13

2003 Words
Kahit nanghihina ay mas pinili kong lumabas. Magmatiyag. Pansin ko lang, parang kalahati sa tauhan ay wala. Kahit ang mga kasambahay. Iilan lang sila, si Cleope ay hindi ko rin alam kung nasaan. Baka kasama rin ni Lion ang babaeng iyon. Ang suot kong puting damit ay maingat kong hinawakan upang hindi ko maapakan ang laylayan. Nakiusap ako kina Alip na ipaghanda ako ng soup. Kaya naman busy sila sa kusina, at iniwan ako sa sala. Ngayon ay narito na ako sa garden. Nakikiramdam pa rin. Wala rin iyon mga mababangis na alaga ni Lion, baka ikinulong muna. Nang lumayo na ang romoronda, naglakad na ako patungo sa gate. Masyadong malayo ang gate, kaya naman halos abutin ako ng ilang minuto, pero wala pa ako sa kalahati. Nanghihina pa ang katawan ko. Pero tatakas ako, habang wala pa ang malupit na lion. Nang makita ko ang sumunod na roronda, mabilis akong nagsumiksik sa makapal na halaman. Medyo natusok-tusok pa, pero tiniis kong makapagtago roon hindi lang nila mahuli. Muli akong nagpatuloy, pero puro lang paggapang ang ginawa ko. Marumi na nga ang suot kong damit, ngunit hindi ko iyon pinansin. Tamang may pumasok na sasakyan, kaya bumukas ang gate. Iyon ang opportunity na kailangan kong i-grab. Habang nakahinto sa guard house ang sasakyan at nakikipag-usap sa tao roon. Gumapang ako sa gilid, hanggang sa makalabas ako ng gate. Nanginginig na ang katawan ko, pero tuloy pa rin. Nang may matanaw naman akong sasaktan na papalapit. Agad akong sumiksik sa mga halaman. Lumagpas iyon, pumasok din sa gate. Nang makita ko ang pamilyar na sasakyan. Hindi na ako nagdalawang isip pa, tumalon ako sa kanal na lagpas bewang ko. Mabuti na lang at nakakapit ako. Tiyak na ibayong sakit ang malalasap ko kung bumagsak ako. Agad kong inihiga ang katawan ko sa kanal na sa awa naman ng Diyos ay malinis at tuyo. Nakahiga lang ako roon, hanggang sa marinig ko ang pagpasok ng sasakyan sa gate at nang sumara iyon ay hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa. Agad akong tumayo at sumampa sa kalsada. Lakad-takbo, alam kong possible na sa mga oras na ito ay hinahanap na ako. Pero kailangan kong ipagpatuloy ito. Nagsimulang bumuhos ang ulan. Nagsimulang mabasa ang aking damit. Binalunbon ko na nga lang dahil may kabigatan na. May isa pang sasakyan na paparating, hindi na ako nag-isip pa. Ang matulin kong pagtakbo ay biglang lumiko. Papasok sa masukal na kakahuyan. "Aurelia!" narinig kong sigaw ni Lion. Pero hindi ko siya nilingon. Mas sumuot pa ako sa kasukalan. Naisabit pa sa mga tinik at sangang nakausli. "M-ama, please guide me po." Umiiyak na usal ko. Habang hinahabol ang paghinga, mas lalo kong naramdaman ang pagsama nang pakiramdam ko. May kasamang panghihina at hilo. Pero hanggat may lupa, tatakbo ako. Iyon ang nasa utak ko. Sa tuwing kumukulog at kumikidlat ay napapasigaw ako. Sabi ko hanggat may lupa, tatakbo ako. Pero nakarating ako sa gilid ng bangin. Hindi ko makita ang ibaba, pero tiyak kong kapag nahulog ako roon ay katapusan ko na. Nanlulumong napasalampak ako. Hindi ko alam kung sumunod si Lion at ang mga tauhan n'ya. Pero malayo na rin ito, I'm not sure kung mag-aaksaya sila ng oras na hanapin ako. Baka rito na talaga matapos ang katigasan ng ulo ko. Hindi na ako makakaalis, hindi ko na mahahanap si Ala, hindi na rin ako makakauwi at makakahingi ng sorry kay papa. Palagi n'yang sinasabi sa akin no'ng bata pa ako na mapanganib ang mundong ito. Ang tanging pwede lang promotekta sa akin ay ang pamilya at ang sarili ko mismo. Dahil iyong mga taong pwede naming bayaran para gawin iyon, ay may possibility na unang tumalikod sa amin kapag nagkagipitan. Hindi ako naniwala, naghangad pa rin akong makalaya. No'ng una'y dahil alam kong hindi ko deserve makulong sa mansion na iyon, pangalawang naging dahalan at talagang napagpasyahan ko na ay para hanapin ang ate ko. Pero simula no'n, hindi na umayon ang lahat sa plano ko. Patuloy sa