BIGLANG nahilo si Karrie at inalalayan siya ni Grace paupo sa sofa. “Hindi ko na talaga alam Grace. Ang iniisip ko ngayon ay ang kapakanan ng magiging anak ko. Ayaw kong maging masamang ina dahil pagkakaitan ko siya ng ama. Hindi ko lang talaga alam ko ano na ang dapat kong gawin.” aniya. Nabasa na ng luha ang mga kamay ni Karrie sa pagpahid nito sa kanyang mukha. Hinapuhap ng kaibigan ang kanyang likod nang sa ganun ay mapawi ang sakit na nararamdaman nito. “Sorry Bell ha. Pero para sa akin kasi, lahat ng nangyari sa past ay dapat kalimutan na. Intindihin mo nalang ang magiging anak mo. Forgive who those who tresspass. Give him a chance. Kahit para nalang sa bata.” mahinang tugon ng kaibigan. “Binigyan ka ng ikalawang pagkakataon ni God, sana bigyan mo rin ng pagkakataon si Sir Grey p

