Halos hindi na makagalaw ang lalaki pagkatapos itong bugbugin ng asawa ko. Lahat yata ng galit ni Aurelia ay ibinuhos na nito sa bawat suntok at sipa nito kay Denver. Alam kong umiiyak na ito. Mas lalong naiyak dahil sa dami ng mga pinangdaanan nito, gano'n pa ang maririnig mula sa lalaking dahilan kung bakit lumaki itong wala ang ina sa tabi n'ya. Lumapit si Alatheia sa babae. Saka inawat na ito at mahigpit na niyakap. Dinig namin sa arena ang palahaw nang iyak ni Aurelia. Disappointment. Nangangati na akong kalabitin ang gatilyo, pero pinigilan ko pa rin ang sarili ko. Sa bawat magtatangkang tumakas, or sumugod. Nakikipag-unahan ang mga tauhan ko sa pagbaril sa kanila. "B-eta." Narinig naming ani ni Denver kay Alatheia. Agad na napalingon kaming lahat sa mga ito. "Alam kong ikaw i

