“Tinupok ng apoy ang buong bahay, naging mahirap sa mga bomberong patayin ang apoy. Sa sitwasyong iyon ay kung sinuman ang nasa loob ng gusali ay tiyak na hindi na makikilala dahil magiging abu ka na lang. Iyon ang nangyari sa asawa nyo Mr. Grey.” turan ng police. Tumulo ang luha ni Grey, napahawak na lang sya sa ulo. Hindi makapaniwala sa sinapit ng asawa, pinagsisisihan nya kung bakit umalis pa sya sa tabi nito. Wala man lang siyang nagawa habang nahihirapan ito. Napasuntok si Grey sa sarili habang nagwawala at umiiyak gustong pumasok sa loob para hanapin si Bella at patunayang buhay pa ito. Pinipigilan sya ng mga police at patuloy itong nagsalita. “Mayroon din kaming nakitang bakas ng dugo sa may bathub ng inyung C.R. Nabanggit ng iyong katulong na buntis ang asawa niyo kaya't posibl

