8

2067 Words
Sabay raw kaming kakain ni Lion. Iyon ang ibinalita sa akin ni Alip kaya narito siya sa kwarto ko, dala ang bestida na namang puti. Mahaba na naman iyon abot hanggang sakong. Dahil naligo naman ako kaninang umaga, ngayong tanghali ay kailangan ko lang magpalit ng damit. Kaya naman si Alip lang ang nagtungo rito, sumunod lang si Renese na siyang nag-ayos ng aking buhok. Bahagya ring nilagyan ng manipis na makeup, at habang ginagawa nila iyon ay panay ang bilin nila sa akin. Huwag ko raw gagalitin si Lion. "Halika na, sa lahat ng ayaw ni signor ay ang paghintayin siya." Iginiya nila ako palabas. Saka lang binitiwan no'ng binabagtas na namin ang daan patungo sa dining room. Nakabuntot ang dalawa sa akin, Sila pa nga ang humila sa upuan kung saan ako dapat maupo. Katabi lang no'n ng kabisera. Wala pa si Lion. Kaya naman naupo ako na walang kaimik-imik. Pero sa totoo lang ay kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na naman, palibhasa hindi sapat ang nakain ko kanina. Gusto ko na ngang dumampot ng pagkain, kahit iyon lang hita ng manok. Pero pigil na pigil ko ang aking sarili. "Parating na si Signor Lion." Anunsiyo sa akin ni Renese. Kaya naman mas pinag-igi ko ang pagpipigil sa sarili. Nang pumasok ang lalaki sa dining room ay tumayo ako, kasabay nang bahagyang paghila ng dalawa sa upuan ko. Nang makalapit sa kabisera ang lalaki ay bahagya akong yumukod dito. "Sedersi." Utos sa akin nitong maupo. Kaya naman nang kumilos ako para maupo ay bahagyang itinulak pabalik ng dalawang babae ang upuan ko. Hindi ko tinitignan ang lalaki, natatakot na naman ako rito, bahagya ko lang nasulyapan ang mukha n'ya tapos bumalik ang titig ko sa plato. May takip pa rin ang mukha nito. Ang maskarang itim ay tumatakip pa rin sa kalahati ng mukha nito. Makakakain pa rin naman ito, dahil upper part lang naman ng mukha nito ang natatakpan. "Mangia, mia signora." Cold na cold ang boses nito. Mangia, ang ibig sabihin no'n ay eat. Kaya naman bago pa magbago ang isip nito ay agad kong dinampot ang kutsara at tinidor. Gutom ako, at hindi ko palalampasin ang chance ko na makakain. Sumusunonod lang ang tingin ni Lion sa ginagawa ko. Halos punuin ko ng kanin, ulam at prutas ang plato ko. Pwede namang umulit. Pero hindi ako satisfied kung kaunti lang ang ilalagay ko sa plato ko. Pinuno ko talaga iyon, narinig kong tumikhim si Alip. Kaya naman tumigil na ako. Nang bumagsak ang tingin ko sa plato ko ay napangiti ako. Parang ngayon na lang ulit ako nangiti, at dahil iyon sa makakakain na ako ng marami at hindi maparurusahan. Nagsimula akong kumain. Parang nakalimutan ko ang sitwasyon ko, nakalimutan ko kung nasaan ako, kung sino ang kasama ko, at kung bakit ako narito. Halos masamid-samid pa ako dahil sa dami ng pagkaing nasa bibig ko. Sa sobrang tuwa nga'y maluha-luha pa ako. Nang maalala kong may kasama pala ako, dahan-dahan akong tumingin dito. Parang bumagal din ang pagnguya ko. Titig na titig ang lalaking nagmamay-ari ng madidilim na mga mata sa akin. Saka ko lang din nakuhang bistahan ang kanyang mukha na may itim na maskara. "S-ignor, p-atawad." Na-realize ko ang pagkakamali ko. Kaya mabilis kong nilunok ang pagkain sa bibig ko, sabay inom ng tubig. Huminto na rin ako sa pagkain ko. Yumuko at hindi na kumilos pa. "Mangia." Utos nito. Saka s'ya nagsimulang kumain. "I said eat." Ulit nito nang hindi ako kumilos agad. Ginawa ko naman, baka ito na naman ang last na kain ko. Kaya naman susulitin ko. Nagsimula na lang ding kumain ang lalaki. Baka kaya maraming nakahaing pagkain ngayon ay dahil last ko na ito? Napansin kong pumasok si Cleope. Tulad ko'y may bandage na rin ang kamay ng babae. Pero hindi pa rin nagbago ang expression ng mukha nito. Seryoso. Tumayo ito malapit sa pader, sa tapat ni Lion. Katulad sa ginawa ng dalawang kasambahay sa tabi ko. Parang naghihintay lang ng command mula rito. Nagpatuloy ako sa pagkain. Mas nauna pang naglapag ng kutsara't tinidor si Lion. Habang patuloy pa rin ako sa pagkain. Alam kong inoobserbahan ako nito. "What are you doing? Halos masuka ka na pero pinipilit mo pa ring kainin iyan." Puna nito. "B-aka kasi last ko na ito." "What?" takang ani ng lalaki. Hindi ko sinagot ang tanong n'ya. Nagpatuloy pa rin ako. "Stop." Huminto ako. Inilunok ang pagkaing nasa bibig pa. "Ihatid n'yo na siya sa kanyang silid." Utos ni Lion. Bago pa makakilos si Renese para alalayan akong tumayo ay dumampot pa ako ng isang hiwa ng manok, at isang saging. "What are you doing?" takang ani ni Lion. "Parang awa mo na, Signor. Kahit ito lang." Bahagya pa akong umusog saka lumuhod dito. "Parang awa mo na po." Hindi ko alam kung naguluhan ba ito sa inasta ko. Pero sumenyas ito sa dalawa, kaya naman hinawakan na ako sa braso at iginiya palabas ng dining room. Pagpasok sa silid ay agad akong naupo sa kama. Hawak ang manok at saging. "Mia signora, why did you do that?" tanong ni Renese sa akin. Nasa pagkain pa rin ang tingin ko. "Dahil baka hindi na naman ako makatikim ng pagkain sa mga susunod na araw. Ayaw ko rin namang magpuslit na naman kayo. Tapos mapahamak kayo. Ayaw ko no'n." "Mia signora. . ." habag na ani ni Alip sa akin. Pumasok ng silid si Calipa. May tray itong dala. "Dito mo na ilagay iyan, mia signora. May iba ring prutas dito. Kapag nagutom kay kainin mo." Sa sinabi nito, hindi ko napigil ang maiyak. "Oh, bakit ka umiiyak?" tanong ni Alip na umupo sa aking tabi. "M-araming salamat sa inyong tatlo." "Magpapasalamat lang pala ay kailangan pang lumuha. Tahan na, Mia signora. Sei così bella. Non piangere, mia signora." Napatingin ako kay Alip na halatang matatas sa pagsasalita ng Italian. Sabi n'ya sa akin ay maganda raw ako, huwag na rin daw akong umiyak. "Napakatatas n'yong magsalita ng wikang Italian." "Isa po kasi iyan sa patakaran ng mansion na ito. Lahat po kami'y kailangan marunong sa wikang italian. Dahil ang aming amo na si Signor Lion ay half Italian and half Filipino. Laking italya ang amo naming binata. Ngunit mahusay naman po siya sa wikang Filipino, English at Spanish." "Ikaw po, alam naming nakakaintindi ka." "Hindi mahusay sa pagsasalita. Pero nakakaunawa ako." Amin ko sa kanila. "Nag-OFW ka ba sa Italy kaya ka marunong?" tanong ni Renese sa akin. Iyong manok na hawak ko ay nasa plato na. Pati na rin iyong saging. Pinupunasan na nga ngayon ni Renese ang aking kamay gamit ang wet wipes. "Ang mama ko ay half italian and half Filipino. Naririnig ko siyang nagsasalita ng gano'n wika noon. Kaya naman nakakaunawa ako kahit papaano. Mahilig din akong magbasa ng libro, kaya naman napanatili ko ang kaunting kaalaman ko sa wikang iyon." "Ilang taon ka na, Mia signora? Ang pangalan mo'y Franceska, tama?" Wala yatang trabaho ang mga ito. Kaya narito sa silid ko. Hindi ba sila hahanapin ni Cleope? "18-years old na ako." Pare-pareho silang napasinghap. "Diyos ko, ang bata mo pa pala." "Oo." Tugon ko sa sinabi ni Calipa. "Nagkaroon ka ba ng utang sa amo namin kaya ka n'ya ikinulong dito?" umiling ako. Bakit ko itatago sa kanila ang katotohanan? Pwede naman akong maging honest sa mga ito. "May dumukot po sa akin. Tapos ibinenta ako sa isang babaeng nagngangalang Magda. Ginawang premyo sa isang tournament. Kung saan nanalo si Lion." Nagkatinginan ang mga ito. "Ano namang balak ni signor sa 'yo? Naisip mo na ba?" umiling ako. Hindi ko talaga alam. "Sabi sa akin noong nasa delikadong lugar pa ako na possible na patayin daw at pahirapan ako. Baka pinag-iisipan pa ng amo n'yo kung anong klase ng kamatayan ang worth it sa 20 million n'ya." Ako ang nakaisip kaya nasabi ko iyon, pero ako rin ang naiyak dahil doon. "Tahan na, mia signora." "Tawagin n'yo na lang akong Franceska." Humihikbing ani ko. "Hindi iyan pwede, mia signora. Alam mo bang nakatataas sa amin ang mga babaeng nagsusuot ng kulay puting damit sa lugar na ito?" bumagsak ang tingin ko sa kulay puting bestida. Daig ko pa ang prinsesa sa damit na iyon. "Alipin lang ako, bakit kasi pinasusuot ninyo sa akin ito?" "Dahil iyan ang utos sa amin. Hindi namin alam kung pinag-utos din ba ni