"SHE'S MY HOT BOSS"
Chapter 6:
"Good morning, umaasa akong mababantayan nyo ng maayos ang aking anak habang wala ako rito" ngiting saad nito na nakasuot ng pormal na damit.
"Pupunta na po ba kayo sa trabaho sir?" magalang kong tanong rito.
"Oh yes, I have to get there on time gusto ko nga sanang sumama si arianna sakin but she doesn't want to"
"Akala ko po ba next week pa kayo aalis sir?"
"Yeah that was I thought too but my business partner wants today because his going to introduce someone that could help in our company" paliwanag nya kaya pa bihis na bihis sya dahil ngayon pala ang flight nya papuntang states.
"Ah ganun po ba mag-ingat po kayo sir kami na po ang bahala kay ma'am"
"Thank you"
"Mag-ingat po kayo chairman" masayang turan ni jaypee sa matanda.
"Sige" huling sabi nito at pumasok na nga sya sa loob ng kotse pagkatapos buksan ng kanyang driver ang pintuan at pinaandar ito.
"Uy pare ang bait din pala ng magiging father-in-law mo no" nakaakbay na sabi nya sakin.
"Oo nga...teka ano? Father-in-law ka dyan baliw ka" tinanggal ko ang kanyang kamay na nakaakbay sa aking balikat.
"Sus! Alam ko namang type mo yung anak nya na si ma'am ano ngayon ma'am arianna diba?"
"Tigilan mo nga ako sabing hindi eh"
"Talagang idedeny mo pa no halata naman kung makatitig ka sa kanya parang may halong pagmamahal"
"Napakamalisyoso mo tigilan mo na nga ako"
"Ayiieee drake sa wakas na in love na rin ang kaibigan ko! haha" pangungutya nito na talagang napakalas ng kanyang boses.
"Who's in love?" biglang sulpot ni ma'am. Ba't kaya ang hilig-hilig nyang sumulpot may lahi ba syang multo.
"Si drake ma'am ay este yung isang kaibigan ko po pala na taga samin in love ho sya yun po ang pinag-uusapan namin ma'am" nadulas nyang sabi kaya tinapunan ko ito ng matalim na tingin kainis naman oh napakadaldal kasi.
"Wala akong paki, pumunta ako rito dahil siguro napag-usapan nyo naman ni dad na pwede akong lumabas kahit saan ko man gusto" masayang turan nya while crossed arms.
"Opo alam ko ho yun ma'am"
"Good"
"Pero napag-usapan rin namin ng daddy mo na kung lalabas ka man dapat kasama ako siguro alam mo din po yun ma'am?" ngising sabi ko sa kanya at biglang nag-iba ang ekepresyon ng kanyang mukha na parang naiinis na saka humakbang papasok sa loob ng bahay.
"Pare, bagay talaga kayo maganda sya na masungit ikaw naman pogi na pala-deny kaya suyuin mo na baka nagtampo yun sayo sige na"
"Alam mo tigilan mo nako baka may makarinig pa sa kadaldalan mo muntik na kanina kay ma'am kaya tumigil ka na kung ayaw mong madestino sa ibang lugar"
"Ay ito naman parang hindi mabiro sabi ko nga tatahimik nako kaya sana wag mong totohanin ang sinabi mo ha? Promise, hindi na talaga ako magsasalita na may gusto ka kay ma'am arianna" biglang sabi nito kaya agad kong tinakpan ang bibig nya kahit kailan pahamak to ang bibig nyang napakaingay.
"Isa na lang talaga"
"Sorry"
"Ikaw na muna ang magbantay sa kanya" seryosong saad ko sa kanya.
"Ano? Bakit, san ka pupunta?"
"Uuwi ng bahay kukuha lang ako ng mga gamit ko kunti lang kasi nadala ko eh" sabi ko rito at humakbang paalis.
"Sige pre, kunin mo na lahat ng mga gamit mo para magkasama na kayo ng bebe loves mo dito" rinig kong pahabol nyang sabi. G*go talaga to! Ako na naman ang napili nyang pagtripan.
"Ewan ko sayo baliw ka na talaga" ngiti kong sabi at patuloy pa rin sa paglakad.
(ANDREA POV'S)
Wala kaming pasok ngayon dahil weekends na kaya ito pakain-kain lang ako ng pop corn habang nanonood ng TV hay ang sarap ng buhay kapag ganito lang sana wala ng klase no? Nakakatamad na kasing mag-aral pero mabuti na rin yon dahil makikita ko si crush araw-araw dahil dun bigla na lang akong sumipag sa pag-aral ISANG HIMALA siyempre ikaw ba naman classmate mo ang iyong love of your life kaya aabsent ka pa ba? Siyempre hindi, pero dahil wala namang klase o assignments ede pachill² lang muna ako rito.
"Ay drake nandito kana napagod ka ba sa work mo medyo matagal kana rin kasing hindi nakakauwi nag-aalala na tuloy ako sayo" rinig kong sabi ng isang babae sa labas. Teka! tinawag ba nya ang pangalan ng kuya ko? OMG!!! nandito na si kuya magliligpit lang ako sandali baka magalit yun kapag naabutan nyang makalat ang bahay. Kaya nagmamadali akong nilinis ito hanggang sa biglang bumukas ang pinto.
"Oh andrea?" bungad nito sakin at may nakahawak na malanding babae sa kanyang braso si ate melissa ang p********e na patay na patay kay kuya.
"Ay nandito kana pala kuya timing na naglilinis ako ng bahay alam mo na para laging maayos at malinis" ngiting saad ko sa kanya at tiningnan si melissa grabe naman makayapos kay kuya daig pa ang isang linta kung makakapit.
"Hi Andrea" ngiting saad nya na may nginunguya-nguya pang bubble gum.
"Hello, ah kuya diba pagod kana sige na pumasok kana don sa loob para makapagpahinga ka. Diba, ate may MATANDA KA PANG CUSTOMER mamaya baka malate kapa sa trabaho mo kung makikipag-usap kapa kay kuya?" madiin kong pagkakasabi rito kaya napatingin ito sakin na parang nainis ata sa sinabi ko sa kanya.
"Fine, bye honey babalik ako rito for you at paglulutuan kita ng masarap kagaya ko sige bye din sayo sister" malanding turan nya na talagang hinahawak-hawakan pa ang mukha ni kuya akala nya siguro maaakit nya si kuya sa mga pinaggagagawa nya. Tapos ano daw!? Sister? Like halerrr hindi ko pinangarap na magkaroon ng sister na kagaya mong proud pa sa mga nakakasukang ginagawa mo.
"Kuya, wag mong tatangkain na ligawan sya ha? Dahil kung hindi baka magkakagulo ang bahay dito"
(DRAKE POV'S)
"Tsk! Wag kang mag-alala sisiguraduhin kong hindi magkakagulo kasi hanggang kaibigan lang ang tingin ko kay melissa saka iba kasi ang type ko e yung mala-maldita pero mabuti ang kalooban" ngiting saad ko rito.
"Uyy kuya, yung mga ngiti mo. Ano yan? In love ka no? Sino sya? Maganda ba kagaya ko?" ngising tanong ni andrea. Hay sana pala hindi ko na lang sinabi yun kasi sigurado ako na hindi nya ako titigilan.
"Wala, sinasabi ko lang ang type ko sa babae wag ka ngang mag-isip dyan ng kung ano-ano para kang si jaypee"
"Si kuya jaypee? Kung tinutukso ka din nya ede kilala nya kung sino ang babaeng gusto mo?"gumuhit ang kakaibang ngiti sa kanyang mukha hay napasama pa yata na binanggit ko si jaypee baka tanungin pa nya at kung ano pa makwento ni jaypee isa ring malisyoso yun eh.
"Uy andrea, tigilan mo na nga ako nga pala ang mga gamit ko?" pag-iiba ko ng topic para hindi na nya ko tungkol dun.
"Ah nandun sa loob bakit magtatanan na ba kayo ng girlfriend mo? Sige kuya, tutulungan na kitang magligpit basta galingan mo ha? Dapat cute ang magiging unang pamangkin ko pero alam ko namang lalabas talagang cute yun dahil nasa lahi natin yun at para naman maging tita nako" ngising turan nito at tinaas-baba pa ang kanyang kilay.
"Mangilabutan ka nga sa pinagsasabi mo anding ni wala pa nga akong girlfriend pano ko naman magagawa yun ano sariling sikap?"
"So, hindi ka pa nya sinasagot hay ang hina mo naman pala kuya gusto mo tulungan kita?"