[Athena’s] Naalimpungatan ako at nagising dahil gusto kong pumunta sa CR. Hindi ko alam kung anong oras pa lang pero base sa antok na nararamdaman ko ay mukhang wala pang ilang oras ang naging tulog ko. Tamad na tamad ako sa pagbangon. Nasa tabi ko pa rin si Kit at mukhang tuluyang nakatulog na sa paghihintay na makatulog ang kambal. Dahan-dahang bumangon ako para hindi siya magising. Ilang sandaling nagtagal ako sa banyo at pagbalik ko sa kama ay mukhang nagising si Kit at agad na bumangon. “I’m sorry. Nakatulog na talaga ako dito,” napapaos na sambit niya habang kinukusot ang mga mata. Umiling agad ako. “It’s okay, Kit. Let's go back to sleep—” “No. Lilipat na ako sa kabilang kwarto,” mabilis na pigil niya sa sinasabi ko at saka madaling-madali na lumabas ng kwarto. Natatawa at nai