Signor Lion, o si Signora Cleope lang ang nagdesisyon. Pero tanda ang kulay puting damit na ito na ang babaeng nasa harap namin ay mas nakatataas sa amin." May dress code pala talaga rito. Pero anong sense naman no'n? Para ba deretso libing na kapag itinumba ako? Sa naisip ko'y ako lang din naman ang napangiwi at natakot. "Oo nga pala, wala ba kayong trabaho at narito kayo?" "Dito po muna kami. Kami ang naatasan na personal kang bantayan." "Anong ibig n'yong sabihin?" "Kami po ay personal ninyong alalay." Sagot ni Calipa. "Para saan? Hindi nga ako pwedeng lumabas dito." "Baka may kailangan, pwede mong sabihin at ipag-uutos sa aming tatlo. Ako, pati na si Renese at Calipat ay susunod sa 'yo. Ano mang iutos mo ay susundin namin." "Pwede n'yo ba akong itakas dito?" hindi gaanong pinag-isipang tanong ko sa kanilang tatlo. Pare-parehong kumilos ang mga ito, tumayo sa harap ko. Hindi naman sila nag-usap-usap. Pero pare-pareho sila at sabay-sabay pa talagang lumuhod. "W-hat are you doing, guys?" nabahalang ani ko. "Mia signora, nais mo na ba kaming mamatay? Kamatayan ang kapalit oras na nilabag namin ang utos ni Signor Lion. Nais mo bang sapitin namin iyon?" napabuntonghininga ako sa sinabi ni Calipa. "Paano kung ako lang ang tatakas, tapos wala kayong alam? Idadamay n'ya ba kayo?" "Mukha lang maamong lion ang aming amo. Pero katulad ng mga alaga n'yang tigre at lion sa likod ng mansion na ito, mapanganib din po siya. Kaya ialis mo po iyan sa iyong isipan. È davvero pericoloso." Masyado raw delikado, pero paano naman ang pakay ko sa labas? Kaya nga ako tumakas kahit delikado ay para sa kapatid ko. Hindi pwedeng dito na lang ako magtagal. Siniguro ng mga ito na malilibang ako. Nakatulog pa ako at nang magising ay wala na sila sa silid ko. Nakita ko pa ang tray na may lamang pagkain sa mesita. Bumangon ako, maingat na iniangat ang damit upang hindi ako matisod sa telang napakahaba. Isinuot ko rin ang pambahay na tsinelas. Saka ako nagtungo sa pinto at marahang binuksan iyon. Napangiti ako nang pihitin ko ang doorknob at bumukas nang tuluyan iyon. Sa kulay gintong doorknob nakatutok ang buo kong atensyon. Ngunit nang tuluyan kong hilain para makalabas bumungad sa akin si Lion na akmang pipihit sana sa doorknob. "Where are you going, mia signora?" italyanong-italyano ang pagbigkas nito sa mia signora, naroon pa rin ang accent. "Plano mo bang tumakas?" napaatras ako nang humakbang ito palapit. Hakbang lang nang hakbang hanggang sa bumunggo na ako sa kama, at bumagsak. "Answer me?" yumuko ito. Itinukod sa taas ng balikat ko ang kanyang kamay, habang nakahiga pa rin ako. "L-alabas lang." Mabilis ang kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kong dahil pa ba sa takot, o dahil direktang nakatitig ang lalaking ito sa akin. Hindi ko pa nakita ang buong mukha nito. Hindi ko alam kung anong itsura ang nakatago sa maskarang iyon. Hindi na lang isang kamay ang nakatukod. Ginawa na nitong dalawa. Nakalaylay sa gilid ng kama ang mga binti ko, para akong bilanggo ng lalaki. "Talaga? Bakit pakiramdam ko'y hindi lang simpleng paglabas ang plano mong gawin?" "M-ali ka." Umiling pa ako rito. Sa sobrang kabog ng dibdib ko'y parang hindi na tuloy ako makahinga nang maayos. "Really?" yumuko pa ito. Malapit sa mukha ko. Kaya naman agad akong nag-iwas. Hindi ko kayang salubungin ang madidilim na mata nito. Para akong napapaso sa titig nito, at hindi ko iyon kayang tagalan. Inilapit pa nito ang mukha, bahagya sa kanan kong tenga. "Well, kung balak mong subukan ay pwede naman. Nagpapahinga ang mga tauhan ko ngayon. Tatlo lang ang bantay. Mabilis ka bang tumakbo? Bibigyan kita ng chance na sumubok." Tumayo na ito nang tuwid. Pakiramdam ko'y patibong lang ang sinabi nito. Pero chance pa rin iyon. Kaya naman agad akong tumayo. Hindi ko pa naisuot ang tsinelas na ginagamit ko. Isang beses ko lang sinulyapan si Lion, hindi ko na inulit pa. Basta ang nasa utak ko'y tumakbo. Tumakbo palabas ng mansion na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD