Chapter 2

1376 Words
Gustong sumigaw ni Hanna, gusto nyang tumakbo ng makita nya ang isang walang malay na lalaki sa harap mismo ng pintuan nya. At dahil nga sa takot kaya wala man lang ni isang salita na lumabas sa bibig nya. Sa halip na tumakbo ay nag mistula pa syang isang kandila na itinirik.   Hindi nya masyadong nakikita ang itsura ng lalaki. Pero sigurado naman sya na hindi nya ito kakilala.   He's hurt, her nurse's voice cried. Hanna,help him! sabi ng isang bahagi ng kanyang utak.   Nanginginig talaga sya sa kanyang nakikita,ni hindi nya makuhang galawin ang mga paa nya upang suriin ang kalagayan ng lalaking nakahandusay sa harapan nya.   Isinara nya ulit ang pintuan at dali-dali syang pumunta sa kinalalagyan ng telepono.   However,the line was dead.   Dahan-dahan nya ulit binuksan ang pintuan,hoping that what she'd seen was only a vision. Her imagination. Na sana hindi talaga sya nakakita ng isang lalaking walang malay na nakahandusay sa harap mismo ng pintuan nya.   Subalit,nang pagbuksan ulit ni Hanna ang pintuan ay naroon pa rin ang lalaki. At ngayon lang din nya napansin na basang-basa ito.   This time she didn't think. She reacted with her instinct and compassion, opening the door without hesitation,at mabilis nyang inakay papasok ng bahay ang walang malay na lalaki.   Nang maakay na nya ito papasok, medyo na-aaninag na nya ngayon ang kalagayan ng estranghero. Duguan ang mukha nito ng dahil sa sugat nito sa ulo.   "My God"she whispered,falling to her knees beside him.   Sa nakikita nya, alam nyang hindi ito biktima ng isang car accident. Nakatali kasi ang mga kamay ng lalaki sa kanyang likuran. At sa palagay nya matindi ang natamong sugat nito sa ulo.   Nang hawakan ni Hanna ang lalaki, his skin was wet and cold and she could feel him shivering beneath her hands. Agad naman nyang hinanap ang pulso ng lalaki sa leeg. It was weak, but it was there and she whispered a silent thanks that he was breathing. Naisip lang nya kung ano kaya ang nangyari sa lalaki sa ganitong madilim at maulan na gabi? at nakatali pa ang mga kamay nito.   Pumunta si Hanna sa may bintana at pasilip syang dumungaw roon. Pero wala naman syang nakikitang ibang tao o kaya narinig na unusual. Yong kaninang naririnig nyang kidlat at kulog nawala rin naman.   Hinawakan nya ngayon ang jacket ng lalaki at pinaharap nya ito sa kanya. He groaned,but still didn't open his eyes.   "It's all right"bulong nya sa lalaki habang pinapahiran nya ang madumi at duguang mukha nito."You're safe now. Just hold on..naririnig mo ba ako?"   Sa nakikita nyang pangangatawan ng lalaki,hindi naman masasabi ni Hanna na malaking tao ito. Ang taas nito sa tantiya nya mga anim na talampakan siguro at apat na pulgada, but his shoulders were broad and she could feel the taut muscles beneath his clothes. Ang hindi lang nya ma imagine kung paano nya na akay ang lalaki papasok ng bahay nya eh ang bigat nito. Siguro eto yong tinatawag nila na adrenaline rush. Yong hindi mo mamalayan kung mabigat ba ang dinadala mo if you are in the state of fear or panic.   Humanap ngayon si Hanna ng gunting para kalagan ang lalaki sa kanyang tali. Nang matanggal na nya ito,nakita nyang nasusugatan ang pala-pulsohan nito marahil sa pag pupumiglas rin nito na matanggal ang tali.   By the time Hanna had dragged and pulled him up into the bed,while every muscle in her body screamed from the effort. At sa wakas,her task accomplished, she fell back into the floor,exhausted and panting for breath. She could feel her heart pounding and she was now aware that she is also cold, ni hindi pa kasi sya nakabihis sa basa rin nyang damit.   Kung hindi lang talaga walang malay at matindi ang sugat ng lalaking ito,hinding-hindi nya talaga ito tutulongan. After all,it had been five months since she'd practiced nursing.   Finally she managed to drag herself up from the floor at lumapit sya sa kinalalagyan ng telepono upang subukang tumawag ulit. Umaasa sya na sana bumalik na ang linya ng telepono. When she picked up the phone,she listened carefully. Pero wala pa rin itong dial tone.   "Oh no!"she murmured at napahilamos na lamang sya sa kanyang mukha. Binalikan nya ulit ang lalaki sa kwartong pinagdalhan nya nito,looking helplessly at the wounded man.   "Gawin mo nalang ang makakaya mong gawin sa lalaking ito Hanna."sabi nya sarili."Walang ibang makakatulong sa kawawang lalaking ito kundi ikaw Hanna. Kaya wag kang tumunganga dyan,simulan mo nang linisin ang sugat nya."   Dali-dali naman syang naghanap ng extra candles at kerosene lamp. Wala kasi syang emergency lamp sa kanyang bahay at paubos na rin ang kandilang sinindihan nya. Hindi nya kasi pwedeng patagalin pa dahil mauubosan na ng dugo ang lalaki. She had to stop the bleeding and see how serious his condition was.   Hinubad nya ngayon ang kanyang basang sapatos at pabalik-balik syang pumarito't pumaroon sa kwarto at sa kusina dala-dala ang isang palanggana na may maligamgam na tubig, tuwalya at bendahe kasama na roon ang kandila at kerosene lamp.   Umupo naman sya sa gilid ng kama at pinagmamasdan ang nakahiga na lalaki. She could hear his breathing. It sounded quiet and shallow and every now and then he would groan and mutter words she couldn't understand.   Inilagay na ni Hanna ang kanyang mga dala sa side table at sinimulan na nyang gupitin ang naka rolyo na bendahe upang agad nyang mabalot ang sugat sa ulo ng lalaki. Tinanggal nya ang jacket at t-shirt nito upang matingnan nya ng lubusan kung meron pa ba itong ibang sugat sa katawan aside from his head.   Laking gulat nalang ni Hanna ng makita nya ang katawan ng lalaki. Wala itong sugat,pero puno ito ng mga pasa at galos.   "Thank you God dahil walang natamong matinding sugat sa katawan ang lalaking ito."dalangin nya.   Nilakbay naman ni Hanna ang kanyang paningin sa kalahating hubad na katawan ng lalaki. He was well built, at kahit pa may mga pasa ito sa katawan masasabi nyang makinis ang kutis nito, he looked like a man who kept himself in top condition.   Hesitating only a moment, tinanggal nya kaagad ang sinturon nito,feeling unease as her knuckles brushed against his flat stomach.   Sinimulan din nyang gupitin ang suot na basang brief nito at agad na iniwas ang mga mata sa kung anuman ang kanyang makikita. Nang matanggal na nya ang brief nito,mabilis nya itong tinakpan ng kumot na naka iwas parin ang tingin. Ano ka ba Hanna,hindi naman sya ang kauna-unahang lalaki na nakikita mong hubo't hubad. Pero actually pangalawa pa nga sya, pilyang paalala nya sa sarili.   As she began to work at cleaning his face and chest,her attention was immediately distracted by his strong handsome features. Straight black hair, cut close on the sides, spiked over his forehead. At kahit paman basang-basa at marumi ito, na aamoy pa rin nya ang expensive men's cologne nito.   Isa rin sa napabighani nya sa lalaking ito ay ang mahaba at makapal nitong pilik mata, napakatangos rin ng ilong nito, kaya naisip tuloy ni Hanna na baka celebrity or isang model ito kung ang pagbabasehan nya ay ang itsura nito.   It took only minutes for Hanna to determine that his head wound was deep, but not life threatening. However, the look of it troubled her. Somewhere in the back of her mind she'd seen wounds like this before. At kung hindi nga sya nagkamali, parang ang sugat nito ay daplis ng isang bala. Since wala na kasi syang ibang maisip na dahilan. Straight groove that missed killing him by mere centimeters.   And the fact na wala pa rin itong malay kaya mas dumoble ang pag-alala nya.   Linagyan nya ngayon ng antiseptic ang sugat sa ulo ng lalaki at pagkatapos ay binalot nya ito ng bandage. Hindi rin sya sure kung wala nga ba itong broken ribs kung hindi ito ma x-ray, but the bruising was certainly bad enough to indicate they might be.   Kakatapos lang nyang balutin ng bendahi ang sugat sa ulo ng lalaki ay saka naman itong gumalaw, and he muttered something beneath his breath. Lumuhod naman si Hanna sa tabi ng kama na malapit lang sa mukha ng lalaki at tinanong nya ito.   "Naririnig mo na ba ako?"   But still, the man didn't answer or open his eyes.   *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD