9

2119 Words
Hawak ko ang damit ko upang hindi ko matapakan. Saglit na binitiwan nang makalapit ako sa pintong sarado. Mabigat iyon, pero kinaya kong makalabas. Isiniksik ko lang talaga ang sarili ko. Wala ngang mga bantay. Totoo nga ang sinabi ni Lion na nagpapahinga ang mga tauhan nito. Tatlo lang daw ang bantay, kung bibilisan ko ang pagtakbo. Malaki ang chance na makatakas nga ako. Pagtapak ko pa lang sa labas ng pinto. May kakaibang kaba akong naramdaman. Pero hindi pwedeng manaig ang kaba na iyon. Masyadong mahaba ang kailangan kong lakarin o takbuhin para lang makarating sa gate. Pero bago ko pa ma-realize kung gaano talaga iyon kalayo ay agad na akong tumakbo. Pwede kong subukan, kailangan kong subukan. Narinig ko pa ang pagbukas ng malaking pinto. Nang lumingon ako, nakita ko si Lion na kalmadong pinanonood ako. Hahayaan n'ya nga ba talaga akong tumakas? Pakakawalan n'ya ang bihag n'ya na dalawampung milyon ang ginastos n'ya, nang gano'n na lang? Kung ano man ang dahilan ng lalaking ito. . . hindi ko na iyon dapat pang isipin. Ibinalik ko ang tingin ko sa aking harap. Ang bilis nang takbo ko ay unti-unting bumagal. May natatanaw ako, medyo malayo ang distansya. Pero malinaw naman ang aking mata. Tama si Lion, tatlo lang ang bantay. Pero higit pa sa tatlong tao ang lakas ng mga iyon. Dahan-dahan pang tumayo ang mga iyon na kanina lang ay mukhang nagre-relax. Saka sila unti-unting humakbang. Palapit. Dahan-dahan din tuloy ang naging pag-atras ko. Baka bigla na lang din kasi nila akong sunggaban kapag binilisan ko ang kilos ko. Nang makita kong bumibilis sila, sumuko na agad ako. Anong laban ko sa kanila. Hindi naman ako lumilipad, hindi rin enough ang takbo ko upang makabalik sa mansion. Pumikit na lang ako, sunod-sunod na pumatak ang luha ko. Pinaglalaruan ako ng lalaki. Kailangan pala n'ya ng pagkain ng mga alaga n'ya, bakit naman gumastos pa siya ng 20 milyon at isinugal ang buhay n'ya sa tournament? Pwede namang baboy o manok na lang. "Gusto mo pa bang tumakas?" agad akong napamulat. Hindi ko man lang naramdaman ang paglapit nito sa akin. Ang lion at tigre na kanina'y pasugod ay nasa harap na rin namin. Pero nakaupo na ang mga ito. Nakahanay pa sila nang maayos. "A-ng sama mo." Luhaang ani ko rito. Buong katawan ko ang nanginginig sa labis na takot. Sa sobrang panghihina ko'y napasandal pa ako sa katawan ng lalaki. Dadausdos na sana pababa, ngunit hinawakan nito ang dalawang braso ko. Nakuha kong manatiling nakatayo dahil sa pagkakahawak nito sa akin. Pero hindi talaga kinaya ng sistema ko ang nangyari. Bigla akong nahilo, iyong hilo na nagpadilim sa paligid ko. -- Nagising ako na nasa kwarto na. Pakiramdam ko'y pagod na pagod ako. Masakit din ang paa. . . bakit masakit? Ah, kasi tumakbo ako na nakayapak. Agad bumalik sa aking isipan ang nangyari. Tuwang-tuwa ba ang lalaki habang nanginginig ako sa takot kanina? Mukhang balak nga ako nitong paglaruan, sayang-saya siguro ito dahil sa itsura ko kanina. "Oh, gising ka na pala. Nagugutom ka po ba, mia signora?" tanong sa akin ni Calipa. I tried na tignan ito nang deretso, mukhang wala silang kaide-idea sa nangyari. Pumasok siya na may bitbit na baso na may lamang gatas. Anong oras na ba? "What time is it?" bahagya kong iginalaw-galaw ang ulo ko, dahil sa matinding pangangawit. "8:30 pm na po. Nasa hapag kainan na rin po si signor." "Bakit may dala kang gatas?" "Baka po kasi busog ka pa at ito lang ang naisin mong inumin. Halika na po, mas maraming pagkain sa dining room." Yaya nito sa akin. "Nasaan po ang isang pares ng sandal n'yo rito?" takang ani nito. Nang walang sagot na makuha sa akin ay tumayo ito at nagtungo sa walk-in closet. Pagbalik nito'y may dala na siya. Ipinasuot n'ya iyon sa akin. "Habang natutulog ka kanina'y inilagay na namin sa walk-in closet ang mga bagong damit mo. Maaari ka nang mamili sa mga iyon." Nang makatayo ako'y humakbang na ako patungo sa pinto. Si Calipa pa ang nagbukas ng pinto. Nagtungo kami sa dining room. Kung saan inabutan namin si Lion na may hawak na news paper, ang buong atensyon nito ay naroon lang. Kahit na ipinaghila na ako ng upuan ng kasambahay, at nakaupo na ako'y hindi pa rin ako nito pinagtuunan ng pansin. "Eat, mia signora." Pormal ang tinig nito. Lumapit si Cleope sa lalaki nang itupi nito ang newspaper. Hindi man lang tinignan, basta alam na nitong may tatanggap na roon sa likod nito. Nang makuha ni Cleope iyon, ay nakuha pa akong irapan ng babae. Bago siya bumalik sa pwesto niya. Dinampot ko ang kutsara't tinidor ko. Saka ko sinimulang lagyan ng kanin at ulam ang plato ko. This time ay saktong pagkain lang ang inilagay ko. Naalala ko na ring kumilos nang tama sa hapagkainin. De numero, halos hindi nga nag-iingay ang kutsara't tinidor ko. Kahit sa paggamit ko ng knife para sa steak ay mabini pa rin ang kilos. Ito naman talaga ang nakasanayan ko. Ganito naman kasi talaga ako. "Kumusta ang paa mo?" tanong ni Lion. Siyempre, ano pa bang aasahan ko? Nakamaskara na naman ito. Wala talaga akong idea sa kabuuan ng mukha nito, dahil wala naman akong larawan na pwedeng makita sa palasyong ito. Baka pangit? Hindi ba't kahit ano namang mukha pa iyan ay dapat proud? Bakit kailangan pa kasing ikubli? "I'm asking you." Natigil ako sa pag-iisip, saka ngumiti rito. "Masakit pa rin." Tunog sarcastic iyon, kaya naramdaman ko ang paglapat ng kamay sa balikat ko. Nilingon ko si Renese na siyang may-ari ng kamay. Seryoso ang mukha ng babae, pero pasimpleng umiling ito. Waring pinaaalalahanan ako na huwag kong gawin iyon. "You want to try again?" napasimangot ako. "Naghanap ka ng laruan, gumastos ka pa ng 20 million, at nakipagbugbugan pa roon. Bakit hindi na lang sasakyan o robot ang pinagkaabalahan mo? Bakit ako pa?" Tinitigan ako nito. Kasunod ay nangalumbaba s'ya at waring plano akong tunawin sa mga titig n'yang iyon. "That's only 20 million, Mia signora. Cheap. Non è niente." It's nothing lang daw rito ang 20 million. Ano bang ginagawa nito? Namumulot lang ng pera? "Non è niente? Wala lang sa 'yo iyon? Then hayaan mo akong makaalis dito. Kayang-kaya mo pang bumili ng bagong laruan. Huwag na lang ako." "You are not the one to decide on that matter. Hayaan mo akong maglaro sa premyong nakuha ko. Hayaan mo lang ako." Saka ito ngumisi. "Pero may sarili akong buhay." Napatayo na ako, lumikha ng ingay ang upuang umurong. " "Are you important? Kasi kahit may buhay ang isang tao, kung wala namang halaga ang buhay ng taong iyon. Hindi ko pa rin pahahalagahan. Laruan pa rin ang magiging tingin ko." Nangibabaw ang galit ko. Nakalimutan ko kung sino ang taong kaharap ko. Basta dinampot ko ang baso ng tubig at ibinuhos ko rito. Nanatili siya sa pwesto n'ya, hindi s'ya umiwas or lumayo man lang. Nabasa ang ulo nito, pati na ang t-shirt. "Mia signora!" takot na ani ng dalawang tauhan sa likod ko. Nanginginig ang kamay na ibinaba ko sa mesa ang baso. "What did you do?" nabiglang ani ni Cleope. Inilang hakbang nito ang pwesto ko. Hinawakan nang mariin sa braso, kasunod ay malakas na lumapat ang palad n'ya sa pisngi ko. Natumba ako, napasalampak sa sahig. Ang plato ko'y naitapon pa ang laman sa akin dahil doon ako napakapit. Si Lion na tumayo ay hinihintay kong mag-react. Pero hindi ako nito pinansin. "Patapusin n'yo siyang kumain at samahan siya sa kanyang silid." Bumaling ang tingin nito kay Cleope. "Cleope, follow me." Cold lang ang tinig nito. Kung paano n'ya ako kausapin ay gano'n lang din kay Cleope. Agad nang humakbang si Lion palabas ng dining room. Sumunod si Cleope. Si Renese, Calipa, at Alip, ay agad na kumilos at inalalayan akong tumayo. Kanina ay dalawa lang ang nasa likod ko. Pero ngayon ay tatlo na sila. "Mia signora, bakit mo po ginawa iyon? Inilalagay mo talaga sa panganib ang sarili mo, eh! Ang tigas po ng ulo n'yo." Sermon ni Alip sa akin. "Masyadong matigas ang ulo mo, Franceska. Ipinapahamak mo ang sarili mo at kami na rin." Napatingin ako kay Calipa na seryoso ang mukha. Habang si Alip at Renese ay nililinisan ang kanin at ulam na naitapon sa akin, si Calipa naman ay halatang seryoso at plano talaga akong pagalitan. "Hindi n'yo kasi ako naiintidihan. Kayo narito kayo kasi dahil iyon sa trabaho. Ako? Bihag ako rito." "Maswerte ka nga, eh! Ikaw, buhay ka pa. Ikaw, nakukuha mo pang kumain. Nakakapagbihis nang magarbo. Maayos ang silid tulugan. Bakit nag-iinarte ka pa? Sa tingin mo kung ibang tao iyong nakakuha sa 'yo. . . sa tingin mo ba'y humihinga ka pa?" gigil din ito. Halatang may pinaghuhugutan. Sunod-sunod na pumatak ang aking luha. "Gusto ko lang namang makaalis dito. Kailangan ko pang hanapin ang kapatid ko." "Simula no'ng naging bihag ka sa lugar na iyon ay wala ka nang kawala, magiging patay ka na sa puso't isipan ng pamilya mo. Possible na hinahanap ka nila ngayon. Pero tiyak kong susuko rin sila, dahil malabo kang mahanap sa lugar na ito. Tama na iyang pag-iinarte mo." Masakit ang pisngi ko sa lakas ng sampal ni Cleope sa akin. Pero masakit din ang mga salitang natatanggap ko kay Calipa. "Calipa, tama na iyan. Wala kang karapatan na magsalita ng ganyan sa taong higit na nakatataas sa 'yo." Saway ni Alip. "Mia signora, magtungo ka na po sa silid. Ihahatid ko na lang po roon ang pagkain ninyo." Inalalayan ako ni Renese. Si Calipa na nakatayo lang sa harap ko'y nanatili sa pwesto n'ya. Si Renese ang gumiya sa akin pabalik ng silid. Pero nakasalubong namin si Cleope. Pansin ko ang mas galit nitong titig sa akin, ang pamumula ng kanyang pisngi na parang may marka pa ng palad. Pati na rin ang kaunting dugo sa gilid ng labi nito. "Tara na po." Yaya ni Renese na hindi makuhang tignan si Cleope. Nagpatianod lang ako sa kasambahay hanggang sa makapasok ng silid at maisara ang pinto. Agad akong tumakbo palapit sa kama. Pero imbes na sumampa roon ay sumuksok ako sa pinakagilid ng bedside table at ng mismong kama. Nagkasya naman ako roon dahil payat naman ako. "Mia signora?" bakas sa tinig ni Renese ang pag-aalala, pero hindi ko siya tinignan. Sabu-sabunot ko ang buhok ko. Habang humihikbi. "Gusto kong mapag-isa. Iwan mo ako." "Dito lang po ako." "Gusto ko sabing mapag-isa. Alis!" bumuntonghininga ang babae. Saka siya tumango at sinunod ang utos ko. Nang makalabas ito, mas lalong naging malakas ang pag-iyak ko. Hindi dahil sa sampal ni Cleope. Kung 'di dahil sa sitwasyon ko ngayon. "Ala, sana ay nasa mabuti kang kalagayan. Ala, hintayin mo ako. Makakatakas din ako rito at mahahanap kita." Luhaang bulalas ko, habang nakasiksik pa rin sa gilid ng kama. Narinig ko na namang bumukas ang pinto. Nang mag-angat ako nang tingin, kahit nanlalabo ang mata ko, nakita ko pa rin si Alip. May dala itong tray. "Kung balak mong tumakas, kailangan may lakas ka. Kumain ka. Halika na rito." Tinungo nito ang center table na pinalilibutan ng couch. Malawak ang silid na ito. Pwede ngang dalawang kwarto ito, tapos may space pa rin. Nang mailapag n'ya ang tray sa table ay binalikan n'ya ako at pinilit na makatayo. Lumapit kami sa couch. Paupo pa lang ako'y pumasok naman si Calipa. Pagsisilbihan din ba n'ya ako? Hindi ba't galit siya sa akin? May bitbit itong ice bag, lumapit ito sa amin. Umupo sa tabi ko at seryosong inilapat sa pisngi kong nasampal ang ice bag na dala nito. "I'm sorry." Mahinang ani ni Calipa. "Sa sobrang pag-aalala ay nasabi ko sa 'yo iyon. Wala akong karapatan. Hindi kita dapat pinagsalitaan ng gano'n. Nagawa mong buhusan ng tubig si Signor Lion, dahil frustrated ka. Dahil galit ka sa kanya at sa sitwasyon. Wala akong dapat ma-say dahil bayaran lang ako't utusan." Ipinagpatuloy nito ang pagdikit ng ice bag sa pisngi ko. Habang si Alip ay iniaayos ang pagkain sa table. "Tulungan n'yo naman kasi ako. Kahit ma-contact lang ang papa ko." "Oras na gawin namin iyon. . . tiyak na madadamay ang papa mo sa galit ni Signor Lion. Gusto mo bang pati siya ay malagay sa alanganin? Kung ako sa 'yo ay hindi ko ipipilit na contact-in ang sino man. Lalo't ganito ang sitwasyon. Dahil tiyak na mapapahamak din sila." "Mia signora, huwag mo munang ipilit ang mga naiisip mo. Ipapahamak mo lang ang sarili mo, ang pamilya mo, pati na rin kami. Maghintay ka ng tamang panahon." Seryosong ani ni Calipa. Tamang panahon? Walang tamang panahon lalo't nawawala si Alatheia. Ano bang dapat kong gawin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD