“Every girl is a princess… but only a few wear legit tiaras.”
***
NAGLAKAD na si Blossom papasok ng paborito niyang coffee shop. Cozy kasi angjj ambiance do’n. Bukod sa mga kahoy na mesa, meron ding white couches at love chair sa private spaces ng café. Pero ang pinakamagandang parte do’n ay ang dingding at kisame dahil sa naggagandahang mural niyon.
Galaxy, nebula, at starry night sky– ang mga iyon ang makikitang nakapinta sa paligid kaya nakaka-relax mag-hang out sa North Star Café.
Ramdam niyang nakasunod lang sa kanya ang personal Knight niyang si Xia at alam niyang maririnig nito ang sinasabi niya. “I want to have private time with Koji, Xia.”
“Of course, Miss,” magalang na sagot ni Xia at ‘Miss’ ang tawag nito sa kanya himbis na ‘Your Highness’ o ‘Mahal na Prinsesa’ dahil may ibang tao na sa paligid nila ngayon.
Napangiti agad siya nang makita si Koji na kababalik lang sa counter habang may bitbit na walang lamang tray. Kakaunti lang naman ang mga customer kaya siguradong hindi ito busy.
“Koji!” masiglang bati ni Blossom sa binata na tumingin agad sa kanya. Huminto siya sa tapat nito at tumingala rito dahil six feet ang height nito at 5’7” lang siya. Well, mas matangkad siya sa average Filipina height dahil sa dugong Elestian niya. Pero mas matangkad pa rin sa kanya si Koji na may Japanese blood naman mula sa father side nito. “I’ve missed you.”
“Ah,” walang emosyong komento ni Koji habang nakatingin pababa sa kanya. Parati naman itong walang facial expression. “You’re back.”
Nag-pout siya sa kawalan nito ng excitement na makita siya pero pasimple naman niyang tinitigan ang uniform ng lalaki. Nitong summer vacation lang ito nagsimulang magtrabaho sa North Star Café at nagbakasyon naman siya sa Japan no’n kaya ngayon niya lang ito nakitang nakasuot ng gano’n.
Koji was tall and lanky but his server uniform suited him just fine. Puting long-sleeved polo 'yon na nakatiklop sa mga siko nito na may black vest pa sa ibabaw, at ang pang-ibaba naman nito ay itim na slacks na may pulang apron na nakatali sa baywang nito.
His beautiful dark slanted eyes, black hair that fell just above his thick eyebrows, pointed nose, high cheekbones, naturally reddish lips that was emphasized because of his fair skin, and his good posture made him look like an aristocrat despite the server uniform he wore.
“How do you manage to still look like a runway model even when you’re holding a tray?” naka-pout pa rin na reklamo ni Blossom habang pasimpleng tinutusok-tusok ng daliri ang forearm nito. It really looked sexy when guys folded their sleeves to show their forearms just like what Koji did. “Sinong nagbigay sa’yo ng permission na maging ganyan ka-hot habang nasa Japan ako? Puwede ka bang mag-break muna para masolo kita? Nakakatakot ang tingin sa’yo ng fangirls mo, eh. Parang aagawin ka nila sa’kin.”
“I’m not yours, Blossom,” walang hesitation na deklara ng binata habang inaalis ang kamay niya sa braso nito. “Mamaya pa ang break time ko kaya hindi pa ko puwedeng magpahinga.”
Nag-pout uli siya. Kahit kelan talaga, ang cold ng treatment nito sa kanya. Ang mas nakakainis pa, hindi niya ito masisi kahit nasasaktan siya kasi siya lang naman itong na-fall at naghahabol. Ang pangit pakinggan ng ‘naghahabol’ pero 'yon naman talaga ang ginagawa niya kaya hindi niya i-de-deny.
But she’d rather call it ‘making her own fairy tale come true.’
Ngumiti ng matamis si Blossom nang may maisip siyang ‘brilliant idea.’ “Where’s your manager? I want to talk to him right now.”
