[Athena’s] Nakatingin sa akin si Chantal matapos niyang mapatingin kay Kit na mukhang ngayon pa lang nakaka-recover dahil sa narinig niyang balita na buntis ako. Hindi na mawala ang tingin niya sa akin kaya kahit sina Ion, Tatay Lucio at Nanay Lydia ay parang nakukuha na ang sitwasyon kahit na hindi ko sabihin sa kanila na hindi alam ni Kit ang tungkol sa pagbubuntis ko. “You didn’t know that your wife is pregnant again, Kit?” Hindi na nakatiis na tanong ni Ion sa kanya makalipas ang ilang sandaling katahimikan na namagitan sa aming lahat. Hindi nagsalita si Kit at nanatili pa rin ang tingin sa akin. Para bang natulala na ng tuluyan kaya hindi na makapagsalita! Inirapan ko siya at ako na mismo ang sumagot sa tanong ng pamilya niya. “Ahh… may hindi po kasi kami napagkasunduan sa Manila

