Start of something kilig. *** "Karirin mo na ko, Cassy." Bumungisngis si Cassy nang maalala niya ang sinabing 'yon ni Roarke. Alam niya kung ano ang posibleng nararamdaman ng prinsipe para sa kanya pero kahit parang pareho naman sila ng feelings ay hindi pa rin niya 'yon magawang harapin. Masaya siya sa kung anumang meron sila ngayon kaya ayaw niya munang sirain 'yon. Alam niyang fairy tale lang ang nangyayari ngayon. Iniisip na lang niya na siya si Cinderella na may hanggang twelve midnight bago bumalik sa realidad. Para sa kanya, ang realidad na ayaw niyang harapin ay ang pagbabalik ng 'Prince Charming' niya sa kaharian nito. Ng nag-iisa, siyempre. The prince would go back to Elestia after this school year and she hadn't forgotten about it. But for now, i-e-enjoy ko muna kung ano m