Kumunot ang noo ni Koji na parang nagtataka pero bago pa ito makapagsalita, naunahan na ito ng kung sino.
“Hi, Blossom!” masayang bati sa kanya ni Yuki na tumayo sa tabi ni Koji. Mas maliit ito compared kay Koji pero mas matangkad pa rin sa kanya kaya nakayuko rin ito habang kausap siya. “Welcome back. Na-miss kita. How’s Japan?”
Napatitig lang siya kay Yuki dahil kahit lalaki ito, nakakasilaw pa rin ang ‘ganda’ nito.
Yuki was a beautiful man– and yes, he was gay and proud of it. Maputi at makinis na balat, singkit at gentle na mga mata, matangos na ilong, at maamong mukha. Hanggang balikat ang halatang malambot at madulas na ash blond hair nito na nakatali sa low ponytail pero may nakabagsak na ilang makapal na hibla sa magkabilang side ng pisngi nito na nag-fe-frame sa mukha nito.
Gaya ni Koji, nakasuot din si Yuki ng server uniform. Pero alam niyang si Yuki ang anak ng owner ng North Star Café at ito rin ang nagpapatakbo sa branch na 'yon. Siguro, ‘nagtrabaho’ lang ito bilang summer job. Parehong may Japanese blood at mag-best friend na simula kindergarten.
“Are you okay?” natatawang tanong ni Yuki na pumitik pa sa harap niya.
Ngumiti si Blossom nang maalala na kailangan niya ito. “Yuki, puwede bang i-cover mo muna ang shift ni Koji? Super na-miss ko kasi siya kaya gusto ko siyang masolo kahit fifteen minutes lang.”
Mabilis namang tumango si Yuki. “Sure. Take him away.”
“Yuki,” saway ni Koji dito habang kunot-noong nakatingin sa best friend nito.
Binigyan ni Yuki ng istriktong tingin si Koji. “You deserve a break, Koji. Alam ko namang na-miss mo rin si Blossom kaya sige na, spend time with her.”
Napangiti si Blossom dahil kahit sumimangot si Koji, hindi naman nito tinanggi ang ‘declaration’ ni Yuki na na-miss siya ng binata. Nakagat niya tuloy ang lower lip niya para hindi siya mapatili sa kilig.
He missed me, too!
“Plus, I’m the boss here,” dagdag ni Yuki sa playful pero medyo authoritative na boses. “Take a break and that’s an order.”
Bumuntong-hininga si Koji at tumango. “Yes, Sir,” sagot nito, saka maingat na nilapag sa counter ang tray bago siya nilingon. “Look for a vacant table for us, Blossom. Susunod ako. Igagawa lang muna kita ng favorite mong frappuccino.”
“Okay,” excited na sagot niya. Pagkatapos, umupo siya sa white love chair sa table for two. Napangiti siya nang makita ang decoration sa gitna ng rounded table– penholder na may design ng solar system sa katawan niyon. May laman din 'yong cute pens na may malalaking star na decoration sa tip. “Kawaii.”
“One month ka lang sa Japan, marunong ka nang mag-Nihonggo?”
Nag-angat siya ng tingin at napangiti nang makitang dumating na si Koji na may bitbit na dalawang tall cup ng frappuccino. Umupo ito sa katapat niyang love chair, pagkatapos ay pinatong sa mesa ang mga cup. 'Yong isa, inusad nito palapit sa kanya. “May alam naman talaga akong Japanese terms.” Pinatong niya ang mga kamay sa mesa, saka siya sa dumukwang. “Aishiteru, Koji.”
Poker-faced lang si Koji habang nakatingin sa kanya, pagkatapos ay kinuha nito ang cup at tahimik na sumipsip sa straw ng frappuccino nito. Halatang wala itong balak mag-comment sa sinabi niya para siguro hindi siya masaktan. Obvious din na wala pa ring effect dito ang heartfelt confession niya.
“That was my 69th confession and you still have no reaction,” naka-pout na reklamo niya, pagkatapos ay umayos na siya ng upo. “Anyway, I missed your birthday because we spent our summer vacation in Japan.” Pinatong niya sa mesa ang dala niyang paperbag, saka niya 'yon inusad palapit sa binata. “But I didn’t forget to get you a gift.” Pinaningkitan niya ito ng mga mata bago pa ito makapag-react. “Nag-promise ka na tatanggapin mo ang gift ko sa’yo kapag birthday mo, saka kapag Christmas at Valentine’s Day. Kaya hindi mo puwedeng tanggihan 'yan, okay?”
Binaba nito ang cup sa mesa, pagkatapos ay wala pa ring facial expression na kinuha ang paperbag. Tiningnan siya nito na parang humihingi ng permission sa kanya. Nang tumango siya, binuksan nito ag paperbag at kinuha ang nasa loob niyon.
Napangiti siya nang makita niya ang biglang pag-aliwalas ng mukha ng binata kahit hindi ito ngumiti. Pero dahil kilalang-kilala na niya ito, alam niyang masaya ito habang hawak ang bagong volume ng Bleach manga na birthday gift niya para rito.
He was an otaku after all.
“It’s written in Nihonggo,” sabi ni Blossom. “Marunong ka pa namang magbasa niyan, 'di ba?”
“Oo,” simpleng sagot nito, saka ito nag-angat ng tingin sa kanya. His face obviously lit up from excitement. “Thank you, Blossom.”
“I love you, too.”
Again, walang reaksyon si Koji. Tahimik at maingat lang nitong binalik sa paperbag ang Bleach manga. Pagkatapos ay may dinukot ito mula sa bulsa nito. “Here.”
Nakangiting nilahad naman ni Blossom ang mga kamay. He then dropped a guitar pick on her palms. “Oh,” excited na sabi niya, saka niya kinuha ang guitar pick at inangat 'yon sa mukha niya para matitigan niyang mabuti. Puti ang kulay niyon at may disenyo ng bulaklak na Yellow Bell. Natuwa siya kasi alam niyang ito mismo ang nag-paint niyon. Inasahan na niya 'yon dahil sa tuwing binibigyan niya ito ng regalo, binibigyan naman siya nito ng personalized guitar pick. “This is so cute. Thank you, Koji!”
Kinuha lang uli nito ang frappuccino, saka ito tahimik na sumipsip sa straw.
Pinatong naman ni Blossom ang mga siko sa mesa para mangalumbaba. Mas komportable kasing titigan si Koji sa gano’ng posisyon. Kapag ganitong natititigan niya ang lalaki, lalo niyang nararamdaman kung ga’no niya ito kagusto. Her heart always beat erratically when he was near. “Koji, I’m serious with what I feel for you. Wala akong pakialam kahit ‘Dethroned Prince’ ang tawag sa’yo sa Polaris Academy. I believe in you and I know you’ll overcome this trial with success.”
Natigilan sa pagsipsip sa straw ang binata, pagkatapos ay bumaba ang tingin nito sa mesa.
Alam niyang naiintindihan nito ang sinasabi niya. ‘Dethroned Prince’ ang tawag kay Koji dahil dating mayaman ang pamilya nito na biglang naghirap nang namatay ang Japanese father nito. 'Yon naman ang dahilan para i-bully ito ng mga “rich kid” sa school nila dahil sa “caste system” ng Polaris Academy kung saan nakabase sa social status ang “ranking” ng bawat student.
“One day, you’ll build your own empire,” nakangiting pagpapatuloy ni Blossom dahil alam niya ang tungkol sa pangarap ni Koji na maging engineer gaya ng daddy nito at magtayo ng sariling construction firm. “I’ll be here for you until you become a king, Koji.”
Hindi sumagot si Koji.
But when he put down his cup, she saw him smile and that was enough ‘reaction’ for her.