Chapter 8: Goodbye Bella

2660 Words
Naglakad si Grey sa gitna ng mga nakahawak ng banner.   Will you Marry Me? ” Natulala si Bella tila hindi  makapagsalita. “ Again. Bella , Will you be my Wife?” anito. Matagal bago makasagot si Bella tila natutunaw sya sa mga katagang lumalabas mula kay Grey sinamahan pa ng titig mula sa kanyang mapupungay na mga mata. Natahimik ang lahat sa paligid habang naghihintay sa sagot ni Bella. "Ye--yes Grey." sabay hiyawan ng mga tao. Masayang inilahad ni Bella ang kanyang palad sa lalake upang isuot ang singsing na hawak nito. Niyakap nya si Bella at hinalikan sa noo na syang nagpakilig sa mga nakamasid sa kanila. “ You will be Mrs. Mon Amoures in 2 hours my sweetheart.” Tugon pa nito sa kanya habang papalayo upang maghanda sa kanilang instant wedding. Lumapit ang babaeng pinay na may kasamang dalawang babae. “Bella! Congrats. By the way, This is Sky the make up artist and Loraine the Stylist.” aniya. “Iha ngayun ang kasal mo, This is a surprise wedding. Kaya't halika na sa loob para makapag handa na.” said Sky the make up artist. Hindi maintindihan ni Bella ang kanyang pakiramdam, Magkahalong kaba at saya. Lakas ng kabog ng dibdib nya. “Ganyan talaga Girl, pag ikakasal talagang nakakakaba. Lalo na't napaka gwapo ng magiging husband mo ha! Infairness!” Sabi ng baklang make up artist. “Oo nga teh, napaka gwapo naman ng fafaya mo.” Kilig na sabi ng stylist. Light make up lang ang ginawa ng make up artist ngunit napaka gandapa rin ni Bella. Mas lalong naging kahawig ni Coleen Gracia ang mukha nito. Straight to Curly ang style ng buhok nya. And she chooses the lace sleeve wedding gown na may kunting split. Nagmukhang dyosa si Bella sa mga oras na iyon. Naiinggit lahat ng nakatingin sa kanya. Handa na si Bella. Nang tignan ang paligid ay nakahanda na pala ang lahat, kulay powder blue ang motif. Naka set -up na ang mga lamesa at upuan talagang napuno ng dekorasyon ang buong paligid. Maganda din ang panahon sa araw na ito, just perfect. Naka upo sina Mr. At Mrs. Young kasama ng anak nila. Pati na rin yung babaeng pinay at si Manang Eliza. Na surpresa din sya dahil nandoon rin ang kanyang matalik na kaibigan na si Grace kasama si sir Adam. Pati na rin ang kaibigang si Kate at ang tiyahin nya. Binalot ng kasiyahan si Bella. Kulang nalang at tumalon pa sya sa saya nang nakita ulit ang mga taong importante sa kanya. Nang dumating si father, ay tumunog ang bell hudyat na sisimulan na ang seremonya. Nakatayo na din si Grey doon sa harapan. Nagsimula ng tumugtog ang kantang ‘PERFECT’ ay naglakad si Bella sa gitna ng Isle. Nangilid ang mga luha sa kanya mga mata. Ito'y luha ng dahil sa sobrang kasiyahan. Baby I’m dancing in the dark, with you between my arms Barefoot on the grass, listening to our favourite song When you said you looked a mess, I whispered underneath my breath But you heard it, darling you look perfect tonight Nang nakalapit sa nakatayung si Grey ay hindi mapigilan ni Bella ang humagulgol ng iyak. It was a dream come true to her. Alam nyang may maraming mas higit sa kanya, sino nga lang ba sya para sa isang Mon Amoures? “Siguro'y inilaan kana ng Dios para sa akin Grey and I will love you with all my heart forever. ” aniya sa isip. They shared each other vows. Matapos ang seremonya father said. “You may kiss the bride.” At doon naghiyawan ang mga bisita. Kinikilig ang mga ito sa unang pagkakataon na makikitang halikan ni Grey ang misis nito. Grey opened the Veil covering Bellas face. And now he can clearly see his lovely bride. Those eyes that full of love. “I love you.” he said. And she answered with all of her heart. “I love you too Grey.” Sumisigaw, Humihiyaw ang mga nasa harapan nila. At hinalikan sya ni Grey, First kiss as Husband and Wife. “I'll be longing those sweet lips of yours forever Bella.” anito. Sabay sinabuyan