"Why make love difficult when it's supposed to be easy?" *** PARANG may sumuntok sa dibdib ni Koji nang makita niya si Blossom na nakaupo sa hedge ng nakahilerang santan flowers sa harap ng Borealis Dormitory. Mas doble ang sakit nang ngumiti at kumaway sa kanya ang dalaga. Mas lalo itong gumaganda at lumiliwanag kapag masaya. "Hi, Koji!" masiglang bati ni Blossom sa kanya. "How are you?" Lumapit si Koji sa dalaga. Halos mapabuntong-hininga agad siya nang maamoy niya ang matamis nitong pabango na gustung-gusto niya. Pero inalis niya agad 'yon sa isipan niya nang tumayo siya sa harap nito. "What are you doing here, Blossom?" "Gusto ko lang mag-thank you sa'yo kasi niligtas mo ko no'ng nagkaro'n ng earthquake last week. Wala ka na sa hospital no'ng nagising ako kaya hindi na kita napasa

