"Peaceful days don't last long." *** KUNG hindi lang nag-aalala si Roarke kay Cassiopeia, hindi siya magpapakita sa "dinner date" na 'yon ng mommy nila sa isang five-star hotel. Okay lang sana kung silang tatlo lang. Ang problema, alam niyang may ipapakilala sa kanya ang kanyang ina. 'Yon ang ayaw niya sa lahat. "Should I ditch-" "No," mariing sagot ni Creed na parang poste sa tabi niya sa elevator na 'yon na solo nila ng mga sandaling 'yon. Nang muli itong magsalita, French na ang gamit nito. "Pasensiya ka na, Mahal na Prinsipe. Pero mahigpit na bilin ni Lady Serranilla na hindi kita puwedeng patakasin kahit anong mangyari. Mahalaga raw ang gabing ito para sa pamilya niyo." Bumuga siya ng hangin at sumandal sa dingding, saka siya namulsa. "My mom is playing Cupid tonight, isn't she?"

