"Color the town red. Bloody red." *** "WHY ARE you reading a Tagalog romance novel in broad daylight, Prince Roarke?" Sinubukan ni Roarke na huwag pansinin si Nikita Lao na kanina pa sumasabay ng lakad sa kanya. Seryoso siya sa pagbabasa ng libro ni Cassy dahil gusto niyang malaman kung ano ang idea nito tungkol sa pakikipag-date. Napansin niya na puro grand gesture ang ginagawang moves ng mga main guy sa mga nobela nito. Gusto kaya ng dalaga ng gano'ng klase ng confession? 'Yong ipagsisigawan sa buong mundo ang feelings niya? Kung gagawin niya 'yon... Kakaladkarin ka ng daddy mo pabalik ng Elestia, sagot ng isang bahagi ng isipan niya. At siguradong magiging big news ito sa royal family. Natigilan siya sa paglalakad. Bakit ba habang tumatagal, lalo niyang na-re-realize kung gaano kak

