12

2039 Words
Kanina pa ako nakahiga rito sa kama. Habang si Lion ay nakaupo sa couch at abala sa laptop n'ya. Pagkatapos kong sabihin dito ang nararamdaman kong takot ay para itong napapasong lumayo sa akin, tapos nagpaka-busy na siya sa laptop n'ya. Nagugutom na ako. Pero paano ko iyon ipaaalam dito? Tiyak na magtataka ito, samantalang galing kami sa dining room kani-kanina lang kung saan napakarami ng pagkain. Hindi ako mapakali. Masakit na ang tiyan ko, kaya naman sapo-sapo ko iyon. Hindi ko nga namamalayan na nanunulis na ang nguso. "What's wrong?" puna ng lalaki nang malingunan ako na nakabaluktot. Pero imbes na sagutin ang tanong nito ay umiling lang ako. Hindi naman ito nagpilit na malaman ang dahilan. May dalawang kahon na dumating sa silid na inuukupa namin. Iyon daw ang isusuot namin mamayang gabi. Puti na naman. Siguro ayos na lang din, ilan lang kaming magsusulat ng puti. Siguro naman ay hindi malilingat si Lion at hindi n'ya ako maiwawala lalo't agaw eksena ang kulay ng suot ko. Hindi pa rin tinanggal ang maskara ko. Kaya lipstick lang din ang in-apply ko. Nakabihis na ako. Si Lion ay nasa banyo pa at nagsho-shower. Naglinis lang ako ng katawan, hinihintay ko nga ang lalaki na lumabas. Baka sakaling makita ko na ang mukha nito. Kung pangit ito ay ayos lang naman. Hindi naman ako laitera. Pero lumabas ito na nakabihis na. Suot pa rin ang maskara n'ya. "Let's go." Yaya nito sa akin. Maayos na maayos pati buhok nito. Mukhang tuyo na nga. Sabagay, ang tagal n'ya sa banyo. Kanina pa nagsisimula ang party, sabi n'ya kanina ay mas higit na marami ang bisita ngayong gabi. Kaya nang sabihin n'yang 'let's go' agad akong tumayo at humawak sa kamay n'ya. Kung magreklamo man siya ay hindi ko pa rin papansinin. Hindi ako bibitiw sa kamay n'ya, kahit sabihin pa n'ya sa akin. Pero nagugutom na talaga ako, siguro iyong kukunin ko na lang na pagkain mamaya ay iyong mga kinakain din ng mga bisita. May mga nadaanan pa kaming bisita sa sala, mas madami no'ng lumabas na kami. Binabati nila si Lion, pero si Lion ay parang bingi na walang naririnig. Nilagpasan n'ya lang, siyempre kasama ako. Dahil nakahawak pa rin ako rito. Nilapitan nito ang Ninong Alessandro n'ya. Nag-usap lang sila, hindi masundan ang usapan dahil Italian na pagkahaba-haba. Tapos sunod ay hinila naman n'ya ako patungo sa buffet table. Nang makita ko ang pagkain ay bumitiw na ako kay Lion, pero nakadikit pa rin ako rito. Inabutan kami ng plato, ako ay nagsimula na agad manguha ng pagkain, iyong mga pagkaing may bawas. . . doon din ako nanguha. Pero iyong puno pa. Hindi ko pinansin ang mga iyon. Nang tignan ko ang plato ni Lion ay pareho lang din ang laman katulad sa akin. Pagkatapos namin doon ay hinawakan ko ulit ang kamay n'ya, saka hinila ito sa pinakagilid na table. Okay naman ang upuan, pero iniusog ko pa rin palapit sa kanya. Saka ako nagsimulang kumain. Ang mga guard namin ay pumwesto sa likod namin at magbantay. Natanaw kong palapit si Atalanta. Tulad ko'y nakaputi rin itong damit. Maingat nitong ibinaba ang wine glass nito sa table saka naupo sa bakanteng upuan. "Lion, sa tingin ko'y dapat mo nang ialis ang kasama mo." Seryosong ani ng babae. "Target siya ngayon ng ibang bisita." Paano ko pa malulunok ang nginunguya kong pagkain, kung gano'n ang maririnig ko sa babae. "I know." Tugon ni Lion. Kaya agad akong napalingon dito at naging matalim ang titig. Alam pala nito. Bakit narito pa rin kami? "May nasagap din akong tip na parating ang mga kalaban mo. Inimbitahan din sila ng ninong mo." "I know that too." Aba! Alam na pala n'ya ang mga iyon, pero bakit mukhang bindi pa rin n'ya alam kung ano ang dapat gawin? Dapat umalis na kami. Habang maaga pa. "Anong plano mo?" tanong ni Atalanta. "May gusto lang akong kumpirmahin, Ata. Mas mabuting huwag ka ring aalis sa tabi namin. Para makasama ka sa pag-alis later." "Sorry, may iba akong trabaho rito. Hindi ako makakasama. Papasyal na lang ako sa