaga. Huwag kang mag-alala dahil kaya ko naman ang sarili ko." "Ayaw mo ba talaga? May pinsan din ako na nandiyan ngayon sa Maynila at may kumpanya sila ngayon, ipapasok kita roon kung gusto mo." "Huwag na, kaya ko naman na ito. Thank you na lang, Allen," nakangiting sabi ko. Napatitig naman ako sa baba. Ang ganda pala ng tanawin dito kapag gabi. Bakit ngayon lang ako pumunta rito? "Kumusta naman diyan sa Floresidad?" dugtong kong tanong. "Okay naman dito. By the way, nakahanap na pala ako ng buyer doon sa bahay niyo." Bigla naman akong nalungkot sa narinig na balita. "Allen?" "Bakit?" "Puwede bang paki-cancel 'yong pagbebenta ng bahay namin d’yan? Ayokong pati 'yan ay mawala sa akin. Iyan na lang ang nag-iisang alaala sa akin ng parents ko." "Paano 'yan? Hindi ka ba mahihirapan?" "Susubukan kong makahanap agad ng trabaho na may malaking sahod para mabayaran ko ang mga utang nina Mommy at Daddy. Kung kakayanin ay magdo-doble ako ng trabaho." "Baka kung anong klaseng trabaho 'yan." Napangisi naman ako sa sinabi niya. "Ano ka ba? Disenteng trabaho pa rin naman ang gusto ko kahit maghirap ako." "Sabi mo yan, ah! "Oo naman!" "Paano ba 'yan? Tinatawag na ako nina Mommy. Sa susunod na lang ulit, bye, Carolline! I miss you! Don't forget to call me kung nahihirapan ka na r’yan. I promise pupuntahan kita agad." "Of course, bye!" paalam ko at 'saka in-end call ang tawag. Napatingin na lang ako sa tanawin sa baba. Hindi ko mapigilang tignan ang kalangitan at nakita ko ang dalawang bituin na magkadikit at malakas na nagniningning. Napaisip ako at nagbabakasakali na sina Mommy ang dalawang bituin na ‘yon. "Hi, Mom and Dad," nakangiting bati ko habang nakatingin sa bituin. Alam kong nakatingin lang din sila sa akin mula sa taas at alam kong hindi nila ako pababayaan. "Please, guide my path." Nabigla naman ako nang may makitang falling star. Pinikit ko kaagad ang mata ko at pinagdikit ang dalawang palad ko. "Sana matanggap na ako sa trabaho na ito," tanging hiling ko. "Tsk." Napadilat ako ng mata at napalingon sa lalaking nakatayo sa kabilang balcony. Hindi siya nakatingin sa puwesto ko, pero pakiramdam ko kanina pa siya nakikinig sa mga kadramahan ko. "Kalalaking tao ay napaka-tsismoso." Napatalon ako nang bigla siyang lumingon sa akin. Nagtama ang mga mata naming, pero mabilis din akong napaiwas. "Your voice is so loud even when I'm in the bathroom, I hear it." "Aba! Hindi ko kasalanan na pinalunok ako ng megaphone ng parents ko." Napakunot naman ang noo niya. "Really? Did your parents do that?" Napakurap ako ng ilang beses sa naging tanong niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o maaawa sa kaniya. Napakamot ako ng ulo ko at sumandal sa railings ng balcony. "Alam mo ba ang joke?" tanong ko. Lumapit siya ng kaunti at nilagay ang kaniyang kamay sa bulsa. "Is that edible?" Matatawa na sana ako sa naging sagot niya nang magsalita pa siya. "Of course I know, but the word joke is not in my dictionary because I'm a serious person." Tinitigan ko naman siya mula ulo hanggang paa at napanguso. "Seryoso raw, pero nagagawang magloko," nakangisi kong bulong sa sarili nang maalala ko 'yong mga ginawa niya sa mga kasama niyang babae. "Coming from you," sagot ko. Magsasalita pa sana siya nang may tumawag sa cellphone niya kaya hindi niya na nagawang makipagtalo sa akin at pumasok sa loob ng room niya. Kahit naman ako ay hindi rin magpapatalo sa kaniya. Ilang minuto pa akong nag-stay sa balcony bago ko napagpasyahang pumasok sa loob at matulog. Kailangan ko pa kasing maghanda para bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD