"SHE'S MY HOT BOSS"
Chapter 16:
(ANDREA POV'S)
Sobrang nakakainggit si kuya habang pinapakita nya sa akin ang lugar ng boracay sanaol nakapunta na pero talagang nakuha ang atensyon ko sa babaeng biglang nagsalita kaso lang hindi ko nakita ang mukha nya sya kaya ang sinasabi ni kuya na type nya na masungit pero maganda? Kung sino man sya sana makilala ko na sya ng personal bilang magiging future sister-in-law ko.
"Psst! Anding" tawag sakin ni bea pagkapasok nya pa lang sa aming silid-aralan nauna kasi akong pumasok rito dahil sabi daw nya may dadaan pa sya.
"Oh bakit?" walang ekepresyong sagot ko rito.
"Tapos kana sa 21st century project natin?"
"Oo" tipid kong sagot.
"Ay sanaol ako hindi pa" ani nito at nilapag ang bag na dala nya saka umupo.
"Inuna mo pa kasi ang pakikipagmeet-up hay naku bea sinasabi ko sayo pag ikaw bumagsak kawawa ka"
"Ano kaba hindi no alam mo kasi yung bagong boyfriend ko eh matalino kaya wala na akong problema kung may mga project man tayo or whatever related to our academic purposes dahil nandyan na si john" masayang turan nito na parang ini-imagine pa ang mukha ng bagong jowa nya raw.
"Boyfriend? Kakameet nyo pa lang boyfriend agad!?" gulantang kong sabi. Grabe! As in kakameet nya pa lang guys nagstart lang nung nagchat sila ng isang araw tapos nagmeet lang sila na agad-agad.
"Hmm" patango-tangong sagot nito sakin.
"Ang tindi mo ah"
"Well, ako pa ba? Eh kayo ni charles kailan pa ba magiging kayo matagal mo ng crush yan ah kita mo na unahan na kita tuloy"
"Kung bakit kasi ang bagal nyang ligawan ako eh well hindi nya naman kailangang ligawan pa ako dahil sasagutin ko naman sya eh"
"Wow ha? Isa ka rin palang easy to get na kagaya ko no"
"Hay naku! Easy to get na kung easy to get wala akong pakialam kung ganyan ba naman kagwapo ang magiging jowa mo tatangi kapa ba? Eh grasya na yan eh kaya papatagalin mo pa ba siyempre hindi"
"May point ka naman" pangsang-ayon nito sa akin.
"Nandito na naman ang mga asyumerang feelingera akala" bungad ni samantha demonyita kasama ang mga asungot nyang kaibigan na daig pa ang yaya dahil palaging nakasunod ang mga ito kung saan man sya pumunta.
"Kaya naman pala biglang umiba ang simo'y ng hangin parang amoy masangsang" parinig ko rito kaya agad namang uminit ang ulo ni samantha sa tinuran ko.
"What did you just say!?"
"Hindi ka naman siguro bingi para hindi mo yun marinig no"
"You! Stop hoping that charles will fall in love with you because I'm telling you that will never happen" sabi nito like feeling nya talaga apektado ako sa mga parinig nya like hello?
"Eh ikaw naman pala tong asumerang feelingera asang-asa ka talagang mangyayari yun no? Well, sinasabi ko sayo tumigil kana kakabasa ng mg fairy tale story dahil tiyak na sad ending naman ang bagsak mo" palaban kong turan rito ng biglang sumulpot ang classmate namin na kasunod lang ay si charles.
"Papunta na rito si sir" nagmamadaling balita nya at umupo sa kanyang upuan.
"Humanda ka sakin mamaya na babae ka" pagbabanta pa nya na akala nya talaga natatakot ako sa kanya eh kung tirisin ko kaya sya anong say nyo guys? Siyempre, dahil matapang ang lola nyo ay tinapunan ko na lamang ito ng isang nakakalokang ngisi
I'm very sure na sasabog na yun sa galit dahil nanggigil itong bumalik sa kanyang pwesto na ganoon din naman ang ginawa ko pero hindi ako nanggigil ha? Medyo naiinis lang ako sa kanya pero okay lang naman kasi alam ko namang hindi nya ako basta² matatalo.
"Good morning class, I will inform you that we don't have a class today" seryosong saad ng aming guro.
"Yes!"
"Ho"
"Yun haha" iilang sabi ng aking mga kaklase siyempre masaya din ako kasi nga walang klase.
"But, we will have a group work and you will pass it next week. I want you to to cooperate with your groupmates or else you will be failed in this subject am I clear to everyone?" muling turan nito na ikinabuntong-hinga naming lahat. Okay na sana eh bakit may kasunod pa tapos grouping pa.
"Please be active when I mention your names so you would know where group you are belong samantha" etsesera blah..blah.. pagtawag nito sa mga pangalan ng kaklase ko hanggang sa napunta na sakin.
"Bea, rose,jake, mark, xynel, andrea and charles group 5" biglang sabi nito na ikinagulat ko ng husto. Omg!! Kagrupo ko si crush grabe ang bait talaga ng tadhana sakin I love you salamat sa pagkakataon promise hindi ko talaga sasayangin ang ibinigay mong chance.
"Sir" papansing sabi ni samantha.
"Yes?"
"Pwede po bang mag exhange ng kagrupo dun lang sana ako kila charles"
"No, kung ano ang pag arrange or groupings na ginawa ko dapat yun ang sundin nyo is anything else you want to say?" walang ekspresyong sabi nito. Hay kawawa naman napahiya tuloy sa kagagahan nya pa exchange pa kasi oh kita mo hindi kumita yung pagiging malandi nya haha buti nga sayo. Pagkatapos ng pag-uusap nila ay hindi nagtagal lumabas na rin si sir ng classroom kaya lahat kami nagsitayuan na upang magsihanda sa pag-uwi.
"Okay ka lang samantha? Grabe! Sobrang nakakahiya talaga yung nangyari sige ingat ka na lang pauwi bye" pang-iinis ko rito saka lumabas kasama si bea.
"Andrea!" tawag ng kung sino sa akin sa hindi kalayuan.
"Oh charles bakit?" agad kong tanong ng makita si charles na papunta sa gawi namin.
"Kailan natin gagawin ang project? Kailangan na kasi nating umpisahan yun bukas baka kasi mahirapan tayong i-organize ang mga important details ng gagawin nating research"
"Sige, pagmememeetingan natin bukas☺️"
"Gumawa kana lang ng gc add kita mamaya sa f*******:" biglang sabi nito na sobrang-sobrang ikinasaya ko. Sanaol na lang talaga ako ina-add ng crush kayo guys naranasan nyo na bata to? Grabe! Ang sarap sa feeling sana maging kami na rin sa susunod haha.
"Ah osige" kunwaring hindi kinikilig na sagot ko saka humakbang muli kasama nya.
"Dun na lang tayo sa inyo tutal wala ka namang kasama dun kasi nga wala si kuya drake kaya dun na lang natin ang gawin ang research, okay lang ba sayo?" nahihiyang tanong nito pagkatapos nyang magbigay ng napakagandang suhestiyon. Oh diba? Nagmomoves na si crush sakin don't worry babe hindi kita pahihirapan mwaa?