sila ng petals mula sa bulaklak. Doon ginanap ang reception sa rooftop ng bahay nang mag asawang Young. Labis na nagpapasalamat si Grey at Bella sa mag asawa. Sa pag sang ayon din ng mga ito sa plano ni Grey. Nasa rooftop na ang lahat. Nag enjoy sila kasama ang mga taong malapit sa puso ni Bella. Masayang masaya si Grey na nakikita ang kanyang asawa na masayang inaasikaso ang mga bisita. Masaya silang nagkwentuhan ni Grace matagal tagal na din silang hindi nagkita at nalaman nyang buntis pala ito. Masaya sya para sa kanila ni Sir Adam pati na rin ang kanyang tiyahin masayang masaya sa kaniya. Alam nadin pala ng kanyang inay at itay dahil pormal pa lang nakipag usap si Grey sa mga ito. Hindi maipaliwanag ni Bella saya. Ayaw na nyang matapos pa ang sandaling iyon. Sya yata ang pinaka masayang babae sa mga oras na yon. Nag eenjoy ang lahat na sa kasal nina Grey at Bella. Hindi nila namalayang sa di kalayuan may taong nakamasid sa kanila na sekretong kumukuha ng litrato. Natapos na ang gabi at umuwi na ang mga bisita. Masayang nakahiga sa kanilang kama ang bagong kasal. Nagkikilitian at hinahaplos ni Grey ang buhok ng asawa nya. At nagsisimula na itong maglambing kay Bella. “First make out as Husband and Wife. Ready naba itong misis ko?” Grey said in sarcastic voice. Tumawa na lamang si Bella dito. Nang akmang hahalikan na ni Grey si Bella ay biglang tumunog ang phone nya, tumatawag na naman si Reign. “Sagutin mo na Hon.” Mahinang turan ni Bella. Napatingin na lang si Grey sa kanya at tumungo sa terrace para doon sagutin ang tawag. "Sandali lang hon ha." anito. “ Hello Grey! Ahhh! Please puntahan mo ako! Sumasakit ang tiyan ko baka ano pang mangyari sa anak natin.Ahh!” giit nitong tila namimilipit sa sakit ang tiyan. Sinabi ni Grey ang nangyari at pumayag naman si Bella na puntahan ito kahit labag man sa kanyang kalooban ngunit para sa bata ay pumayag sya. Halos lumipad si ang sasakyan ni Grey sa kaba kung ano na ang nangyari sa bata. When Grey arrived to Reign's Place. Nakita nya si Reign sa labas ng pinto hawak hawak ang tiyan nito. Patakbong lumapit si Grey sa kanya. “What happened Reign?” Hindi sumagot si Reign at sumigaw ito na may masakit sa kanya.“We need to go to the Hospital! ” anito. Kinarga ni Grey si Reign nang biglang may dinukot si Reign mula sa bulsa at itinurok ito ka Grey. Agad namang natumba ang lalaki at nakatulog. Pampatulog ang kanyang itinurok  kay Grey. ‘Hindi mo malulusutan ang tusong katulad ko Grey! Tandaan mo yan! ’ giit nito. Habang inaakay si Grey patungo sa loob ng kanyang bahay. Inihiga nya ito sa sofa at hinubad nya ang damit ng lalake. At sya rin ay naghubad saka pumatong sa ibabaw ni Grey na nakayakap at kumuha sya ng litrato nilang dalawa na magkasamang hubo't hubad. Inilagay ni Reign ang mga kamay ni Grey sa beywang nya at nakadampi ang kanyang dibdib sa katawan ni Grey. Ang laswa tingnan ng mga kuhang iyon ni Reign at sigurado syang mababaliw si Bella pag nakita ang mga kuhang iyon. Hindi mapakali si Bella. Habang hinihintay nya ang asawa sa may terrace. Hindi na sya dinalaw ng kanyang antok. Nag aalala sya sa asawa. Nang biglang tumunog ang cellphone nya  nagmamadali naman syang tignan at baka ang asawa nya ito. Tama nga si Bella at kay Grey galing ang mensahe. Nang ito'y kanyang buksan may naka attach na picture sa message kaya dali nya itong binuksan. Halos mabitawan nya ang Cellphone sa nakitang larawan. Ang laswa tignan, nakapatong si Reign sa asawa nyang si Grey. Namanhid ang buong katawan ni Bella sa nakita. Tumulo ang kanyang nga luha. Ngayon lang sya nakaramdam ng ganoon sa buong buhay nya na para syang sinasaksak ng paulit ulit. Nagtaksil sa kanya ang lalaking mahal nya. Hinagis nya ang cellphone at nabasag iyon. Tumakbo sya patungo sa C.R. at inilock ang pinto at doon na humagulgol ng iyak si Bella. Hindi na nya alam ang gagawin! Kitangkita ng dalawang mata ang pagtataksil ng asawa. "Greyyy! Bakit!" walang katapusang pag iyak. Hawak hawak ang kanyang tiyan. Umagos sa C.R. ang napakaraming dugo mula sa hita ni Bella. At sumakit ang kanyang tiyan , masakit na masakit ito. Nang namalayan nyang may lumabas sa kanyang pwerta. Nang itoy kanyang suriin ay isang malaking buong dugo iyon. Mukhang tuluyan na syang nakunan. Pinaghahampas ni Bella ang bubong ng  C.R. at nagsawa'y sinaktan naman nya ang sarili hanggang sya'y nawalan ng malay. Kanina pang mayroong nakamasid at umaaligid bahay nila. “Mukhang tulog na sila boss.” sabi ng lalake sa kabilang linya. “Kung ganoon, gawin mo na ang inuutos ko! Kailangan malinis ang trabaho mo kung hindi malilintikan ka sa akin!” It was Reign. Reign became a monster. Handa syang dispatsahin lahat ng humaharang sa kanyang daan. Ibinuhos ng lalake sa paligid ng bahay ang dalang gas at naglabas ito ng lighter at ito'y sinindihan ,nagsimulang lumaki ang apoy sa labas ng bahay.  At daling umalis ang lalaki. Maya maya pa ay nagising si Manang Eliza nahihirapan syang huminga parang kakaiba ang paligid. Nang ito'y kanyang tignan nagulat ito ng nakitang nabalot na ng apoy at usok ang loob ng bahay. Tinakpan ang ilong at sinisigaw ang pangalan ni Bella. Hindi na nya kaya pang pumunta sa itaas hindi na sya makahinga. At may pag asa pa syang lumabas. Pumikit ang matanda at nagdasal. Tumakbo ito sa gitna nang nagbabagang apoy at nakalabas sya.  Sumigaw nang sumigaw ang matanda humihingi nang tulong. “Tulong! Tulong mga kapit bahay tulong! Nasusunog ang bahay tulungan nyo kami!!” Nagising si Bella dahil sa init ng paligid. Naliligo sya sa sariling pawis at lalong nanghina. Gayunpaman, ay tumayo ito at nang buksan ang pinto ng C.R. ay nanlaki ang kanyang mga mata at  apoy na ang sumalubong sa kanya. Nahihirapan syang huminga kaya't tinakpan ang kanyang ilong, hindi sya makasigaw nangingibabaw ang kanyang takot. Laking gulat nya nang pabagsak sa kanya ang nagbabagang kahoy. Hindi iyon naiwasan ni Bella at tinamaan ang kanyang mukha. Tumayo parin sya kahit ramdam nya ang hapdi sa mukha. Ramdan nya ang dumadaloy na dugo galing sa kanyang noo. "Diyos ko! Huwag nyo ako pababayaan panginoon! " aniya. Lumingon lingon sya at isa nalang ang nakikitang pag asa nya. Ang bintanang nasa c.r. dali syang pumasok sa C.R. at tinanaw ang bintanang napakataas pala nito.  Kumuha sya ng matigas na bagay at ipinukpok sa bintana para ito'y mabasag. Sa wakas ito ay madali nyang nabasag at tumalon sya mula doon. Kaytaas ng kanyang tinalon dahilan ng nawalan sya ng malay. Nakabulagta sa lupa ang kawawang si Bella. Nagkakagulo na sa labas ng nasusunog na bahay. Madaming tao doon, matagal tagal din bago dumating ang mga bombero kaya talagang halos gumuho na ang bahay na tinupok ng apoy. Umiiyak si Manang Eliza tinatawagan nya ang kanyang sir hindi naman ito sinasagot ang kanyang tawag. Walang magawa ang matanda kundi tignan ang gumuguhong bahay habang umiiyak at hindi pa nakakalabas si Bella. Nang dumating ang mga bombero, kalahating oras bago tuluyang napatay ang apoy. Nang nagmulat ng mga mata si Bella. Hindi sya masyadong makagalaw sa sakit at hapdi ng buong katawan. Nang ito'y kanyang tignan halos masunog ang kanyang balat. Humaguhol si Bella nang pumasok sa silid si Mrs. Young. She can't believe ganito ka lala ang sinapit ni Bella. Labis syang naaawa rito mabuti nalang at  nakita nila si Bella.  “Bella, Dear, Please Calm Down. You need to be strong for yourself. Please. Listen to me. I am here to help you. This is not the end of your life.” Hindi makapagsalita si Bella at iyak lang ito ng iyak. Nang medyo tumahan ito, kumuha ng salamin si Mrs. Young at iniharap ito kay Bella. Hinawakan ni Bella ang kanyang mahapdi pang mukha, hindi na sya ang nakikita nya sa salamin. Mas lalo pa ito humagugol ng iyak. “Gusto ko nang mamatay Gusto ko nang mamatay.” Iyak na hindi matapos tapos. “Diyos ko! Ano bang nagawa ko sayo at pinaparusahan moko! Bakit?! Bakit nangyari sa akin to?! Bakit hinayaan mong mangyari sa akin to!! Wala kang kwenta!! ”Habang naka hawak sa mukha nya na pinagsasampal ito ni Bella. Sinasaktan ni Bella ang sarili. Nasaktan si Mrs. Young, hindi man nya naintindihan si Bella ngunit ramdam nya ang hirap at sakit na dinanas nito. “Bella please calm down. I am here to help you. Remember, I'm a Plastic Surgeon. I can fix your face, I can fix everthing. All the damage. Please calm down.” Bella can't stop crying. Nag usap silang dalawa ni Mrs. Young. Malaki din ang utang na loob ni Mrs. Young sa kanya kaya buong puso nya itong tutulungan. Tutulungan nya itong maghiganti sa mga taong nanakit dito. Sumang ayon si Bella at itong taong ito na lang ang kanyang tanging pag asa. Ipapalabas nilang patay na sya at sasama sya sa Korea upang doon magpagaling. Kahit papaano'y mayroong natitirang pag asa kay Bella. Sa buhay nya at hindi pa pala huli ang lahat. ‘Magbabayad ka sa ginawa mo sakin Grey! Minahal kita at ito lang ang ibabalik mo sakin ang saktan ako. At ikaw din Reign sigurado akong may kinalaman ka sa tangkang pagpatay sakin’ sabi ni Bella sa isipan. ‘Magbabayad kayong lahat! Nang dahil sa inyo hindi kona makikita ang anak ko!!’ nakuyom ang kamay ni Bella. Sikat na sikat na ang araw ng magising si Grey. Napayakap sya sa asawa. Nang akmang hahalikan na nya ito ay nagulat sya at si Reign ang katabi nya. Nang kanyang tignan pareho silang walang saplot. Itinulak nya si Reign. “Bakit magkasama tayo! At bakit wala akong suot!” Galit na sigaw ni Grey. “Grey naman! Lasing ka nung nagpunta dito kagabi at hinalikan mo ako. Tapos nangyari na.” kalmadong pagsisinungaling nya. “Hindi ko magagawa yun Reign! Alam kung pinagplanohan mo to! Nasaan ang asawa ko?!” Grey. “At bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo? Magdamag tayong magkasama dito! ” Sabi ni Reign na sekretong napangisi. Mabilis na nakapagbihis si Grey. Tumakbo ito patungo sa kanyang sasakyan. Una nyang kinuha ang cellphone para tawagan ang kanyang asawa. Nagulat si Grey sa nga natanggap na mensahe. Nasusunog ang kanilang bahay kanina pang madaling araw. At alas otso na nang tignan ang relos. Dali dali syang nag drive at nagdasal na sana walang masamang nangyari sa asawa. Malakas ang kabog ng kanyang dibdib. Nang makarating sa bahay, madaming tao sa paligid nito. May mga reporter at mga police. Nang makita si manang Eliza namumutla na kanina pay iyak ng iyak. Namaga ang mga mata ng matanda. “Manang!” Napalingon si manang at humagulhol pa ng iyak. “Madaling araw pa ako tawag ng tawag sir” patuloy ang pag iyak nito. “Nasaan ang asawa ko?! Manang nasaan sya? !” Hindi nakasagot ang matanda at umiyak na lamang ito ng umiyak. Tumakbo patungo sa mga police si Grey. “Where is my wife! I need to see her!” inaawat sya ng mga police. “Sir bawal pa pumasok ng bahay , delikado pa.” Hindi mapakali si Grey. Nang lumapit ang isa pang police. “Asawa nyo po ba ang sinasabing naiwan sa loob ng bahay? Na nagngangalang Bella Trinidad Mon Amoures?” tanong ng police. “OO sya nga. Sya ang asawa ko nasaan sya. ” Lumingon lingon si Grey inaasahang may lalapit na Bella doon. Ngunit wala. May iniabot ang police sa kanya. “Iyan ang nga bagay na na recover namin sa kwarto mula sa 2nd floor. Pagmamay -ari ba iyan ng iyong asawa?” tanong ng isa pang police. Nandoon ang basag na cellphone, damit na huling suot ng asawa at ang wedding ring nito. Nawalan ng lakas si Grey, kaya't napaluhod ito sa buhangin. Hindi sya makapaniwala at ayaw nya mawalan ng pag-asa. Tumulo ang isang butil ng luha, "Bella, nasaan ka ba, huwag naman sana.." anito. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD