Chapter 01
"Melissa, get me a glass of coffee please. And also don't forget to clean the whole house my friends from Manila will visit later." Sabi ng tito niyang si Don Fernando Malarte na nasa singkwentay sies na ang edad.
"Got it, tito" sabi naman ni Melissa at umalis nasa harapan ng tito niyang naka fucos sa dyaryo na binabasa nito.
Pumunta na siya ng kusina at nag timpla ng kape. Mellisa Puler Malarte ang buo niyang pangalan, adopted siya ni Don Fernando na isa din sa pinaka mayaman sa lugar nila.
Kahit gustuhin niya mang umalis sa tahanan ng Don ay di niya magawa kasi di ito papayag na umalis siya. Dahil sa utang na loob ng dalaga ay pinag silbihan niya ito para makabawi sa lahat ng ginawa nitong pag- papalaki at pag papaaral sa kanya.
Minsan kasi di na niya nagugustuhan ang kinikilos ng tito niya dahil medyo may pagka bastos ito. Sa 12 na taon na paninirahan niya dito ay di naman ito gumawa ng hakbang para galawin siya. Ngunit may mga panahon na tanging mga mata lamang ng Don ang saksi sa hubot hubad niyang katawan.
"Tito hito na po ang kape niyo." Aniya at umalis nasa harapan nito, ngunit
"Sandali iha, mamaya mag bihis ka nang maganda at ipapakilala kita sa anak ng kaibigan ko. Sigurado akong magugustuhan mo ang batang iyon." Nakangiting sabi ng tito niya na kanya namang ikinadismaya. Alam niya kung ano ang mga trabaho ng mga kaibigan ni Don Fernando at ang mga taong ito ang hindi mo dapat banggain.
"Opo tito. Masusunod po." Sabi ng dalaga at tuluyan ng umalis. Napa buntong hininga na lamang siya saka-dahilang ayaw niyang makita ang mga kaibigan ng tito niya.
Dumating na ang mga panauhin nang tito niya at siya naman ang sumalubong sa mga ito. Engrande ang kaganapan na hindi alam ni Melissa kung anong meron. Walang nabanggit ang tito niya kung anong meron at ang gara ng event.
Habang nakikipag plastikan sa mga ito ay may lumapit sa kanyang lalaki. Matangkad. Maputi. Singkit ang mata. At gwapo. Napatingin ang dalaga sa lalaking nasa harapan niya.
Ngunit, hindi siya nahuhumaling rito.
"Hi. You are Melissa, right?" Napalunok ang dalaga dahil sa ganda ng boses nito. Hindi ito marunong makipag usap sa mga lalaki kung kaya't lagi itong umaalis kapag may lalaking lumalapit sa kanya.
"Patawad ngunit kailangan ko munang asikasuhan ang lahat." Aniya at agad ng umalis sa harapn nito.
Huminga siya ng malalim at pumasok sa kwarto niya. Tahimik sa taas at walang ka tao tao dahil nasa baba ang lahat ng tao.
Tumingin siya sa labas para tignan kung ano na ang ginagawa ng tito niya. Nakita niyang may kausap itong matangkad na lalaki. Napansin din niya na ang mga panauhin ng tito niya ay mga nasa 25 pataas, hindi matatanda ang mga ito.
Napabalikwas siya ng upo dahil may kumatok sa pinto. Agad naman niya itong pinag-binuksan.
"Kung maari ay gusto sana kitang makausap?" Sabi ng lalaki na nakatayo sa labas ng pinto. Ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib at nakakaramdam na siya ng takot.
"Uhm. Patawad ngunit di kita kilala." Malumanay na sabi ng dalaga.
"Wag kang mag alala wala akong kahit na ano mang balak sayo Miss Malarte. Gusto ko lang sabihin na wala akong balak na maging nobya ka. At sana bago pa mahuli ang lahat, makaalis kana sa tahanang ito " Biglang lumaki ang mata niya sa narinig.
"Nobya? Ako? Wala din akong balak mag ka nobyo." Sabi naman ng dalaga. “ At isa pa ano ang ibig mong sabihin? ” She confusedly ask.
Nasa ganung posisyon padin sila ng binata. Hindi niya ito mamukhaan dahil medyo madilim sa parte kung saan nakatayo ang binata at madilim din sa loob ng kwarto ng dalaga. At ang binata naman ay may suot na sumbrero na tanging bibig lamang ang makikita.
Iba din ang suot nito kaysa sa ibang panauhin.
"Well then good. I don't have any interest to a hag woman like you." Agad ng umalis ang binata na ikinagulat naman ni Melissa.
"I don't have interest with you too mr."aniya nang makaalis na ang lalaki.
Nadismaya ang dalaga sa sinabi nito, kung kaya't napatingin siya sa sarili. Napa-buntong hininga na lamang siya at napa-upo sa may gilid, sabay punas sa mga luha na bigla nalang tumulo.
" Gusto kung makaalis sa lugar nato. Ayaw ko na dito " napahagulhol na lamang siya.
Lagi niyang sinusubukang umalis, ngunit natatakot siya sa posibleng gawin ng tito niya.