bc

All About Love

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
bxg
like
intro-logo
Blurb

Wala lang sapatos si Aira kaya sila ngkakilala ni Luke. He gave her a bunch of Red Roses, a pair of Slippers, at isang gabi na na di nila malilimutang dalawa. Pagkalipas ng dalawang buwan ay ngkaproblema siya at nag-alok si Luke ng "perfect solution".

"Magkaka baby na tayo at sexually attracted tayo sa isa't-isa. That's more reason to get married than most people have", sabi nito.

Simple enough? Hindi masyado--dahil isa lang naman talaga ang gusto niya para magpakasal.

She wanted his love.

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
"UPSET? Do I look upset? This is not upset, malumanay na sabi ni Aira kay Jig bago niya isinalpak sa mukha nito ang dalang cake kung saan nakasulat ang mga salitang" Happy Birthday, Babe! " Siya pa ang personal na nagbake at nag decorate ng cake na iyon." Now, that is upset! You're a jerk! And I don't want you touching me or ever coming near me again! " Bago pa ito makabawi sa pagkagulat ay tumakbo na siya palabas ng bahay nito. Pabalibag na isinara niya ang pinto. Nang marinig niyang nag-automatic lock iyon ay saka lamang niya na realize na naiwan sa loob ang kapares ng sapatos na hinubad niya nang dumating siya. "Sh*t!" sambit niya. Nunka na kakatok siya para balikan ang sapatos niya. Mas gugustuhin pa niyang maglakad nang nkapaa palabas ng Bonifacio Village. Napakadalang pa naman ng pumapasok na taxi roon. Tahimik na nagpasalamat na lamang siya na halos walang tao sa kalye na maaring makakita sa kanya. Nagbalik sa alaala niya ang mga nangyari kanina... Mag-aanim na buwan na silang magnobyo ni Jigs, isang Swiss expat na nakilala nya sa Citibank Tower kung saan nsa iisang palapag ang mga opisina nila. Mas matanda ito sa kanya ng sampung taon. He just turned thirty-four ngayon. Kaya nga niya naisipang bigyan ito ng surprise visit, dala ang birthday cake na siya pa mismo ang ngbake. Nakasalubong niya sa gate ng bahay si John ang boy nito. Galing daw ito ng supermarket. Ito ang ngpatuloy sa kanya. "Puntahan mo nalang siya sa kwarto niya, Ate", sabi nito. Sanay naman kasi itong dumadating siya roon. Pero unang beses niya iyon na siya lng ang pumunta. Parating may kasama siyang kaibigan na chaperone. Medyo may pagkaconservative kasi siya kaya kahit parating hinihiling ng kasintahan na maging mas intimate na sila, sa tuwina ay tumatanggi siya. Hindi rin siya ngpapaiwan sa masyadong pribadong lugar na walang ibang tao. But that day was different because she had decided to take their relationship to another level. Mahal niya si Jig. Naisip niyang handa na siya sa isang pisikal na relasyon. Hinubad niya ang suot na sapatos at iniwan iyon sa labas ng pinto. Bago sa Pilipinas ay na assign si Jig sa Thailand at nakasanayan nito ang kaugalian doon na hindi pagpasok ng sapatos sa loob ng bahay. Umakyat siya sa pangalawang palapag kung saan matatagpuan ang silid ni Jig. Akmang kakatok siya sa pinto nang may marinig siyang tunog ng halakhak mula sa loob. Tawa iyon ng isang babaeng tila kinikiliti. Nanlamig ang buong katawan niya. She felt panic rise on her chest. Natakot siya na baka biglang bumukas ang pinto at makita siyang nakatayo roon hawak ang cake. Mukha siguro siyang tanga kung sakali. Sa katarantahan ay pumasok siya sa banyong katabi ng kwarto ni Jig. Nanghihinang umupo siya at isinandal ang likod sa malamig na tiles. Nakapatong sa hita niya ang cake.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.5K
bc

His Obsession

read
104.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook