Chapter 5

1057 Words
Valeria's POV "That man, earlier..." mahinang usal ni Leandro nang makapasok na kami sa loob ng kotse. Nanatili ang atensyon ko sa hawak kong b*ril. Masyado iyong malaki at mabigat kaya inilagay ko na muna sa likuran.. "Isn't he the NBI agent?" he added and this time he was looking at me. Bumaling ako sa kanya habang ang mga kamay ko ay abala sa pag-aayos ng aking gamit. "Yeah, he is," kalmado kong sagot at saka muling inalis sa kanya ang tingin. "We have to head out, Leandro. Sovrano must be waiting for us." Nang sabihin ko iyon ay sinagot niya ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kibit-balikat na inalis sa aking ang tingin at pinaandar ang sasakyan. Hindi na ako nag-abala pang ikabit ang seatbelt sa katawan ko at tamang upo lang sa shotgun seat. Nakatanaw sa labas ng bintana ng sasakyan at pinagmamasdan ang bawat kahoy at tanawin na aming madadaanan. Pero habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni-muni ay biglang bumalik ang alaala ko sa nangyari kanina. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata habang nakatingala sa ikalawang palapag kung nasaan ako. Ni hindi ko nga din alam kung papaano siya nakarating doon. Dahil bukod sa grupo namin ay wala ng ibang nakakaalam ng lugar na iyon. Maliban na lang siguro kung mismong iyong mga kalaban namin ang nagbigay sa kanila ng kanilang address. "Stop overthinking about it, Valeria. Madami ka pang gagawin!" Mariin akong napapikit nang bigla kong naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Ilang segundo din ang itinagal niyon bago ko unti-unting naimulat ang mga mata ko. At mula sa gilid ng aking paningin ay nakita ko ang paminsan-minsang pagbaling sa akin ni Leandro. Para bang pinag-aaralan niya kung ano ang ginagawa ko. Hanggang sa hindi na ito makapagpigil at tinanong niya na talaga ako. "Are you okay? your head's hurting again?" sunod-sunod niyang tanong. Nang akmang magtatanong ulit siya ay itinaas ko ang kamay ko para natahimik na siya. "I'm fine, Leandro. Focus on driving.." mariing asik ko. Nagpakawala nang malalim na paghinga at isinandal ang ulo sa sandalan ng kinauupuan ko. Kailangan ko lang sigurong magpahinga. Halos wala na akong maayos na tulog nitong mga nakaraang araw dahil sa pagiging entertainer sa lint*k na bar na 'yan! "I think you should ask Sovrano for a short break, Valeria. Lately, I noticed that your head issues were getting worse," he suggested. I just rolled my eyes and didn't speak to him. Hindi na kami muling nag-usap pa at pinaharurut na niya ang kotse patungo sa safehouse. ~~~~~~ "Annyeong shibal...." pang-aasar ni Maximilian kay Dae-hyun. Mula pa kanina na dumating kami ni Leandro sa safehouse ay inaasar na nito ang kuryano. At hanggang ngayon ay hindi pa din siya tumitigil at walang mapaglagyan ang inis sa mukha ni Dae-hyun. "Stop saying that you, D*mbasa!" asik nitobat kinuha ang b*ril sa tabi niya. Nang maikasa ni Dae-hyun ang b*ril at humarurot ng takbo si Maximilian at natawa nalang doon ang kasama making kambal. Rowan and Riven, were having fun watching the two acting like a kid. Habang si Leandro naman ay may sariling mundo at hindi ko alam kung nasaan ang iba. Maya-maya pa ay napalingon ako sa gilid ko nang marinig ko ang boses ni Victor. "How was your mission?" kalmadong tanong niya. Mahina ang boses, tamad at walang pakialam. Huminga ako at uminom ng tubig bago siya sinagot. "Maayos naman. I'm doing a great job." Kahit hindi ako nakatingin sa kanya ay alam kong ngumisi siya. Hindi ko alam kung kabilang ba iyon sa mannerisms niyo, o nagiging sarkastikong lamang siya sa akin.. "I'm just hoping..." pabitin niyang sambit at naramdaman ko ang kanyang pagbaling sa akin. "that you won't fail..." dugtong niya at doon ako unti-unting humarap sa kanya. Nilabanan ko ang kanyang tingin. At makalipas ang ilang segundo ay dahan-dahan kumurba ang aking labi at ngumisi sa kanya. "I'm not like you," I whispered, but enough for him to get angry at me. Na-excite ako bigla nang makita ko ang pagsalubong ng kanyang kilay. Parang kulang na lang ay hablutin niya ang kwelyo ng suot kong damit at kaladkarin ako sa sahig. But he knows better than anyone else. Alam niyang hindi ako 'yung tipong kayang-kaya niyang pabagsakin. "H'wag mo akong itulad sa'yo. You failed because you fall in love with that girl..." I reminded him. At nang hindi na siya sumagot pa ay umalis na ako sa aking kinauupuan. Tinalikuran ko siya at umalis sa lugar na iyon upang lumanghap ng sariwang hangin. Nagtungo ako sa balkonahe. Lumapit ako sa railings at doon at nagsinde ng sig*rilyo. Humithit ako at pagkatapos ay ibinuga ang usok habang pinagmamasdan ang mga ilaw sa hindi kalayuan. Sobrang tahimik ng paligid, at kahit may marinig pa ring tunog ng mga sasakyan ay hindi na gano'n ka lakas. Dahil sa distansya kung saan nakatayo ang aming safehouse. Abala ang mga mata at isipan kong pinapanood ang bawat maliliit na galaw na napapansin ko. Pero maya-maya pa ay napatingin ako sa ibang direksyon ng may mahagip ang paningin ko. Mula sa kinaroroonan ko ay may napansin akong gumagalaw sa kalagitnaan ng mga punong kahoy. Ang mga dahon nitong sumasayaw ay siyang agad na nagbigay sa akin ng ideya. "Imposibleng dahil iyon sa hampas ng hangin," mahinang bulong ko habang pinap*tay ang apoy ng aking sigarilyo. Hindi naman kasi humahangin, kaya paanong nalilipad ang mga dahon ng punong kahoy? Maingat akong gumalaw at gamit ang hagdan ay bumaba ako at nagsimulang maglakad para lapitan ang direksyon na iyon. Inilabas ko ang b*ril na nakatayo sa likuran ko at itinutok iyon sa harapan. Tahimik at puno ng pag-iingat ang bawat galaw na ginagawa ko. Hanggang sa napansin ko ang isang puting sako sa hindi kalayuan. Nilapitan ko iyon at nanatili pa rin na nakatutok ang b*ril ko sa harapan at alerto sa paligid. Nang makalapit na ako ay iginalaw ko ang sako gamit ang binti ko. Hindi iyon sumagot, pero patuloy na gumagalaw ang sako na siyang mas lalong nagpakunot ng aking noo. "Don't make something st*pid or I'll shoot you," banta ko bago unti-unting lumuhod para alisin ang pagkakatali ng sako. At gano'n na lang ang gulat ko nang kumawala mula sa loob ng ulo ng isang batang babae. Mag takip ang bibig, magulo ang buhok at umiiyak habang nakatingin sa akin. TO BE CONTINUED....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD