Chapter 7

1123 Words
"SHE'S MY HOT BOSS" Chapter 7: (ANDREA POV'S) "Tulungan ka dyan, pag-aaral mo atupagin mo tapos mo na ba mga assignments mo baka inuna mo naman ang panonood ng KDRAMA ah" sabi ni kuya saka umupo sa upuan naming de kahoy. "Wala kaming assignment kuya" "Ah okay, nga pala kamusta naman ang pag-aaral mo staka mga bagong classmate mo?" "Ah okay naman ang mga bagong classmate ko kuya ?" masayang turan ko rito at umupo sa kanyang tabi. "May kaklase ka bang taga rito satin?" biglang sabi nya at naalala ko si charles na classmate ko pero ayokong sabihin sa kanya baka tuksuin ako nito. "Ah kuya nagugutom ka ba gusto mong paglutuan kita?" pag-iiba ko ng topic at kunwaring tumayo para handaan ito ng pagkain. "Oo wag ka na lang magluto baka matagalan pa bumili ka na lang dun kila ate betchay namiss ko tuloy mga luto nya" "Luh.. eh yung luto ko di mo namiss?" "Kung hindi siguro totong baka mamiss ko haha" "Aray! Ansakit ah parang di mo ako kapatid kuya ikaw na nga bumili dun sa labas nawalan nako ng gana" kunwaring nagtatampo ako sa kanya. Wag kayong maniwala guys masarap po ako magluto minsan nga lang nagkakamali pero okay naman sya masarap...naman. "Di joke lang, bumili ka na dun sa labas ayaw mo pa makikita mo si charles" he mention my crush name kaya umiba ang aking mood. "Duhhh... Hindi kaya" deny ko rito dahil kilala ko si kuya tutuksuin lang ako nyan sa crush ko tapos kung makipagclose na sila sakin nagiging strikto na sya. "Sus, ako pa niloko mo sige na bumili kana sa labas nagugutom na ko e" "Sige na nga, kung hindi ka lang gutom hindi ako lalabas para bumili dun" sabi ko rito pero deep inside gustong-gusto ko talagang pumunta dun para makita si crush oh my!! Anding umayos ka. "Awss di nga??" "Oo nga!" kunwaring naiinis ako at tuluyan ng umalis ng bahay. "Oh anding, anong gusto mo?" ngiting salubong sakin ni mother-in-law. Gusto ko po ang anak nyo sana po pakilusin nyo na sya na ligawan ako mahirap na baka maunahan pa sya ng iba sa ganda ko ba namang to na kaakit-akit char.. "Adobo't caldreta po" magalang na sagot ko sa kanya. "Bakit nakabalik na ba ang kuya mo?" "Pano nyo po nalaman?" gulat kong tanong rito. "Eh kasi paborito ng kuya mo ang mga binili mo" agad na sabi nito. Alam nya kasi ang mga paboritong ulam ni kuya kasi ito palagi ang binibili nya kapag wala syang trabaho o nagpapachillax lang. "Ah oo nga po, umuwi lang po sya para kunin ang iba nyang gamit tapos babalik na din agad sya sa trabaho" ngiting paliwanag ko kay mama. Dapat masanay nakong tawaging syang mama para kapag naikasal na kami ni charles my loves ede hindi nako maiilang na tawagin syang ganun. "Ah ganun ba, ay sinabi sakin ni charles na magkaklase daw pala kayo ede sabay na lang kayong pumasok sa school at umuwi" seryosong saad ni mama at sumandok ng ulam. Tita? Totoo? Omg!!! Talagang magkakasundo tayo kayo pa po ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami ng anak ninyo. "Ho? Kasi po ang tahimik ni charles sa school nahihiya din po ako baka kasi ayaw nya kong makasama kaya okay lang po kaya ko namang pumunta ng school mag-isa" nahihiyang turan ko at talagang sinadya kong sabihin ang mga salitang yun baka kasi magawan ulit ni tita ng paraan ehem tita beke nemen. "Naku! Hindi no ako na ang bahala kay charles pagsasabihan ko sya na sabay na kayo, oh eto" sabi nito sabay abot sakin ng ulam. "Thank you po, ito na po ang bayad" "Walang anuman" Bumalik ako sa bahay na masayang-masaya buti na lang talaga at napakabait ng tadhana sakin kasi binigyan nya ako ng maparaan na future mother-in-law kaya humanda ka sakin charles magiging akin ka rin rawr!! (DRAKE POV'S) Gutom na gutom talaga ako medyo malayo din kasi ang bahay namin sa lugar nila sir Albert. "Kuya, eto na ang ulam mo" masayang turan ni anding dala-dala ang isang plastik na ang laman ay ang mga ulam na binili nya. "Yun oh, teka lang kukuha mo na ako ng kanin" "Ah kuya ako na ang gagawa nun para sayo" pagpapigil nito sakin at sya na nga ang gumawa. "Aba, nag-iba yata ang simo'y ng hangin ah ba't bigla Kang sumaya? Ay alam ko na tungkol ba to kay charles?" "Ako na nga ang naghanda ng kanin mo si charles agad? Di pwedeng gusto lang kitang pagsilbihan dahil pagod ka?" pagpapalusot naman nito. "Pagod daw" "Ikaw siguro, sino ba yung maswerteng babae na gusto mo? Parang wala ka yatang nagkukwento sakin" pabalik nyang turan sakin. Naku! Ito na naman tayo ang hirap talaga nyang tuksuin lalo na kung may dahilan na pwede nyang gamitin sakin pantukso. "Hmm... Sarap talaga ng luto ni aling betchay" "Change topic, alam ko ang mga pa style² mo kuya kaya hindi moko madaan dyan, sino sya dali ikwento mo sakin?" ngising turan nito saka tumabi sakin at talagang inaabangan nya ang isasagot ko pero nanatili lang ako na magfocus sa pagkain. (JAYPEE POV'S) Umuwi muna si drake kaya ako muna ang incharge sa pagbabantay kay ma'am arianna. "Bantayan nyong mabuti dun" utos ko sa aking mga tauhan. Feel na feel ko talaga ang araw nato siyempre wala si drake kaya ako muna ang acting boss pansamantala. "Opo sir" agad na sagot nila sa akin at pumunta sa iba't-ibang sulok ng malaking mansion na ito. "Sergeant alano right?" tawag sakin ng hindi kalayuan kaya agad naman akong lumingon para tingnan kung sino ito. "Ay kayo po pala ma'am good afternoon po" magalang kong bati ng makita si ma'am arianna na naglalakad palapit sa gawi ko. "Aren't you drake's friend?" seryosong saad nya sa akin. "Opo ma'am ako nga ho" "What are you doing here? I thought you were serving another family so why are you here?" "Ah kasi po magkaibigan po pala ang boss ko at ang daddy nyo kaya dito po ako inasign ni sir para siguraduhing ligtas kayo" paliwanag ko sa kanya at mukha namang naintindihan nya agad ang ibig kong iparating. "Ah okay, by the way, I don't think I've seen major lately, has he given up and chosen to watch over others?" "Naku! Hindi po umuwi lang po sya sa bahay nila para kumuha ng ibang gamit konti lang ho kasi nadala nya dito ma'am" "Is that so? I thought he had already given up. Alright, just watch out there properly. Just make sure no one else can get in here, understand?" seryosong saad nya sakin. "Yes po ma'am" agad kong sagot sa kanya at umalis na nga ito. Sh*t! Kinabahan ako dun ah?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD