Whose princess? *** "WHERE'S Blossom Serranilla?" tanong agad ni Brooklyn pagkapasok niya sa classroom na alam niyang pinapasukan ni Blossom ayon sa imbestigasyon ng mga tauhan niya. Natahimik ang lahat ng estudyante sa loob at sabay-sabay napatingin sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang takot sa mga mata nang ilang nakakilala sa kanya kung bilang ang adoptive son ba ng kriminal na si Romano o bilang ang transfer student na nanakit kay Chase Serranilla, wala siyang ideya at wala siyang pakialam. Ito ang first day niya sa Polaris Academy bilang 'new student.' Tatlong buwan lang naman siyang magiging 'exchange student' at naka-focus sa 'Filipino subject' ang klase niya. Kumbaga ba, kukuha lang siya ng Filipino classes para matutong mag-Tagalog, orally at verbally. Hindi naman na siya

