"There are things you just can't fight for." *** UNDERSTATEMENT kung sasabihin ni Koji na nanigas siya sa kinauupuan habang kaharap niya si Miss Margarette Seranilla na umiinom ng tsa sa garden ng mansiyon nila. Well, sa mansiyon nga sila nakatira ng mommy niya pero halos wala nang lamang furniture ang malaking bahay dahil nabenta na nila ang karamihan sa mga 'yon. Ayaw lang talagang isuko ng kanyang ina ang mansiyon dahil naro'n daw ang lahat ng memories nito sa daddy niya. Mabigat nga sa loob nito nang isangla ang titulo ng lupa nila para ipambayad sa utang. Pero ngayon, naibalik na sa kanila ang titulo at yakap-yakap na 'yon ng mommy niya na umiiyak sa tabi niya. Bayad na rin ang mga utang nila. "This is too much, Madam Serranilla," hindi makapaniwalang bulalas ni Koji nang nagkar

