"Why do people only realize what's important when it's too late?" *** "GOOD morning, Cassy!" "Hi, Cassy! Looking bright as usual, I see." "I've always meant to say this– Cassy, your bangs look cool!" Understatement kung sasabihin ni Cassy na nagulat siya sa mga pagbati sa kanya ng mga schoolmate niya na ni hindi nga niya alam ang pangalan. Gaya ng madalas, umuwi siya sa bahay ng mga magulang niya nitong weekend. Dalawang araw lang siyang nawala sa school, pagkatapos ganitong pagbati na ang matatanggap niya? Hindi naman sa nagrereklamo siya. Nakakapagtaka lang. Kanina nga, habang naglalakad siya sa Polaris Boulevard dahil hindi siya nahatid ng parents niya, may ilang huminto para itanong kung gusto daw ba niyang sumabay sa mga ito. Naiilang siya kaya tumanggi siya. Mas nakakagulat no'