pagbagsak ang malakas na ulan, samahan pa ng kulog at kidlat. Pero kahit nasa ganitong sitwasyon na ako, hindi ko pa rin makuhang sisihin ang sarili ko kung bakit ganito ang sitwasyon ko. Ginusto ko lang namang makatakas at magawa ang pakay ko. Kailangan kong mahanap ang kapatid ko. Iyong hangarin kong iyon ay hindi ko nakalimutan. "Halika na." Agad akong napalingon nang marinig ko ang tinig ni Lion. Nakasalampak na ako sa putikan, basang-basa, madungis. Nanlalabo na rin ang mata dahil sa luha. Nang lumingon ako'y nakita ko ang lalaki, basang-basa ito. Nakaitim na t-shirt ito na fit na fit dito. Nakasuot pa rin ng maskara. Umiling ako. Hindi natinag sa pwesto ko. Gano'n din naman, ikukulong din naman ako sa mansion. Tumingin ako sa ibaba. Hindi ko pa rin makita ang ibaba ng bangin. "Don't you f*****g dare." Mukhang napansin nito ang ginawa kong pagsilip. Matalino si Lion, naisip agad nito iyong iniisip ko pa lang. Pero anong magagawa ko? Masyado na akong disperada sa mga oras na ito. "I need to go, Lion. Hindi ako nararapat na manatili sa palasyo mo. Hindi roon ang bahay ko." Pinilit kong tumayo. Hinarap ko ito, pero nasa gilid pa rin ng bangin. "Wala kang karapatang magdesisyon para sa buhay mo, Aurelia. Nabili na kita. Napanalunan na kita. Akin ka. Kung mamamatay ka man, iyon ay dahil sa desisyon o plano ko. Hindi ikaw ang magdedesisyon sa buhay mo, nakuha mo?" ramdam ko ang inis ng lalaki. Malamya ang naging ngiti ko. "Bakit hindi ako? Buhay ko ito. Lahat kayo ganyan sa akin, buhay ko ito pero iba ang nagdedesisyon kung paano iikot at tatakbo. Kailan ba ako magiging malaya?" "Tsk. Don't waste our time. Let's go. Mas lalong lumalakas ang ulan." "No." Muling nagparamdam ang hilo ko. Napasapo ako sa ulo at mariing napapikit. Naramdaman ko ang pagkawala ng lakas ko na tumayo. Damn. Mali ang desisyon ko na tumayo pa, naramdaman ko ang pagkawala ng balanse. Pero bago ako tuluyang matumba sa direction ng bangin. Mabilis nang nahawakan ni Lion ang braso ko. Ang bilis n'yang nakalapit at nahila ako nang malakas. Nawalan ito ng balanse, bumagsak kami sa lupa, ako sa ibabaw n'ya, siya naman ay sa putikan. "Stubborn woman." Narinig kong usal nito sa inis na inis na tono. Bago ako nawalan ng malay. --- "Smooth." Nakangising ani ko kay Lion, nakahiga pa rin ito at si Aurelia sa putikan. Kanina ko pa sila pinanonood, medyo kinabahan din ako nang muntik nang mahulog ang babae na ngayon ay nawalan ng malay sa ibabaw ni Lion. "Atalanta." Tipid na ani ni best friend sa akin. Agad akong lumapit at hinila ito. Smooth na smooth na nakaupo ito na safe pa rin sa ibabaw nito ang babaeng may katigasan din talaga ang bungo. "Gusto mo ba ako ang magpatino d'yan? Lilibutin lang namin ang siyudad, kahit isang buwan sa basurahan kukuha nang panlaman tiyan. Tiyak kong titino iyan." "Stop." May riing ani nito. Binuhat na nito ang babae, agad kong nakita ang maliliit nitong sugat sa braso at binti. Lumipat sa mukha ng kaibigan ang tingin ko. Madilim na madilim ang expression ng mukha nito. Naku! Alam ko na kapag ganyan ang expression ng mukha n'ya. May malilintikan. Hindi ko naman sinasabing ang mga bantay ni Aurelia. . . pero sila nga. Nakalabas kami ng gubat, kahit medyo nahirapan. Iyon ngang sapa na nadaanan namin ay malakas ang agos. Muntik pa akong anurin. . . muntik lang naman, saka kahit anurin ako'y walang pakialam iyong Lion na naglalabas na ng itim na aura habang naglalakad. Mukhang hindi pagtambay ang gagawin ko sa palasyo n'ya, mukhang makakanood ako ng galit na Lion. Sana lang nakahanda na ang mga alibi ng mga bantay ni Aurelia. Wish ko lang. Pagdating namin sa kalsada ay agad isinakay sa kotse si Aurelia. Muntik pa akong makalimutan ng gunggong kong best friend, pero dahil mabilis ako bago pa ito makasakay ay inunahan ko na siya. Pagdating sa mansion ay wala rin itong in-allow sa mga tauhan nito na hawakan si Aurelia. Siya lang din ang bumuhat sa babae papasok ng mansion. "Diyos ko, mia signora." Takot na anas ng isang kasambahay. Base sa nameplate n'ya ay Renese ang pangalan n'ya. "Cleope." Kasama namin si Cleope kanina, pero nauna na itong nagtungo sa mansion at hindi sumama sa paghabol kay Aurelia. "Signor Lion?" agad na tanong ni Cleope, lumapit pa at agad yumukod. "Tumawag ka ng babaeng doctor." Utos ni Lion. "Best friend, doctor ako." Nakasimangot na paalala ko rito. Nag-angat pa ako ng kamay para lang kunin ang atensyon nito. "Iyong tunay na doctor." Dugtong ni Lion. Mabuti na lang napigil ko ang sarili ko, muntik-muntikan ko kasi itong batukan. Anong tingin n'ya sa akin, fake? "Hoy! Doctor ako." Giit ko rito. Namewang pa sa harap nito. "A veterinarian." Napasimangot ako. "Gano'n na rin iyon. Doctor pa rin." "Cleope, ialis n'yo muna ang babaeng ito sa harap ko." Hinawakan ako ni Cleope at bahagyang iginilid. Naglakad na si Lion patungo sa isang silid. Walang balak sumunod si Cleope, kaya ako na ang sumunod. Nakita ko pang lumuhod sa harap ni Cleope ang tatlong babaeng mukhang tagapag-alaga ni Aurelia. Ito na. . . sure ngang may malilintikan. Pagpasok ko sa silid ay nakita kong ekspertong hinuhubaran ng lalaki ang babaeng kanina lang ay buhat nito. Hindi dahil may opportunity itong nakita dahil walang malay ang dalaga, kung 'di dahil kailangan ng dalaga nang tulong sa sitwasyon nito. Maputik pa nga silang pareho. . . kami pa lang tatlo. Pero hindi iyon ang nasa utak namin. Hindi naman ako sinuway ni Lion nang tumulong na rin ako rito. Nang mahubad ang lahat ng saplot ay agad binalot ng kumot ang dalaga na nagsimulang manginig. "Cleope, where is the doctor?" mainit agad ang ulo. Sumigaw ba naman. Ano bang tingin nito sa doctor, lumilipad? Nagte-teleport? Maghintay siya. For now, mas mabuting mapaliguan ang babae at mabihisan. "Dalhin mo sa banyo." Utos ko rito. Agad naman nitong binuhat si Aurelia na nakabalot pa rin. Saka lang nito inalis ang babae sa pagkakabalot no'ng ipinaupo na nito sa bathtub. "Tatawagin ko ba ang mga tauhan mo?" tanong ko rito. "I can manage." Masungit na ani ng lalaki. Sinimulan nitong banlawan nang maligamgam na tubig ng babaeng walang malay. Nagbanlaw na rin ako. Walang pakialam na hinubad ang saplot at nagsuot ng robe. Nilayasan ko rin sila at tinawag si Cleope at inutusan itong magdala ng mga kakailanganin ko. Sa walk-in closet na rin ako ni Aurelia nanguha ng damit na pwede kong isuot. Pagkatapos mamili ay nagbihis na rin ako. Ikinuha ko na rin ng pamalit si Aurelia. Nang lumabas ako'y nasa kama na ito. Mahusay rin ang lalaki. Alam na alam ang dapat gawin sa babae. "Bihisan natin siya." Iniabot ko rito ang damit na kinuha ko. "Ay, ako na pala. Magbihis ka na rin, basa ka." "Ipapatawag ko ang mga bantay n'ya." Umalis ang lalaki. Maya-maya lang ay dumating ang tatlong babae. Si Renese, Calipa, at Alip. Tinulungan nila ako na bihisan ang dalagang walang malay. "Galit na galit si Lion." Seryosong ani ko sa kanila. "Alam po namin iyon. Handa po kaming tumanggap nang parusa. Muntik mapahamak si mia signora dahil sa kapabayaan namin." Naluluhang ani ni Alip. "Kung sana lang ay isa sa amin ang hindi umalis sa tabi n'ya. Hindi sana ito nangyari." "Nangyari na. Basta huwag lang kayong mamatay sa parusa ni Lion." Hindi ko alam kung nakatulong ba iyong sinabi ko, o mas lalong nagbigay takot sa kanila. Pero alam na alam ko kasing hindi palalampasin ni Lion ang nangyari. Muntik nang mamatay si Aurelia. Dahil iyon sa pagiging pabaya ng mga bantay ng dalaga. Kasalanan ni Aurelia ang nangyari? Yes. Pero trabaho ng mga ito na bantayan si Aurelia. Responsibility nila na tiyakin narito lang ang babae sa palasyo ni Lion. Normal lang na tumakas at hangarin ni Aurelia na makaalis dito. Dahil nga bihag siya, kaya ang galit ni Lion. Tiyak kong ibubuhos lang n'ya sa mga tauhang naatasan n'yang magbantay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD