Chapter 15

1194 Words
"SHE'S MY HOT BOSS" Chapter 15: "Are you still here?" kunot-noong tanong ni arianna ng makalabas sa banyo. "Opo" "Siguro naman pwede ka ng lumabas kasi ligtas na ako dito and hindi naman ako tatakas dahil pagod na pagod ako galing sa byahe kaya pwede ka ng lumabas" taas-kilay nyang turan. "Sana po wag nyo pong tangkain muli na tumakas pa pinapaalala ko po sa inyo nakasalalay ang buhay nyo kaya sana makipagcooperate kayo samin" paliwanag ko rito. "Yeah I already know that again I don't have a plan to escape from you so please get out of my room now and lock the door please don't disturb me I want to rest now so there will be NO DESTRUCTION " madiin nitong pagkakasabi. "Sana nga hindi kaya tumakas dahil sa susunod baka mas lalo akong humigpit sa inyo sa pagbabantay sige ho lalabas na ako magpahinga na po kayo ma'am" magalang kong sabi saka lumabas na ng kanyang kwarto. (JAYPEE POV'S) Nagtext si major na pumunta daw kaming lahat sa boracay dahil naroroon daw sya kasama si ma'am arianna pati na ang mga kaibigan nito. Nang nakarating na ay nagsibabaan na ang lahat sa kulay itim na van na aming sinakyan at agad na humanap Kung nasaan na si drake. "Major!" tawag ko rito ng makita ko syang nasa labas ng isang kwarto nakatayo't nagbabantay. "Jaypee, mabuti naman at nandito na kayo" ngiting salubong nya sa akin. "Oo naman" sabi ko sabay lapit sa kanya. "Lahat kayo gusto kong i-secure nyo ang bawat kwarto't lugar baka hindi natin alam nagpapanggap lang silang turista o nagtatrabaho rito para makuha ang anak ni Mr. Albert" agad na utos nito sa aming mga tauhan. "Yes sir!" sabay-sabay nilang sagot at agad na nagsikalat. "Sa grupo mo naman sergeant alano ay magbabantay rito sa labas ng kwarto ni arianna siguraduhin nyong walang ibang makapasok rito except sa mga kaibigan nya at kung may magdedeliver man ng pagkain o kahit anumang inorder ni ma'am tingnan nyong mabuti ang laman lalo na ang mga damit nila baka may tinatago silang deadly weapons" paliwanag nito. "Marinig nyo ang utos nya?" "Opo sir" magalang na sagot ni Liam isa din sa mga tauhan namin bilang secret agent . "Saka dapat tikman nyo muna ang pagkain na dinideliver nila para makasigurado tayong ligtas nga ang mga ito" dagdag pa ni major Monteverde o kilala bualng drake sa kwentong ito. "Oo nga baka kasi may mason pero pare sinong titikim" "Ikaw" he said directly to me. "Ano? Kung ganon kung may lason nga ang pagkain ede tigok ako nyan" "Malamang, sige magbantay na kayo dyan" paalam nito at humakbang paalis. "Ay ayoko nga pare naman parang hindi lamg tayo naging kaibigan nyan eh wag ka namang ganyan" sabi ko saka sya sinundan. "Ayaw mo nun makakatikim ka ng iba't-ibang klase ng pagkain" "Makakakain nga ako pero mamamatay naman" "Eh ganyan talaga ang buhay pa weather² lang" ngising turan nito. "Grabe! Ang sama mo sakin oy san ka pupunta?" "Kakain muna gingutom na kasi ako" "Kung kainan lang ang pag-uusapan ede sasama nako" ani ko rito at biglang napahinto ito sa paglakad. "Wag na tingnan mo yang katawan mo baka sa kakakain mo nyan mawala ang abs na pinagmamalaki mo saka gagastos kapa, dyan ka na lang ayaw mo nun free taste sige na magbantay kana dun" sabi nito at muling humakbang. "Oy pare!" sigaw ko rito. "Wag ka nnag sumunod bantayan mo yang mabuti kapag nakawala sya yari ka sakin" ngiting saad nito at umalis na nga. Grabe! Kinakawawa nya na lang talaga ako porket gwapo't mabait dapat bang ganyanin nyo na lang ang sama naman pero dahil sa pogi ako sige na nga lang hahayaan ko na lang sya. (DRAKE POV'S) Natawa ako habang inaalala ang nangyari kani-kanina lang hay ang sarap talagang asarin si jaypee feeling ko tuloy mawala bigla ang mga problema ko haha. Agad akong dumiretso kung saan ang pwedeng makainan rito at umorder ng mga pagkain. Habang kumakain makaramdam ako bigla ng pagkamiss sa makulit kong kapatid na babae kamusta na kaya yun? "Matawagan ko nga" sabi ko sa aking sarili at tumigil muna sa pagkain. Calling andrea.... "Hello anding, kamusta kana?" masayang turan ko rito. "Okay lang po kuya eto medyo busy sa school ang dami kasing project eh ikaw kuya?" "Okay lang din, ah nandito pala ako ngayon sa boracay" "Talaga kuya? Wow! Sanaol anong ginagawa mo dyan? Grabe ka hindi mo man lang ako sinama gustong-gusto ko pa naman pumunta dyan" nagtatampong saad nito. "Hindi naman ako pumunta dito para mamasyal o magparelax nandito ako para sa trabaho ang binabantayan ko kasi nandito kasama ang mga kaibigan nya" pagsasabi ko ng totoo sa kanya. "Ah kamusta dyan kuya maganda ba? Sabi kasi ng mga kaklase ko sadyang napakaganda daw sa boracay" "Maganda naman" "Yun lang? Sabihin mo muna sakin kuya kung ano ang mga nakikita mo bilis" excited na turan nito simula bata kasi gustong-gusto nya talagang pumunta rito mamasyal sana kami bilang isang buong pamilya kung hindi lang naaksidente ang mga magulang namin. "Dapat ba?" "Sige na kuya bilis" "Oo na sobrang ganda dito may white sands saka yung view sobrang perfect ang sarap ng simo'y ng hangin kahit sinong pumunta rito talagang marerelax ka lalo na kung may mga magaganda't sexy na babaeng naririto" ngiting turan ko sa phone sigurado akong mag-iiba mood ng kapatid ko dahil sa sinabi ko haha ang sarap mang-asar ngayon pero mabait ako guys ha hindi ako babaero sadyang mga babae lang talaga ang naghahabol sakin sobrang lakas ng appeal ko eh. "Hoy kuya! Umayos ka ang ganda-ganda na nang kwento mo tapos bigla-bigla mo na lang sasabihin yun" "Di joke lang haha" halos matawang sabi ko sa kanya hay everytime na naaalala ko ang mukha ng kapatid ko tuwing napipikon o naiinis ito hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko na hindi matawa. "Okay lang naman sakin na makipagdate ka pero sana piliin mo yung desente't maganda na babae katulad ko hindi yung katulad ni marissa" "Oo na pero sa ngayon wala pa naman akong napupusuan eh kaya chill ka lang" "Hmm..wala daw kuya vc tayo para makita ko yung lugar sige na kuya please kahit pasilip lanb sandali gustong-gusto ko lang talagang makita" pacute nitong pakiusap sakin ganoon na lamang ang gulat ko ng bigla nyang pinatay ang call at nagring ang aking messenger ng requested video call mula sa aking makulit na kapatid. "Hindi pa nga ako pumapayag tumawag kana agad" sabi ko rito ng sagutin ko ang kanyang tawag. "Patingin na kuya bilis" "Oh eto na para" inikot ko ang aking phone sa bawat sulok ng lugar kaya nakita na nito ang gusto nyang makita. "Wow! Ang ganda nga kuya sanaol nakapunta na dyan sanaol ka talaga kuya" "What are you doing?" biglang sabi ng kung mula sa aking likuran kaya agad ko itong tiningnan kung sino ito. "Arianna?" tanging sambit ko lamang ng pangalan nya. "Arianna? Omg!! Sya na ba yan kuya?" ngising tanong ni anding sakin pero dahil sa natataranta ako ay agad kong pinindot ang end call mahirap na baka ano pa ang masabi ng kapatid ko at marinig pa nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD