Chapter 2: Errand Girl

4078 Words
"Every peso counts." *** WELCOME TO POLARIS ACADEMY Making students shine since 1908 "DAPAT palitan ang tagline ng school na 'to, eh," iiling-iling na bulong ni Cassy sa sarili habang masama ang tingin sa malaki at kulay gold na arc na makikita sa main gate ng Polaris Academy. Pagod na siya dahil mula pa sa unang block bago ang school nila, hila-hila na niya ang dalawang malalaking maleta na hawak niya sa mga kamay. May nakasabit pang dalawang naglalakihan at nagbibigatang backpack sa magkabila niyang balikat. "Welcome to Polaris Academy: Making poor students suffer since 1908." Tumango-tango siya dahil maganda sa pandinig niya ang nabuo niyang tagline. "Mas bagay 'yong naisip ko, ha? I should be a copywriter someday." Malakas na busina. Napapiksi siya sa gulat nang marinig ang nakakabinging pagbusina ng silver Audi na hindi niya namalayang nasa gilid na niya. Nakababa ang bintana sa backseat kaya kitang-kita niya sina Brenda at Eloise na nakasilip at nakangisi sa kanya kaya ngumisi rin siya. Ang dalawang mestiza na 'to na parehong wavy at blonde ang buhok (light shade kay Brenda, dark shade naman kay Eloise) ang pinakamalaking bully sa buhay niya. Pero wala naman siyang magagawa dahil parte ng 'trabaho' niya ang pakisamahan (at pagsilbahan!) ang mga ganito kamalditang students sa academy nila. "Hi, Errand Girl!" cheerful na bati ni Brenda sa kanya. "Make sure to take extra care of our things, ha? May perfume kasi sa luggage namin na from Paris pa." "I'm sure naman na wala kang pambayad if mabasag 'yon so if I were you, I'd walk really, really slow," dagdag ni Eloise. "Go straight to Aurora, okay?" Ngumiti siya ng plastic. "Yes, Ma'am. Understood. Maglalakad ako sa pinaka-slow at pinakamaingat na way para hindi mabasag ang perfume niyo from Paris. See you sa Aurora, mga lady boss." Ang 'Aurora' ang pangalan ng dormitory for girls na nasa loob ng Polaris Academy. 'Borealis' naman ang tawag sa dormitory for boys. Yes, it sounded corny but she kind of liked the word play. Kumaway lang sa kanya sina Brenda at Eloise bago umangat ang bintana. Pagkatapos, umandar na uli ang silver Audi na kumikinang sa kintab. Napabuga ng hangin si Blossom habang iiling-iling. "Lakas talaga mag-power trip ng mga rich kid. Ang ganda-ganda ng kotse, pero pinapabuhat pa sa iba ang luggage nila!" Konting tiis na lang, Cassy, pag-chi-cheer niya sa sarili. Grade 12 ka na. Meaning, ito na ang huling taon mo sa high school. Makakalayo ka na rin sa mga bully na 'yon. Natigilan si Cassy nang umihip ang may kalakasang hangin at tinangay ang makukulay na petals ng mga bougainvillea trees sa paligid. Napangiti siya habang tumitingin sa paligid. Sa dalawang buwan na summer vacation, muntik na niyang makalimutan ang favorite spot niya sa Polaris Academy– ang 'Polaris Boulevard.' 'Yon ang kalsada sa pagitan ng main gate at harap ng main building kung saan puwedeng maglakad ang mga estudyante o dumaan ang luxury cars ng mga rich kid. There were rows of boungainvillea trees in full bloom along the roadside. The flowers varied in color– pink, purple, orange, and white. The best part was that they added an air of tranquility to the road and they also made the street look romantic. Parang cherry blossoms ng Japan! Humugot ng malalim na hininga si Cassy para singhutin ang mabangong amoy ng bougainvillea flowers, saka niya binuga ang hangin sa baga niya. Okay na siya, magaang na uli ang pakiramdam. "Kaya mo 'yan, Cassy Hart," pag-cheer niya uli sa sarili. Apelyido niya ang 'Hart.' Nagsimula na uli siyang maglakad sa kahabaan ng Polaris Boulevard habang nililipad sa paligid ang makukulay na petals. "Ipaalala mo lang sa sarili mo kung pa'no ka napadpad sa School of Bullies na 'to." At habang 'naglalakbay' nga siya, sinabay na rin niya ang pag-re-reminisce sa tinatawag niyang 'Cassy's Legendary First Week at Polaris Academy'... 16 year old Cassy... Nanalo ang mama niya sa isang game show. In fairness, ang bongga ng prize– one million pesos, brand new car, at house and lot! Malaking tulong 'yon sa pamilya nila dahil hindi man sila gano'n kahirap kumpara sa iba, hindi pa rin naman masasabing komportable ang buhay nila. May puwesto sa palengke ang mama at papa niya. Nagtitinda ang mga ito ng karne ng mga manok at baboy. Nasa early fifties na ang mga magulang niya kaya nahihirapan siyang makita na gumigising ng sobrang aga ang mga ito at buong araw magpapakapagod sa pagtatrabaho. "Anak, nakapagdesisyon na kami ng papa mo sa investment na pagkakagastusan namin," excited na sabi ng mama niya. Siyempre, napangiti agad siya. "Talaga, Mama? Ano naman 'yon?" "Ikaw." Napakurap-kurap siya at tinuro ang sarili. "Ako?" "Oo, anak," sagot naman ng papa niya. Hinawakan naman nito ang isa pa niyang kamay. Gaya ng mama niya, halatang masaya rin ito. "Nagdesisyon kami ng mama mo na mag-invest sa edukasyon mo. Para kahit maubos man ang isang milyon natin, maaasahan ka pa rin ng pamilya natin." "Ahh," tumatango-tango at nakangiting sabi niya. Tama naman ang mga magulang niya. Mauubos ang pera pero hindi ang edukasyon ng isang tao. Nagpalipat-lipat siya ng tingin sa mama at papa niya habang pinipisil ang mga kamay ng mga ito. "Huwag kayong mag-alala, Mama at Papa. Mag-aaral akong mabuti. Kapag naka-graduate na ko, magtatrabaho agad ako para masuklian ko ang lahat ng paghihirap niyo sa'kin. Maghahanap ako ng work na magpapayaman sa'tin." Natawa ng mahina ang mama niya habang iiling-iling. "Salamat, anak. Masaya kaming marinig 'yan. Pero hindi naman 'yon ang ibig naming sabihin ng papa mo." Kumunot ang noo niya, saka siya tumingin sa kanyang ina. "Hindi 'yon? Eh ano, Mama?" "Anak," excited na sabi ng mama niya, halata sa mukha ang saya at nanlalaki pa nga ang mga mata. "'Pag nag-senior high ka na, ililipat ka na namin ng school. Ang gusto namin ng papa mo, sa Polaris Academy ka na pumasok!" Nabigla siya kaya binawi niya ang mga kamay sa mga magulang niya. "P-Polaris Academy? 'Yong private school para sa mga rich kid?" Naging matunog ang pangalan ng Polaris Academy nang may nag-viral na video tungkol sa pam-bu-bully daw ng mga Polarian (tawag sa mga estudyante ng Polaris Academy) sa mga teen star na pumapasok din sa school na 'yon. Sa video na pinanood niya, narinig niyang sinabi ng Polarian girls na ang cheap daw ng mga teen star para tawaging 'career' ang pag-arte 'lang' at pag-me-memorize 'lang' ng lines para kumita ng 'kaunting' pera. Mabilis din namang nawala 'yong video at namatay agad ang issue pero hinding-hindi niya makakalimutan ang napanood niya. Kung 'yong mga sosyal na teenstar na nga na mayayaman na rin naman, tinawag pang cheap ng mga Polarian na 'yon, pa'no pa kaya siya na makakapag-aral lang sa Polaris Academy dahil nanalo ng one million pesos sa game show ang mama niya?! "'Di ba masyadong mahal ang tuition fee sa Polaris?" nag-aalangan na sabi ni Cassy, baka-sakaling matauhan ang mga magulang niya. "Mas praktikal kung sa normal na private school na lang ako mag-aaral. 'Wag na sa Polaris." Mariing umiling ang kanyang ina. "Hindi, anak. Kailangang sa Polaris ka magtapos ng high school para makapasok ka rin sa magandang university kapag nag-college ka na. Gusto lang naming maibigay sa'yo ang mga bagay na alam naming mas makakabuti para sa'yo. Isa na ro'n ang pag-aaral sa Polaris Academy." Grade 11 Cassy, First Day... Nakanganga si Cassy habang nakatingala sa tatlong naglalakihang estatwa sa harapan niya. There were statues of three armored knights in different colors– the one in the middle was gold, the one in the left was silver, and the one in the right was bronze. Each life-sized figurine held the hilt of a sword with its blade pointed upwards. The plate on the platform where the huge statues stood said, 'The Three Swordsmen.' Magkakrus ang espada ng silver armored knight at bronze armored knight, pagkatapos ay nakapatong ang mga talim ng mga 'yon sa talim ng espadang hawak naman ng gold armored knight. Parang familiar 'yong position ng mga espada. Napatingin si Cassy sa crest na nakatahi sa (unnecessary) black vest sa ibabaw ng white blouse niya (na may unnecessary red plaid ribbon pa). Kagaya nga ng posisyon ng mga espada ng 'The Three Swordsmen' ang nakatatak na simbolo sa badge ng school uniform niya kung saan nakasulat din ang pangalan ng Polaris Academy. "Ah. Sila siguro ang symbol ng school." Oh, well. Naglakad na siya papunta sa klase niya. Accountancy, Business and Management o ABM Strand ang Academic Track na 'kinabagsakan' niya. Pagdating niya sa classroom, napatingin sa kanya ang new classmates niya. Ngumiti si Cassy gaya ng ginagawa niya kapag may customer siya sa palengke. "Good morning." Tipid na ngiti at ilang ''morning' lang ang natanggap niya bago bumalik sa kanya-kanyang business ang mga kaklase niya. Siya naman, tuluyan nang pumasok sa loob ng malamig na classroom. Ah, hindi naman pala masyadong 'unnecessary' ang vest sa school uniform nila dahil ang lakas ng buga ng aircon sa kuwarto. Nakahanap siya ng bakanteng table sa pinakadulong row at nasa tabi pa 'yon ng bintana. Ang mga mesa sa classroom nila, parang sa Japan o Korea. Himbis na armchair gaya ng nakasanayan niya sa dating school, may isang pares ng upuan at table na gawa sa kahoy ang naka-allot sa bawat Polarian. Ah. Gets ko na kung bakit mahal ang tuition fee dito. Bongga naman pala! "Hi, girl!" Tumingala si Cassy sa dalawa niyang classmate na lumapit sa kanya. Natulala siya sa gandang pang-diyosa ng mestiza sa harap niya at sa kaguwapuhan naman ng mestizo rin na kasama nito. Aaminin niya na sa dati niyang school, siya na ang pinakamaganda. Pero dito sa Polaris Academy, nagmukha siyang average. Nakakadurog ng self-confidence ang mga schoolmate niya! "I'm Brenda Zulueta," nakangiting pagpapakilala ng mestiza sa kanya. Nag-aalangan man, tinanggap pa rin ni Cassy ang pakikipagkamay nito. "Cassy Hart." Ngumiti lang si Brenda pagkatapos bitawan ang kamay niya. Pagkatapos, iminuwestra naman nito ang matangkad at kulot na lalaki na mukha sanang anghel pero mala-demonyo naman ang mayabang na ngisi. "And this is my friend." "Chase Serranilla," nakangising sabi ng binata, saka nilahad ang kamay sa kanya. "Hi, Cassy." "Hello, Chase," bati niya rito sa maingat na boses. Ewan ba niya pero may dangerous aura si Chase kaya siguro siya nangingilag dito. Nang pisilin ng lalaki ang kamay niya, sinubukan niyang bawiin 'yon mula sa pagkakahawak nito pero hindi pa rin ito bumitiw. "Uhm, puwedeng bitawan mo na ko? Kung hindi mo pa napapansin, medyo pasmado ako, eh." Biglang nawala ang ngisi ni Chase, sabay punas ng kamay sa pantalon nito. "Gross." Medyo napangiwi naman si Brenda pero pinilit pa rin nitong ngumiti. Pagkatapos, humalukipkip ito at humarap sa kanya. "Anyway, Cassy. I'd like to ask you a question." "Ano 'yon?" "What does your family do? Hindi kasi kami familiar sa Hart family." Normal ba 'yon na tinatanong sa bagong kaklase? "Uhm, nagbebenta ng karne ang family ko." "'Karne?'" nagtatakang tanong naman ni Brenda na parang ngayon lang narinig ang salitang 'yon. "Uhm, meat?" mas madaling paliwanag niya. "Ahh," tumatango-tangong komento ng mestiza. "You mean your family does meat trading? So, nakalinya pala sa food industry ang company niyo?" "Not bad," sabi naman ni Chase pero kay Brenda ito nakatingin. "Tray Acosta's family is in the meat trading industry as well. Their company runs one of the biggest meat processors in the country." Nilingon siya ng binata. "Are you acquainted with the Acostas?" Kumunot ang noo niya sa pagtataka. Hindi niya kilala ang pangalan at apelyidong binabanggit ni Chase. Saka bakit ba parang in-e-expect nito na 'acquainted' siya sa mga taong 'yon? Wait. Ano ba 'yong meat trading? Eh nagtitinda lang naman kami ng karne sa palengke! "Hi, Brenda and Chase!" Nawala sa kanya ang atensiyon ng dalawa dahil sa pagtawag sa mga ito nang isa pang mestiza. Ngumisi si Chase at lumapit agad sa babae para humalik sa pisngi nito. Si Brenda naman, humarap uli sa kanya. "That's my best friend Eloise Anderson. Their family owns gas stations all over the country. Ciao," sabi nito, saka siya tinalikuran. "Eloise!" Napakurap-kurap na lang si Cassy habang nakatingin sa mga kaklase niya. Bigla siyang nanliit. Ngayon, alam na niya kung bakit minamaliit ng Polarian kids ang mga teen star do'n sa napanood niyang viral video– old money ang mga batang 'to! Grade 11 Cassy, Second Day... Nagtaka si Cassy nang mapansin niyang pinagtitinginan siya ng mga schoolmate niyang kasabay niyang kumain sa cafeteria. Sigurado siyang siya rin ang pinagbubulungan at pinagtatawanan ng mga ito pero hindi niya maintindihan kung bakit. Okay naman ang first day niya sa school kahapon, ha? Ni-research niya kagabi sina Brenda Zulueta at Chase Serranilla. Nalaman niya na si Brenda, apo pala ng owner ng malalaking mall at concert grounds. Si Chase naman, pamangkin ni Margarette Serranilla– 'yong owner ng malaking TV network at ex-wife ng prinsipe ng isang malayong monarchy. Big time! "Hi, Cassy," nakangising bati sa kanya ni Brenda, saka ito naki-join sa mesa niya nang walang paalam. Binaba nito ang tray ng pagkain nito na vegetable salad at isang baso ng tubig lang ang laman. "I hope you don't mind." Tumango lang siya. Sa pagkagulat niya, dumating din si Chase na tumabi kay Brenda. Pero himbis na tray ng pagkain, mamahaling phone ang hawak ng lalaki. Ngumisi pa nga ito sa kanya na para bang iniinsulto siya. "Bakit?" naiinis na tanong ni Cassy kay Chase. "Pinagtatawanan mo ba ko?" "Yes, I'm laughing at you," deretso at nakangising sagot ni Chase na ikinatawa ni Brenda. "I can't believe a lowly Class C like you lied to us." "Class C?" nagtatakang tanong niya. "At bakit mo naman ako pinagbibintangan na nagsinungaling sa inyo?" "You lied to us," giit ni Brenda, nakangiti ng sobrang tamis habang pinaglalaruan ng tinidor ang salad nito. "You told us your family is in the meat trading business. Pero no'ng i-search ka namin, we found out that you don't belong in our class." "Gago ba kayo?" nabiglang bulalas niya dahil sa akusasyon ng dalawa kaya nakapagmura siya. Na-guilty siya dahil nag-promise siya sa parents niya na hindi na siya magmumura. Saka halatang na-shock sina Brenda at Chase sa pagmumura niya dahil nanlaki ang mga mata ng mga ito kaya binago agad niya ang usapan. "Kayo lang ang nag-assume niyan. Ang sabi ko lang, nagtitinda kami ng karne." "Sa palengke?" pang-iinsulto naman ni Chase na mukhang naka-move on na sa pagmumura niya kanina. Kinakalikot ng lalaki ang phone nito. Pagkatapos, hinarap nito sa kanya ang screen niyon. "Kayo ba 'to ng mother mo?" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang video ng game show kung saan nanalo ang mama niya pagkatapos buksan ng host ang 'kahon' na naglalaman ng 'Jackpot.' Sa clip na 'yon, makikitang umuulan ng confetti sa studio habang naglulupasay sa sahig ang kanyang ina at umiiyak na nagpapasalamat sa TV host. Mayamaya lang, nakita niya ang sarili niya sa video na patakbong lumapit sa mama niya, pagkatapos ay niyakap niya ang kanyang ina habang umiiyak. "Oo, kami nga 'yan ng mama ko. Ano naman ngayon?" Nagkatinginan sina Brenda at Chase, pagkatapos ay nagtawanan ang mga ito. "So nagtitinda kayo ng meat sa palengke and then one day, your mother won the jackpot in a stupid game show," nakangisi at iiling-iling na pag-summarize ng mestiza sa 'buhay' ng pamilya niya. "Does having a mere one million pesos in your bank account– if you have any– made you think that you already deserve to be a Polarian?" Binigyan siya nito ng nanunuring tingin mula ulo hanggang paa. "Well, looks can really be deceiving. What a waste. I thought you're qualified to join our clique." "Totoo pala 'yong mga ganito 'no?" iiling-iling na sabi ni Chase habang pinapanood ang video sa phone nito. "I don't know if I'm gonna pity your mother or laugh at her desperation. She looks like she's ready to kiss the TV host's feet just because of the stupid prize she won." 'Wag mong patulan ang mga rich kid na 'yan, pigil ni Cassy sa sarili. Kapag sinapak mo ang mga bully na 'yan, siguradong ipapakulong ka ng mga pamilya ng mga 'yan. Baka sa pagpiyansa at hospital bills lang maubos ang pera ng parents mo! "Tapos na ba kayo?" iritadong tanong na lang niya kina Brenda at Chase habang nagpapalipat-lipat ng tingin sa dalawa. "Yes, you're dismissed," sabi pa ni Brenda, nakangiti pa rin. Nakakairita. "Get lost. Thank you." "And don't you dare show your face here again," nakangising dagdag naman ni Chase. "Ayaw naming mawalan ng appetite kapag nakasabay namin dito sa cafeteria ang mga lower class like you." Sa pagkakataong 'yon, nagtawanan na ang mga schoolmate nila na nakikinig pala sa usapan. Nag-init ang mga pisngi ni Cassy sa pinaghalong galit at pagkapahiya. Bago pa siya makapanakit ng ibang tao, tumayo na siya at nag-walk out. Hinding-hindi na talaga siya babalik sa cafeteria na 'yon! Grade 11 Cassy, Third Day... "So, may caste system pala dito sa Polaris Academy?" tanong ni Cassy kay Koji habang kinakapa sa damuhan ang mga workbook niya na hinulog nina Brenda at Chase kanina mula sa bintana ng classroom nila. Nasa second floor sila kaya dito sa porch garden ng Senior High building bumagsak ang mga 'yon. "VVIP means Very&Vehemently Important Polarian. VIP is equal to Very Important Polarian. Then Class A na ang equivalent eh 'Acceptable' o 'yong students na may comfortable naman ang buhay pero hindi pa rin masasabing member ng high society." Umupo siya sa damuhan nang makita na niya ang Economics book niya. Isa na lang at makukumpleto na niya ang mga textbook niya. Ginto ang presyo ng mga 'yon kaya talagang hahanapin niya ang lahat ng 'yon! "Tama ba?" "Oo," sagot ni Koji na nakaluhod din sa damuhan at tinutulungan siyang hanapin ang mga libro niya. "Kasali sa Class A 'yong na-mention mong mga teen star na na-bully ng VIP students dito noon. Kahit sikat ang mga artista, kung hindi naman sila galing sa magandang pamilya, mababa pa rin ang magiging tingin sa kanila ng mga schoolmate natin na pinanganak na may golden o silver spoon." Nilusot nito ang kamay sa makapal na halaman sa harapan nito. "Ah. Found it." Napangiti siya nang iabot ng binata sa kanya ang Fundamentals of Accountancy, Business and Management 1 book niya. "Thanks, Koji." Nanatiling poker-faced ang lalaki pero tumango naman ito bilang sagot. Pagkatapos ay umupo ito sa tabi niya na parang nagpapahinga. Halos kalahating oras din silang naghanap dahil 'yong ibang libro niya, ang layo ng narating dahil sa malakas na paghagis ni Chase. Napapalataktak siya habang iiling-iling nang maalala na naman niya ang pam-bu-bully sa kanya pero inalis niya muna 'yon sa isipan niya dahil ayaw niyang ma-bad trip. "Anyway, 'yong Class B naman eh ang meaning 'Barely' o 'yong mga student na social climber daw ang pamilya? Grabe naman 'tong sistema na 'to. Sino bang nagpauso nito?" "Wala naman talagang written rule o formal caste system dito sa Polaris," paliwanag ni Koji. "'Yong mga bully lang like Chase and Brenda ang 'nagpauso' sa sistema na 'yon dito sa school. Sila 'yong nangunguna sa pag-background check sa mga schoolmate natin para alamin kung saang clique sila sasali at kung anong grupo ang puwede nilang i-bully hanggang sa ginaya na rin sila ng ibang students para maging 'in.' Nagsimula ang caste system na 'yan no'ng freshman year pa namin." "Ang sama no'n," iiling-iling na komento niya. "Kawawa naman 'yong mga ka-batch niyo na more than four years na palang nag-sa-suffer dito sa Polaris Academy." Bumuga lang ng hangin ang lalaki. "You should worry about yourself, Cassy. We're at the bottom of the caste. Ang Class C o Commoners eh 'yong mga scholar like the two of us. Tayo rin ang madalas na target ng bullying dahil wala tayong mayaman o influential family na makakabunggo nila kaya wala rin silang consequence o risk na kailangang harapin kung tratuhin man nila tayo ng ganito." Nilingon ni Cassy si Koji na nakaupo sa tabi niya. Nakilala at naging kaibigan niya ang binata no'ng nagkasabay sila sa pagkuha ng exam at interview para maging scholar ng Polaris Swordsmen Association o PSA bago pa man din magsimula ang klase. Pero sa totoo lang, bukod sa guwapo at matangkad ito, napansin niya na may air of elegance pa rin ito. Reserved ito at may good manners pa kahit pokerfaced at tahimik lang ito madalas. Naramdaman yata ni Koji na nakatingin siya rito kaya nilingon siya nito, blangko pa rin ang mukha. "What?" "Narinig ko si Chase na 'Dethroned Prince' ang tawag sa'yo," matapat na sagot ni Cassy. "Dati ka raw VIP na bumagsak sa Class C dahil sa isang unfortunate event sa pamilya mo?" Tumango naman ito. "You can say that." Natahimik na lang siya at hindi na nagtanong dahil hindi pa naman sila gano'n ka-close ng binata para manghimasok siya sa personal life nito. Pinansin na lang niya ang maliliit at kulay purple na mga bulaklak na nauupuan nila. Pumitas siya ng isa para amuyin at titigan. "Ang cute nitong flower, o." Tiningnan ng binata ang purple flower na hawak niya. "That's a wayside tuberose, also known as ruellia tuberosa. Maraming vines, trees, at plants dito sa Polaris Academy na nag-bu-bloom sa Pilipinas kapag summer. We're in a tropical country after all." Napangiti siya habang nakatitig pa rin sa bulaklak. "I hate the bullies here. Pero aaminin ko na na-e-enjoy ang facilities at magagandang view dito sa academy. Lalo na 'yong sa Polaris Boulevard. Ang ganda-ganda ng mga bougainvillea tress do'n, eh. Parang cherry blossoms ng Japan!" Nilingon niya ang binata nang may maalala siya. "Half-Japanese ka, 'di ba? For sure nakapunta ka na ng Japan since yayamanin kayo before. So nakakita ka na ba ng authentic sakura tree?" Sa pagkagulat niya, napangiti si Koji na parang naaliw sa kanya. "May fake bang sakura tree?" Wow, bakit ang cute ni Koji Takishima? Grade 11 Cassy, Fourth Day... Humigpit ang pagkakahawak ni Cassy sa pen niya at nakita niyang bumabaon na rin ang sharp point niyon sa page ng sinasagutan niyang workbook. Pilit niyang kinakalma ang sarili habang si Chase naman, wala pa ring tigil sa pagsipa sa mesa niya. "Hey, Commoner," sabi pa ni Chase. Sa wakas ay tinigilan na rin nito ang pagsipa sa mesa niya. "These are Tray Acosta and Vonn Chua– my friends from the STEM Strand. Sagutan mo 'yong workbook nila sa Calculus. Magaling ka sa Math, 'di ba?" Naiinis na nag-angat si Cassy ng tingin sa tatlong lalaki sa harapan niya. Pare-parehong matatangkad at may mayayabang na ngisi ang mga ito– halatang magkakaibigan nga. Nawala ang ngisi ni Chase nang kumunot ang noo nito. Pagkatapos, sinipa nito ng malakas ang mesa niya dahilan para tumumba 'yon at malaglag ang mga gamit niya. "Are you glaring at me?" Tumayo si Cassy at lakas-loob na nagtaas-noo sa pagharap sa lalaki. "Bakit kailangan kong sagutan ang workbook ng mga alalay mo?" "Alalay?!" reklamo ni Vonn, sabay duro sa kanya. "Watch your words, Commoner." "You've got nerves, huh?" halatang napikon na sabi ni Tray na akmang hahablutin ang ribbon niya pero pinigilan ito ni Chase. At pagkatapos, dinutdot ni Chase ang noo niya habang nakapamulsa ang isang kamay. "Sasagutan mo ang workbook nila kasi maglalaro kami ng pool ngayon. Wala kang karapatang tumanggi kasi ang donation ng mga pamilya namin sa PSA ang sumusuporta sa scholarship niyong mga Commoner. Technically, we are sending you to a good school so you owe us this much. Get it?" Naiinis na tinapik ni Cassy ang kamay ni Chase na ikinatawa lang nito. Ikinuyom niya ang mga kamay niya, saka siya humugot ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Kapag sinapak niya ang lalaking 'to, hindi malabong sapakin din siya ng mga alalay nito dahil mukha namang douche ang mga ito na pumapatol sa mga babae. "Five hundred pesos," deklara ni Cassy, sabay lahad ng mga kamay niya na halatang ipinagtaka nina Chase, Vonn, at Tray na sabay-sabay kumunot ang noo habang nakatingin sa kanya. Mukhang slow ang mga rich kid na 'to kaya nagpaliwanag na lang siya. "Bayaran niyo ko ng five hundred pesos each kung gusto niyong sagutan ko ang mga workbook niyo sa Calculus." Nagkatinginan ang tatlong douche, saka nagtawanan. Pero naglabas naman ng mga wallet at nilagyan ng tig-500 pesos ang mga palad niya. That was when Cassy accepted the cold, harsh truth that she failed to realize before going to Polaris Academy: life was unfair, especially to poor people like her.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD