3

2149 Words
"Ang bobo n'yo talaga. Hindi si Alatheia ito." Malakas na tingin ng isang babae ang gumising sa akin. Nakatali ang paa ko, ang kamay ko'y gano'n din. Bahagya pa akong nahihilo. Pero sinubukan kong imulat ang mata ko, para makita ang babaeng alam kong nasa harap. Nang magtama ang tingin namin ay mas lalong napahiyaw ito. "Bobo! Nandamay pa kayo ng inosenteng babae." "Pakawalan na lang natin, Boss Ice." Suggestion ng isa. Kakamot-kamot pa ito sa ulo. "Tanga! Paano kung isuplong tayo sa mga pulis ng babaeng ito?" hiyaw ng babae. Ramdam ko ang pinaghalong inis at galit sa tinig nito. "H-indi. Hindi ako magsusumbong. P-akawalan n'yo lang ako, Miss." Nakikiusap ang tinig na ani ko sa kanila. "No." "Wala akong kasalanan sa inyo. Hindi ako ang taong pakay ninyo. Please, kailangan kong makaalis dito." Nagmamakaawa ang tinig na ani ko. Pumatak na rin ang luha, baka sakaling mahabag ang mga ito. "Boss Ice, maganda ang babaeng iyan. Baka pumasa kay Magda. Pagkakitaan na lang natin." Suggestion ng lalaking malaki ang tiyan. "Oo nga, pero patikim muna kami." Manyakis. Nakuha pa nitong dilaan ang labi nito. "Mga tanga talaga. Tawagan n'yo si Magda. Sabihin n'yo na may ibebenta tayo sa kanya." Humagod ang tingin ng babae sa kabuuan ko. "Mukhang malaki ang kikitain namin sa 'yo. Virgin ka pa ba?" akmang hahaplusin nito ang pisngi ko, ngunit iniwas ko iyon. "Nakikiusap ako sa 'yo. Pakawalan n'yo na po ako. Kunin n'yo na ang lahat ng gamit ko. Inyo na ang mga iyon. Hayaan n'yo lang akong makaalis dito." "Boss... dalhin daw natin." Saka tumawa ang mga ito. "Ikuha n'yo ng pamalit ang babaeng ito." Utos ng boss nila. Saka sila sabay-sabay na lumabas ng silid. Hindi ko napigil ang mapahagulgol nang iyak. Ganito na lang ba talaga ang kahihinatnan ko? Mukhang mas lumala pa pala ang sitwasyon. May isang bumalik. Dala nito ang isang dress, na tiyak kong hindi aabot sa kalahati ng hita ko. Masyadong sexy iyon, idagdag pang kulay pula. Kinalas nito ang tali sa kamay at paa ko. Hindi ako pumalag, alam ko kasing makatakas man ako sa lalaking ito, tiyak na may haharang pa rin sa labas. "Magbihis ka." Nanatili akong nakaupo. "Gusto mo ba ako pa ang gumawa?" waring pabor na pabor dito. Kaya mabilis akong kumilos at dinampot ang damit na dala nito. Itinuro nito ang CR, na agad ko namang nilapitan. Pagpasok ko sa banyo ay agad kong tinignan kung may malulusutan ba ako. Pero wala. Nang kumatok ito para i-check kung tapos na ako, wala na rin akong nagawa kung 'di magpalit. Ang dress na binigay ay hakab na hakab sa katawan ko. Mabuti na lang din at hindi backless ang suot ko, at least kinaya pang itago ang nasa likod ko. Ang mga sugat naman sa kamay ko'y pakiramdam ko'y mai-infect na dahil hindi pa nalinisan iyon. Kaya nga hinugasan ko na lang. Wala nang pagdadahan-dahan, dahil nagmamadali na ang bantay. Inilugay ko lang din ang mahaba at alon-alon kong buhok. Saka ako lumabas. Napasipol pa ang bantay nang makita n'ya ang ayos ko. Inirapan ko lang ito. Hindi na nila ibinalik sa akin ang gamit ko. Nilisan namin ang lugar kung saan nila ako dinala kanina, hindi ko rin naman nakita pa ang itsura ng lugar. Dahil nilagyan nila ako nang piring sa mata. Mabilis ang tahip ng dibdib. Pakiramdam ko'y mas delikadong lugar ang tatahakin namin, base na rin sa naririnig kong usapan nila. "Bali-balitang ngayong buwang magaganap ang palaro ni Marga sa underground." "Kahit naman idaos ngayong buwan iyon, ay wala pa rin tayong chance na manalo roon. Mukhang naging libangan na ng mga boss na bored na bored sa buhay na sumali at makipagpatayan." Walang ganang tugon ni Boss Ice. "Sa tingin mo ba'y sasali si Lion?" "Unpredictable ang isang iyon. Hindi tayo sigurado. Pero siyempre mas exciting ang laban, kung sasali ang last year winner." "That man... hindi ata alam no'n kung paano magpatalo." Sa totoo lang ay hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila. Dahil nakapiring at nakatali na naman ang kamay, mas pinili ko na lang isandal ang katawan ko sa upuan at magpahinga. Kung may pagkakataon mamaya ay kailangan ko nang lakas para takasan sila. Kailangan kong ipahinga ang katawan ko. Nagising ako sa isang malakas na paghila pababa ng sasakyan. Pwede naman akong gisingin, pero mas gusto ng mga dumukot sa akin nang rahas. Hindi ko alam kung nasaan na kami. Sobrang tahimik din kaya hindi ko tiyak kung nasa city ba kami or kung nasaan man. "Lakad." Utos ni Boss Ice. Naramdaman ko ang pagdikit ng isang bagay sa tagiliran ko. "Huwag mong tangkaing tumakas. Dahil pasasabugin ko ang tagiliran mo kapag ginawa mo iyon." Ibig sabihin ay baril ang hawak nito. Nanginginig ang tuhod ko, pero sinubukan kong sundin ang utos nito. Nakaalalay naman sila kaya kahit may piring ay nakalakad ako nang maayos. "Ito na ba?" dinig kong ani ng isang babae. Parang matanda na ang boses nito. "Magda, ano sa tingin mo? Maganda ito. Hindi ka tatanggap nang murang bayad." Pagyayabang ni Boss Ice. Nanlalamig na ang buong katawan ko. Pero pinilit ko pa ring makiramdam. "Bente mil." "Ay, sa 'yo na iyang 20k mo. Tiyak na maraming magkaka-interes sa babaeng ito." Pagyayabang ni Boss Ice. "Singkwenta?" "Pass, Marga. Alam mo naman ako, hindi ako nagdadala ng babaeng cheap. Ayos ako sa 100k." "Fine. Isama n'yo na itong babae sa unang batch nang ipapa-bid." Utos ni Magda. Bid? Isasabak ba ako sa auction? Oh God! May humila sa akin. Iyon din ang pagkakataon ko na hilain ang piring sa mata ko. Natanggal iyon, pero parang gusto kong magsisi. Lalo na ng makita ko ang mga babaeng nakasalampak sa silid na tinungo namin. Nag-iiyakan ang mga ito, halatang takot na takot. "P-akawalan mo ako." Sinubukan kong bawiin ang braso kong hawak nito. Pero mahigpit lang nito iyong hawak. "Bitaw!" sigaw ko pa. "Tsk. Ang ingay mo. Maupo ka d'yan. Kita mo ba iyong mga camera? Pinanonood kayo ngayon ng mga costumer. Kapag hindi ka napili, o kaya naman mababa ang benta sa 'yo. Titiyakin kong babalikan kita." Pagbabanta ng lalaki. Nang itulak ako nito'y bumagsak ako sa tabi ng isang babae. Sa tingin ko'y hindi kami nagkakalayo ng edad nito, na ng magtama ang tingin namin, nakita ko ang takot sa mga mata nito. "N-asaan tayo, Miss?" ginagap ko pa ang kamay nito dahil sa matinding panginginig no'n. "Hindi ko rin alam. Mukhang ibebenta nila tayo." "Tahimik." Sigaw ng gwardiya. Napasiksik kaming dalawa ng babae sa mga kasama pa naming babae dahil sa takot. -- "Ma'am Magda, may offer na agad iyong bagong dating. Huwag na raw nating ilabas sa auction mamaya." Agad na gumuhit ang ngiti sa labi ko. "Magkano?" "20 million." "Wow, akalain mo iyon. Milyon ang kikitain ko sa isang iyon." "Hindi lang Isa ang nag-aalok. Tumawag pa ang iba, willing din magbagsak ng pera para sa bagong dating." "Money, money, money." Pagcha-chant ko. Parang musika ang balitang iyon sa pandinig ko. "Mukhang swerte sa 'yo si Ice ngayon." "Well, minsan lang mapakinabangan ang babaeng iyon. Kaya naman dapat talaga sulitin. Kunin n'yo iyong babae at ihiwalay ng silid." Utos ko saka itinuro ang silid na nais kong pagdalhan dito. Saka ako nauna nang pumasok doon. Naghintay, at nang maidala sa silid ay agad kong pinagmasdan ang babae. "Bitawan mo sabi ako!" nagpupumiglas pa ito, kaya naman tumayo ako at tinutukan ito ng baril. Agad namang natigilan ang babae at biglang naging maamong tupa. "I'm Magda, what's your name?" deretsang tanong ko sa babae. Halata ang pangangatal nito. Kaya ibinaba ko ang baril para kahit paano'y mabawasan ang takot nito. "What's your name, young lady?" ulit ko rito. "F-ranceska." Takot na sagot nito sa akin. "Virgin ka pa?" tiyak na mas malaki ang value nito sa mga client. "Sagot!" Pero tikom ang bibig ng babae. "Well, it doesn't really matter. Pagkakakitaan pa rin naman kita nang malaki-laki." "Miss, hindi ako ganyang klase ng tao. Basta na lang akong dinukot ng grupo nila Boss Ice. Maawa ka sa akin, babae ka rin. Parang-awa mo na." "Dapat ba akong maawa sa sinabi mo? Anong pinagkaiba mo sa mga babaeng nakasama mo sa kabilang silid? Wala. Kaya hindi effective ang ganyang drama mo sa akin." Tinawanan ko pa ito. May pumasok sa silid, ang kanang-kamay ko na agad ipinakita sa akin ang hawak n'yang tablet. "Boss, pati si L ay nagbi-bid na rin." "Talaga?" gulat na ani ko. Sinipat ang tablet, at oo totoo ang sinabi ng lalaki. Hindi ko maiwasan ang mangiti. Nauulol ang mga kalalakihan sa babaeng ito, why not mas gawin nating exciting? "Magbigay ka ng anunsyo. 20 milyon ang registration fee sa tournament. Kung nais nilang makuha ang babaeng ito, kailangan nilang sumali at ipanalo ang laban. Ang babaeng ito ang magiging premyo." Sabay turo sa babaeng waring mas lalong nanghina sa sinabi ko. Napasalampak ito sa sahig at umatungal nang iyak. Hindi na rin nakapagtataka na maulol ang mga kalalakihan. Napakaamo ng mukha ng bihag ko ngayon, makinis din. Bukod nga lang sa palad nito na mukhang may sugat. Humakbang ako palapit at sinipat ang mga iyon. "Mag-utos ka ng nurse para gamutin ang sugat ng babaeng ito." Utos ko sa tauhan. Agad namang kumilos at sinunod ang utos ko. "Miss Magda, nakikiusap ako sa 'yo. Kung gusto n'yo ay tawagan n'yo ang ama ko, baka sakaling magbigay ng pera iyon kapalit ko. Huwag lang ganito." "Nope. Mas malaki ang kikitain ko sa 'yo sa bagay na naisip ko. Exciting pa iyon. For the mean time ay rito ka muna mananatili. Magpakabait ka, Franceska. Dahil ang lugar na ito, ay dinaig pa ang impyerno. Maraming pagala-galang demonyo, baka hindi mo na masilayan pa ang liwanag kung tatangkain mong tumakas." Tinapik ko ang balikat nito. Saka s'ya iniwan. Malawak ang ngiti sa labi at hindi maitago ang excitement. -- "Napaano ba itong kamay mo, Franceska? Bakit parang dating sugat na, tapos nadagdagan lang nang bago?" tanong ng nurse na siyang gumagamot sa kamay ko. Hindi ako kumibo. "Nabalitaan mo na ba? Ikaw raw ang gagawing premyo sa tournament." "Miss, baka pwede mo akong tulungang makaalis dito. Kailangan ko pang hanapin ang kapatid kong nawawala." "Naku! Iyan ang malabo. Hindi kita matutulungan. Hindi mo pa ba nare-realize ang sitwasyon? Ang lugar na ito ay isa sa pinakamapanganib na lugar sa mundo. Hindi ka na makakatakas pa. Kung palarin ka'y mapunta ka sa winner na mabait. Kaso naalala ko, walang mabait sa lugar na ito." "Anong dapat kong gawin? Hindi ako para sa lugar na ito." "Lahat ng bihag dito'y tulad mo rin. Wala na tayong magagawa pa." "Subukan mo kayang magsumbong sa pulis?" desperadang suggestion ko rito. Pero umiling ang babae. "Kahit ang pulis ay walang magagawa. Hawak din sila ng mga taong namumuno rito, Franceska." "Paano na ako ngayon? Anong dapat kong gawin?" "Gusto ko man kayong tulungan, pero hindi pwede. Baka ipapatay ako. May Nanay pa akong nangangailangan nang tulong ko." Dali-dali pa itong nagligpit. Mukhang takot na makarinig pa mula sa akin nang pakiusap. Iniwan n'ya ako sa silid, naiwan akong tulala. Pakiramdam ko'y nasa dead end na ako. Walang ibang option, kung 'di tanggapin na lang ang lahat ng ito. Hindi man si papa ang magparusa sa ginawa kong pagtakas sa mansion namin. Ito naman ang sinapit ko. Ang nurse na naglinis ng sugat ko ang siya pa ring nagdala ng pagkain ko. Hapunan na raw. Pinilit n'ya akong ubusin ko iyon, dahil baka iyon na raw ang pinakamatinong pagkain na makain ko. Natakot naman ako. Kaya wala akong itinira. Inubos ko talaga lahat. Inutusan din n'ya akong magpahinga. Tapos naupo siya sa gilid ng kama. "Hindi ka aalis?" takang tanong ko rito. "Hindi. Ako ang naatasang magbantay sa 'yo. Oo nga pala, ako nga pala si Eve." "Bakit kailangan pang may bantay? Tiyak namang mayroon sa labas." "Espesyal ka, Franceska. Dahil ikaw ang magiging premyo sa taunang laban na nagaganap sa lugar na ito. Hindi ko lang tiyak kung sisipot ang mga pinakamalalakas na kalalakihan, pero tiyak kong milyon ang kikitain ni Magda sa palaro n'yang ito. 20 milyon ang kailangan ibayad para makasali. Dati naman ay libre lang, pero bali-balitang higit sa trenta na ang nagbayad." "Ano?" manghang ani ko. Gano'n nila kahangad na makuha ako? Ano bang nakita nila sa akin para gustuhin nilang makasali at makuha ako? "Iyong 30 na iyon, mga demonyo iyon. Kaya kapag may nanalo na. Mag-ingat ka, Franceska. Baka matulad ka sa mga babaeng isang gabi lang nilang pinagsawaan, saka tinapos na ang buhay." Totoo ba ang mga sinasabi ni Eve? Diyos ko po. Paano pa ako makakalabas dito? "Ang malas mo, Franceska. Bakit ikaw pa ang napunta sa lugar na ito? Kitang-kita sa mukha mo ang ka-inosentihan. Halatang wala kang idea sa nangyayari sa mundo." "W-ala na ba talagang ibang option?" tanong ko rito. Umiling ito. "Wala na. Wala ka nang magagawa pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD