Royal secret revealed. *** "YUKI, are you okay?" nag-aalalang tanong ni Koji sa kaibigan habang mabilis silang bumababa ng hagdan. "Just calm down." Tumango si Yuki. Halata sa mga mata nito ang takot pero mukhang kontrolado pa naman nito ang panic. "Hai." Malakas pa rin ang pagyanig at nagkakagulo sa paglabas ang mga ka-dorm nila. May nagsisigawan at nagtatalo pa dahil nag-uunahan sa paglabas. Pero sa kabutihang palad naman, may mga kagaya nilang kalmado pa rin na tinutulungan ang iba na 'wag mag-panic. Sa labas ng Borealis, naririnig din nila ang boses ni Mr. Rosales– isa sa mga teacher ng academy– na ini-instruct ang mga estudyanteng kumalma sa paglabas ng dorm at dumeretso sa open field. Nang makababa sila ng hagdan, may mahabang pila na sa paglabas ng dorm gamit ang maindoor. Sa p