mansion mo kapag free na ako. Alam ko namang miss na miss mo na ang best friend mo." "Hindi kita kaibigan, Atalanta." Deretsong ani ng lalaki. "Ouch, na hurt naman ang feelings ko. Pero okay lang, hindi ko naman kailangan ng permission mo. Best friend pa rin kita, kahit ayaw mo. Sige na, ingat kayo." Muli nitong dinampot ang wine glass at umalis. Wala sa sariling napakapit ako sa braso ni Lion. "Lion, mukhang balak nila akong patayin." Takot na bulong ko rito. "I don't care." Sagot naman ng lalaki. "Ang sama mo talaga." Tumayo ako. Wala pala itong pake sa safety ko, kahit sinabi kong hindi ako aalis sa tabi nito kahit na anong mangyari, malinaw rin naman sa akin na ginagamit ako nitong pain. Saka malinaw nitong sinabi na wala siyang pakialam. Alam kong napatingin ang ibang bisita sa pag-alis ko. Narinig ko ring tinawag ako ni Lion, pero hihintayin ko pa bang tuluyan akong patayin doon? Hahayaan ko na lang ba na gano'n? Isla ito, malabong makalangoy ako palayo. Pero baka may iba pang way para makatakas dito. Tumakbo ako palayo. Madilim sa parteng ito ng isla, hindi abot ang liwanag mula sa mansion at bulwagan. Pero may buwan na siyang naging tanglaw ko, para makatakbo ako nang deretso. Wala pa mang limang minuto na tumatakbo, nakarinig na ako nang putukan. Agad akong nagkubli sa isang puno ng niyog nang makita kong may mga kalalakihan na pasugod sa pinanggalingan kong party. Napatakip na lang din ako sa tenga ko, dahil sa matinding takot. "Kailangan ninyong tiyakin na mamamatay si Lion at ang babaeng kasama n'ya." Dinig kong utos ng isang lalaki na parang hinukay mula sa impyerno ang boses. Nakakatakot. Ako ang babaeng kasama ni Lion, papatayin din nila ako. Mas lalo kong pinagbuti ang pagtatago ko. Diyos ko po, gusto ko pa pong mabuhay. Malakas ang putukan. Kaya hindi ko rin magawang umalis sa pinagkukublihan ko, dahil pakiramdam ko'y tatamaan ako ng bala oras na umalis ako sa pwesto ko. Nakarinig ako ng mga yabag, papalapit. Katapusan ko na. Natagpuan na nila ang pinagkukublihan ko, kaya naman kahit halos matisod dahil sa mahabang damit ay sinubukan kong tumakbo. Takbo palayo. "Aurelia Franceska." Parang nangibabaw ang tinig ni Lion kahit na patuloy ang malakas na putukan. Napahinto ako sa pagtakbo, hindi lang pawis ang bumasa sa mukha ko. Pati na rin luha. Luhang mas lalong umagos, dahil sa hindi ko malamang dahilan ay pakiramdam ko'y ligtas na ako. Agad akong tumakbo pabalik kay Lion. Hindi rin nag-alinlangan na yumakap dito dahil hindi ko na talaga kinakaya ang takot ko. Kung itulak man n'ya ako, ayos lang iyon sa akin. At least medyo nabawasan ang takot ko at pakiramdam ko'y ligtas na ako. Hindi ako itinulak ng lalaki. Naramdaman ko pa nga ang paglapat ng palad nito sa likod ko. "Kailangan na nating umalis, Signor Lion. Nasa dulong bahagi na po ang sundo natin." "Maging alerto kayo." Seryosong ani ng lalaki. Ginagap ni Lion ang aking kamay, saka hinila na patakbo. Palayo sa putukan. Hindi ko na alam kung nasaan ang suot kong sandal, patuloy lang kami sa pagtakbo. May ilang beses humarang, pero nakikita ko na lang na bumagsak ang mga ito. May butas ang kanilang mga noo. May humabol, pero gaya ng mga humaharang. Agad din silang bumabagsak. Ilang ulit akong natisod at nadapa, pero mabilis si Lion na kumikilos para ibangon ako. Sa wakas, nakita ko na ang mga speed boat na sasakyan namin. May mga naghihintay rin doon. Si Lion na agad akong pinasan ng walang kahirap-hirap ay itinakbo ako patungo sa speed boat. Nang maisakay n'ya ako roon ay akmang aalis s'ya, pero hinawakan ko ang kamay n'ya. "T-ara na. U-malis na tayo." Nagmamakaawang ani ko rito. Saglit itong napatitig sa akin. "Signor Lion, kailangan na po nating umalis." Seryosong ani ng isang lalaki na may takip din ang mukha. Hindi ko binitiwan ang kamay ni Lion, kaya naman sumampa ito. Malakas ding sumigaw ang lalaki at iniutos na sumakay na at umalis ang lahat. Mababasa kami dahil sa tulin nang takbo ng speed boat. Malamig, pero kaya kong tiisin iyon. Habang palayo kami, mas nabistahan ko ang islang tinakasan namin. Nasusunog iyon. Hindi lang kami ang tumatakas, may mga yate at helicopter din. Masyadong magulo, may pagsabog pa ngang naganap. "Signor, kumpirmadong ang ninong n'yo ang nag-utos na atakihin kayo. Kailangan n'yo na lang pong ipaalam sa inyong ama ang tungkol sa natuklasan natin." Tipid na tumango si Lion. Nanginginig na ako, kaya naman hinubad nito ang suot na coat at ipinatong sa akin. Matagal din kaming nakalulan sa speedboat. Halos sa gitna ng karagatan ay nag-transfer kami sa isang malaking yate. Halos hindi na ako makatayo, kaya naman si Lion na ang bumuhat sa akin. Kahit pa inalok siya ng mga tauhan na sila na ang gagawa. Ito talaga ang bumuhat at nagdala sa akin sa isang silid. Tulala ako, kahit nang tanggalin n'ya ang maskara ko'y wala pa rin reaction mula sa akin. Nang buhatin n'ya ako patungo sa banyo ay wala pa ring kibo. Basa kami pareho, pero mukhang ako pa ang una n'yang balak asikasuhin. Akmang aalisin n'ya ang tali ng suot ko nang umiling ako. Tumango lang ito, at umalis. Parang bata na pagkatapos sumara ng pinto ay napahagulgol na lang ako nang iyak. Muntik na ako roon sa islang iyon. Akala ko'y katapusan ko na talaga. Naligo ako, sinubukan kong kumilos kahit na hinang-hina ako. Pagkatapos ay binalot ko lang ng robe ang katawan ko. Kahit na basang-basa pa. Lumabas ako ng banyo at tinungo ang kama. Umupo ako roon na wala pa rin sa sarili. Tamang pumasok si Lion, nakamaskara. Pero ang hindi ko inasahan ay nang tumambad sa akin ang maskuladong katawan nito. Agaw atensyon din ang dalang braso nito na sinakop ng tattoo. Napalunok ako, saka mabilis na nag-iwas nang tingin. May dala itong puting t-shirt. Iniabot n'ya iyon sa akin. Bukod sa t-shirt ay wala na. Tinanggap ko iyon at bumalik ako sa banyo. Isinuot ang t-shirt, saka lumabas ulit at sumampa sa kama. Humiga roon, dahil sobrang hinang-hina ako. Daig pa namin ang bumisita sa impyerno. Pasilip siguro iyon sa kung ano ang dapat kong asahan sa impyerno. Kung magtatagal ako sa poder ni Lion ay tiyak kong hindi lang iyon ang panganib na dadanasin ko. Binalot ko ang sarili ko ng kumot. Basang-basa pa ang buhok ko, pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Nahihilo ako na tipong gusto ko na lang ipilit ang mga mata ko. -- Nagising ako na unang tumambad sa akin ay puting kisame. Bahagya akong luminga-linga. Narito na ako sa mansion. Sa bahay ni Lion. Pero ang napansin ko lang ay ang dextrose at ilang gamot na nasa bedside table. "Gising ka na pala, mia signora. Salamat naman sa Diyos." Galak na ani ni Alip. Wala pa yata ako sa wisyo. Pumasok ito sa silid kasunod si Calipa at Renese. "Ilang araw kang walang malay. Salamat naman at gising ka na." Masaya sila, mukhang nabawasan sa paggising ko ang kanilang pag-aalala. "W-hat happened?" tanong ko. Pakiramdam ko'y hinang-hina ako. "Iniuwi ka rito ni Signor Lion na walang malay. Mataas ang lagnat at hindi magising-gising. Kaya naman dumating ang doctor at sinuri ka. Nabanggit ng tauhan kung ano ang nangyari sa isla. Kumusta na ang pakiramdam mo?" tanong ni Renese sa akin. "B-uhay pa ako?" "Oo naman, hindi naman hinayaan ng Signor na mapahamak ka." Umupo ang mga ito sa gilid ng kama. "Nagpapatawa ka, Renese. Walang pakialam ang taong iyon sa laruang tulad ko." Umiling ako. Dahil kung may pakialam siya, hindi na dapat n'ya ako isinama sa lugar na iyon. Muntik na ako roon. "Hindi ka man maniwala. Pero hindi ka pinabayaan ni Signor Lion. Siya pa nga ang tumawag sa doctor para makatiyak na ayos ka. Panay rin ang tawag n'ya rito sa amin kahit nasa italya siya para lang tiyakin ang lagay mo." "N-asa Italy s'ya?" "Nagtungo siya sa kanyang ama. Pero baka mamayang gabi ay narito na siya." Kung nasa Italy siya, kasama kaya n'ya ang iba n'yang tauhan? Baka pwede na akong sumalisi ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD