"SHE'S MY HOT BOSS"
Chapter 14:
"Tito!" sigaw ng isang batang tumatakbo papalapit sa aking gawi.
"Oh marco, hali ka rito" ngiting saad ko at bigla nya akong yinakap.
"Tito, nasan po si mama?" takang tanong ng bata dahil kanina pa ito tingin ng tingin sa magkabilang daanan para hanapin ang kanyang mama ngunit hindi ito nahagilap ng kanyang mga mata.
"Busy daw eh kaya ako na lang ang sumundo sayo" paliwanag ko rito.
"Ah okay po"
"Pauline sandali!" rinig kong tawag ng isang guro sa kapwa nya guro.
"Hmm?"
"Eto na pala ang libro mo salamat ha?"
"Walang anuman, sabihan mo na lang ako kung may kailangan ka" ngiting saad ng magandang guro.
"Ang bait mo talaga pauwi kana?"
"Oo" tipid nitong sagot.
"Sige, ingat ka ha"
"Salamat?"
"Marco, kilala mo yun?" tanong ko sa aking pamangkin dahil mukhang na love at first sight yata ako sa magandang dilag na katulad nya sana lang wala pa syang boyfriend.
"Sino po? Ah si teacher pauline po ba?"
"Pauline? Yun ba ang pangalan nya?"
"Opo"
"Wow! Ang ganda ng pangalan nya kasing ganda ng maamo nyang mukha"
"Gusto nyo po ba teacher ko? Teacher! Teacher!" biglang sigaw ng pasaway kong pamangkin at sobra akong kinabahan ng tumingin ito sa amin. Ano bang iniisip ng batang to baka ano-ano pa ang sasabihin nya naku wag naman nakakahiya.
"Oh marco" agad na sagot nito at humakbang papalapit sa amin. "Oh hi, marco is he your dad?" she asked. Grabe! Sa dami-dami ng pwedeng sabihin daddy talaga? Sa gwapo kong to mapagkakamalang daddy?
"Naku! Hindi ho ma'am tito nya lang ako"
"Ah ganun ba? Pasensya kana akala ko kasi ikaw ang daddy nya sorry again"
"Naku! Wala yun okay lang pero correction ha? Hindi pa ako daddy wala pa kasi akong asawa o girlfriend kaya hindi pako magiging daddy" papansin ko dito baka kasi alam nyo na para malaman nyang available pa ako if ever na magustuhan rin ako nito.
"Ah okay"
"By the way, May I know your whole name miss Pauline?"
"I'm pauline espiritu your nephew's adviser?" she introduced herself.
"Alam mo pauline ang ganda ng pangalan mo talagang bagay na bagay sa napakaganda mong mukha"
"Really? Thank you"
"Ah nakalimutan ko pa lang ipakilala ang sarili ko ako nga pala si jaypee sergeant jaypee Alano" I said as I offer my hand para makipagshake hands sa kanya. Siyempre, guys pagkakataon ko na itong mahawakan ang kamay nya kaya support nyo lang ako.
"Nice meeting you, I'll see you on our meeting for next week I'll just go ahead bye" nagmamadaling sabi nito at pumara ng taxi.
"Pauline! Hatid na lang kita sa pupuntahan mo"
"Sorry but I don't want to disturb you I just need to meet someone"
"Naku! Hindi ka naman isturbo sakin eh sige na ihahatid na lang kita" pag-iinsist ko rito.
"Thanks for your offer but I really don't want to disturb you, bye" she said and akmang sasakay na sana ito sa taxi na biglang huminto sa aming harapan.
"Okay pero pwede ko bang makuha ang number mo or sss name mo?" tanong ko rito habang hawak-hawak ko ang kanyang braso.
"Just search my name Pauline Espiritu um.. sorry but I'm in a hurry I need to go now bye again it was nice meeting you" ngiting paalam nito at umalis na ang taxi na kanyang sinakyan.
"Ang ganda talaga nya"
"Tito, hindi pa ba tayo uuwi?"
"Ay oo nga pala sorry marco sige tara na pumunta kana dun sa kotse" agad na sabi ko rito saka dumiretso sa aking sasakyan.
(DRAKE POV'S)
Nakarating na din kami sa boracay actually hindi ko nga alam kung ano nga ba ang trabaho ko rito kung bodyguard nga ba o utusan kung makautos kasi sila grabe halatang spoiled na mga bata.
"Good morning ma'am" ngiting bati ng isang babae.
"Hello, I'm Arianna Montefalco nagpareserve ako ng room rito last 2 weeks" seryosong saad ni ma'am arianna sa babae.
"Ay kayo po pala ma'am ah sige po sundan nyo na lang ako at ituturo ko sa inyo ang inyong kwarto" magalang nyang turan at itinuro na sa kanila ang kani-kanilang kwarto.
"This place was so nice what can you say about it arianna?" Lucy asked.
"You're right, okay this room will be yours lucy. Please, show us some more" mataray na namang saad nito. Ganito ba talaga sya sa lahat? Hayst!
"I love this room this one is mine and if you want pwede namang dalawa na lang tayo dito mr. handsome" pacute na sabi sakin ni ma'am marielle.
"Matulog ka na nga ang arte mo!" inis na turan ni ma'am sofia at lumabas na ako sa kwarto nya para sundan si ma'am arianna kung saan man ito pupunta.
"Grabe ka" rinig kong sagot nito.
"Ito na po ang last ma'am maganda po dito kasi mula rito makikita nyo ang magandang tanawin sa lugar namin saka may maliit pong swimming pool sa likod nito ma'am?" pagtour nito sa kay ma'am kami na lang ang naiwan kasi nagpapahinga daw muna ang mga kaibigan nya sa kanilang kwarto.
"This one is good for me thanks for your assistance you may go now" agad na utos nito sa babae na kanyang sinunod naman kaya sinara ko na lang ang pinto pagkalabas nito.
"And why are you still doing here? You can go now I'm okay here"
"Mamaya na lang po ako lalabas ma'am sisiguraduhin ko lang po na hindi nyo ulit ako tatakasan" mahinahong paliwanag ko rito na ikinaiba ng kanyang ekpresyon.
"Are you kidding?" medyo galit na turan nito.
"Hindi po ma'am pero wag kayong mag-alala ma'am lalabas naman ako eh dahil maya-maya dadating na dito ang iba kong kasama"
"Look, I came here for a vacation because I want to breakfree but for what you are doing now how can I be in that way?" she complained and raise her right eyebrows.
"I understand you po ma'am pero dapat nyo ring intindihan na ginagawa ko ito para sa kaligtasan ninyo wag po kayong mag-alala kapag nahuli na naman ang nagtatangka sa buhay nyo at ng daddy mo ay pwede nyo ng gawin lahat ng gusto ninyong gawin. Pero, dahil hindi pa nadadakip kaya sana makicooperate na lang po kayo" seryosong saad ko rito.
"Fine" tipid nitong sagot at akmang may pupuntahan ito.
"Saan po kayo ma'am?"
"Sa banyo don't tell me hanggang dun sasamahan mo pa ako?" masungit nitong sabi at pumasok na nga sa loob ng Cr.