Ginagap ni Lion ang kamay ko, saka marahang pinisil iyon. Papunta kami sa magulang nito. Hindi ko sure kung okay na ba talaga ako sa kanila. Kaya ngayon kinakabahan ako. "Anong binilin ng papa mo kanina bago tayo umalis?" tanong ni Lion sa akin. "Kapag hindi raw ako tanggap. Ibalik na raw kita agad sa magulang mo." Sagot ko rito. Iyon naman talaga ang sinabi ni papa sa akin kanina. "Damn. Iyang tatay mo talagang iyan. Napakasalbahe sa akin. Sure akong excited na ang parents kong makita kang muli." "Kinakabahan pa rin ako. Paano kung ayaw. Tapos tutukan ako ng baril?" "Ilabas mo rin ang baril mo. Tapos unahan mo---" pinalo ko ang braso n'ya. Nakukuha pa talaga nitong magbiro ng gano'n. Kinakabahan na nga ako. Naiwan pa si Gia sa Italy. Wala pa ring improvement ang dalaga. Si Tro

