PAHAKBANG na palabas ng pinto si Karrie nang biglang tumunog ang cellphone ni Grey. Hindi ito naka silent mode, kaya't bahagyang gumalaw si Grey nang tumunog ito. Hindi naman ito tuluyang nagising sa ingay ng telepono. Dahan dahan pa rin ang paglakad ni Karrie patungo sa pinto. Nang makalabas ay palingon lingon siya paligid, tahimik at walang tao. Handa na siyang umeskapo, dahan dahang isinara ang pinto. Nang nakalabas siya ay hindi na siya nag atubili pang maglakad ng mabilis. Dala niya ang saya na makakaalis na siya at tuluyan ng iiwan si Grey at siguradong masasaktan ito. Wala na siyang pakialam sa kahihinatnan ng lahat ng to. Bubuhayin niyang mag isa ang anak nila ni Grey. Tatayo siya bilang ama at ina ng bata, kakayanin niya lahat basta nasa kanya lang ang anak. Sa kabila ng laha

