2

1266 Words
Maingat na ginagamot ng ginang ang aking kamay, habang ang tingin ko'y nasa labas ng bintana. Tiyak sa ibaba no'n ay may dalawang armadong tao na naman ang nagbabantay. Hindi lang yata sampu ang romoronda oras-oras. Ang mga kasambahay ay isang beses sa isang buwan lang din pwedeng lumabas... buti pa sila kahit papaano ay may isang pagkakataon sa loob ng isang buwan na masilayan ang mundo sa labas. Habang ako, walong taon nang bilanggo sa lugar na ito. "Nana Gara, sorry po." Mahinang ani ko sa matanda. Tapos na akong umiyak, kusa nang huminto iyon sa pag-agos. Wala na nga ring kalakas-lakas. "Bakit ka nagso-sorry? Ikaw ang biktima rito. Hindi ko maunawaan ang iyong ama. Magkaibang-magkaiba ang trato n'ya sa 'yo at kay Alatheia. Samantalang mas mabuti ka namang bata kaysa sa ate mo." "Kasi po malaki ang kasalanan ko sa kanya---" "Wala ka sabing kasalanan. Aksidente iyon, Aurelia. Saka bakit mo aakuin ang bagay na hindi mo naman ginusto. Saka Ang daming parte ng aksidenteng iyon ang hindi mo nga matandaan. Inosente ka, alam kong ilang taon mo na ring dinadala ang sakit nang pagkawala ng mama mo. Pero maling akuin mo, at saluhin ang lahat nang sisi." Pero paano kong hindi aakuin, kung sa tuwing nakikita ko ang galit ng ama ko, ay naipapamukha na sa aking ako nga ang may kasalanan. Siguro kung hindi ko ipinilit kay mama na puntahan si Alatheia, baka kasama pa rin namin si mama. Baka maramdaman ko pa rin iyong pagmamahal ng aking ama. Siguro'y hindi siya miserable ngayon... lahat siguro kami ay masaya. "Nana, pwede bang madaliin ang pasko? Baka pwedeng pakiusapan n'yo si Santa na puntahan ako rito. Baka pwedeng i-grant n'ya ang wish ko. "W-ish mo?" pinunasan nito gamit ang palad ang luha kong muling tumulo. Akala ko naman ay tapos na. May pahabol pa pala. "Wish ko na sana... ibalik si mama sa amin. Baka sakaling bumalik ang lahat sa dati. Baka sakaling iyong normal kong buhay ay muli kong matamasa, baka rin muli kong maramdaman ang pagmamahal ni papa." "Diyos ko... anak." Kinabig ako nito at mahigpit na niyakap. "Gabi-gabi kong ipinagdarasal na makabalik na sa normal ang lahat. Gusto kita muling makitang malaya at nagagawa ang mga normal na ginagawa ng mga kaedaran mo. Mahal na mahal kita, Aurelia. Hindi ka nag-iisa. Nandito ako para sa 'yo, anak." "Nana G-ara, baka matulungan mo ako. Kailangan kong mahanap si Alatheia." "H-a?" bahagya itong lumayo sa akin. "Kailangan ko pong makalabas dito. Dalawang linggo nang nawawala si Alatheia. Hindi ko alam ang ginagawang hakbang ni papa para makita si Ate. Pero kailangan ko ring kumilos, Nana Gara. Tulungan mo po ako." Malalim itong napaisip. "Pero sabi ng papa mo ay delikado raw sa labas." "Nana, kahit dito'y gano'n din naman. Tignan mo itong mga kamay ko. Pahilom pa lang ang sugat ko'y mayroon na namang panibago. Sa tingin mo ligtas ba ang lugar na ito sa akin? Kaunting pagkakamali ko lang ay hagupit ng sinturon ni papa ang kapalit. Nana Gara, gusto ko pong hanapin ang kapatid ko. Tulungan mo po ako, Nana. Nagmamakaawa po ako sa inyo." "P-ero..." halata sa mukha nito ang hesitation. Kung hindi man ito sumang-ayon ay nauunawaan ko naman. Tiyahin ni papa si Nana Gara. Wala na itong ibang mapupuntahan pa, dahil mula't sapol ay si papa na ang pamilyang mayroon si Nana. Loyal ito sa pamangkin nito. "Pwede na po kayong lumabas." Walang kabuhay-buhay na ani ko. Saka nag-iwas nang tingin. "Hija---" "Labas na po, Nana." Pakiusap ko rito. Gusto ko munang mapag-isa. Mag-isip nang sunod na hakbang. Kung magtatanong kasi ako sa aking ama, tiyak kong hindi rin naman nito sasagutin iyon. Kaya naman kailangan ko talagang makaisip nang paraan, mahanap ko lang ang kapatid ko. -- Maingat na humakbang ako pababa ng hagdan. Ala una na, tiyak kong tulog na ang lahat sa loob ng mansion. Tumulong si Nana Gara para lahat ay mahimbing na makatulog ngayon. Alam kong nag-aalala ito sa gagawin ko, pero kanina ay nilapitan n'ya ako. Sinabi n'yang may inilagay siya sa pagkain na tiyak na makakatulog ang makakakain no'n. Kaya naman in-grab ko na ang opportunity na tumakas ngayong gabi. Kailangan ko pa rin namang maging maingat. Nakuha kong marating ang kusina, kung saan iniwan kong bukas ang pinto roon. Nakahinga ako nang maluwag nang pihitin ko ang doorknob at bumukas iyon. Ingat na ingat pa ring itinulak. Hindi ako nagbukas ng ilaw, para hindi rin gaanong makaagaw ng atensyon sakaling may magising sa mga kasama ko rito. Sobrang bilis nang kabog ng dibdib ko. Kahit hindi tiyak sa kahaharapin ko sa labas ng mansion na ito, desidido pa rin akong lumabas at kumilos para sa kapatid ko. Ang halamanang nilapitan ko'y agad kong hinawi. Tama si Nana Gara, may butas nga ang pader at iyon ang daang lulusutan ko upang makalabas. Pinilit kong isiniksik ang sarili ko, nang makalusot ay agad kong inilusot ang kamay sa butas at bahagyang inayos ang nagulong halaman. Saka ako muling gumapang palayo, tiyak kasing may CCTV sa parteng iyon. Kaya naman gumapang pa rin ako. Nang marating ko ang dulo nang bakanteng lote ay lakad-takbo na ang ginawa ko. Suot ang hoodie na kulay itim, nakasukbit ang kulay itim din na back pack, nagpatuloy ako sa paglayo sa lugar na iyon. Hindi ko kabisado ang lugar, ngunit mukhang ito ang araw ng swerte ko. May napadaang taxi na agad kong pinara. Pagkasakay ko'y nagsuot muna ako ng seatbelt. Saka ko lang napansin na hingal na hingal na pala ako. Nang tignan ko ang taxi driver ay halata sa mukha nito ang pagtataka. "Saan ka, ineng?" tanong nito. Dali-daling dinukot ko sa bulsa ng hoodie ko ang maliit na papel, doon isinulat ni Nana Gara ang address ng apartment ni Alatheia. Doon ko balak magtungo ngayon. "Alam n'yo po ba ang address na ito?" Tinignan iyon saglit ng taxi driver, saka ito tumango. "Alam ko ito." Tumango-tango pa, saka nagsimulang patakbuhin ang sasakyan. Nang tumapat kami sa guard house at bahagyang yumuko ako para ikubli ang aking mukha. Hindi naman kami room hinarang. Kaya naman magtuloy-tuloy na kami sa paglabas. Hindi maalis ang mabilis na kabog ng dibdib. Sa wakas, after 8 years ay nakalabas na ako. Pero hindi iyon ang oras para magalak ako. Dahil ang dahilan nang paglabas ko'y si Alatheia. Kailangan kong mahanap ang Ate Alatheia ko. Narating namin ang apartment ni Alatheia. Agad akong nagbayad ng pamasahe, na siyang turo ni Nana Gara sa akin. Maraming bagay ang wala akong idea. Noon naman kasi'y hindi ko naranasan ang sumakay sa pampublikong sasakayan. Umalis din agad ang taxi pagbaba ko. Humakbang ako palapit sa gate at nagmatiyag. Sarado ang gate nang sinubukan kong itulak iyon, wala ring ilaw. Dim lang ang ilaw na nasa poste, kaya naman hindi gaanong narating ng liwanag ang apartment. Walang kailaw-ilaw roon. Hindi ko tiyak kung may tao ba o wala. Alas-2 na ng madaling-araw, base sa suot kong relo. Tulog ba ito? Pero walang kahit isang ilaw na bukas. "Akalain mo iyon... babalik ka rin pala." Hindi ko inasahan ang biglang pagsulpot ng dalawang lalaki. Bago ko pa maiangat ang ulo ko'y may tumapal ng panyo sa aking ilong. "Alatheia, masyado mo kaming pinahirapan sa paghahanap sa 'yo. Babalik ka rin pala sa lungga mo. Ngayon ay wala ka nang ligtas sa amin." Unti-unting nagdilim ang paningin ko, Ewan ko kung anong chemical ang nasa panyo na siyang dahilan nang pag-ikot nang paningin ko. Pero bago pa ako mawalan ng malay ay narinig ko na ang sinabi ng isang lalaki. Napagkamalan nilang ako si Alatheia.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD