Unang engkwentro ❤️❤️❤️

1004 Words
Patuloy ang kasiyahan sa mansion at naisipan na lang ni Mia na pumunta sa quarters para makapag-ayos na lang ng gagamitin nya para sa pagsama sa beach resort ng mga Delaverde.. Napagkasunduan kasi nila ni Matilda na sa mansion na siya matutulog. Kukuha na lang siya ng gamit at magpapaalam sa Nanay nya na siya ang mag-aalaga kay Matilda. Paalis na siya papunta sa quarters ng makasalubong na naman niya si Luke.. Hey pretty, where are you heading to? Pagpapacute nito habang may tangan na beer sa kaliwang kamay. Sa quarters, kukuha lang ako ng gamit para sa lakad bukas. Ako ang sasama kay Matilda sa beach house.. That will be great, sasama ka pala. I will not be bored.. Sige po, aalis muna ako.. Paalam nya sa binata. Ok pretty, can't wait to bond with you tomorrow. Sa pagmamadali nya, nasalabid ang paa nya sa hindi nya napansin na ugat ng puno.. Napapikit na lang siya ng may nakasalo sa kanya, nakayakap na sa kanya ang kanyang tagapagligtas.. Got you honey.. Sambit ng matipunong lalaki na nakasalo sa kanya. Biglang kabog ng dibdib nya ng mapagtantong si Hunter pala ito na ang ganda ng ngiti. Sorry sir, hindi ko kasi napansin na may ugat pala sa dinadaanan ko.. Paumanhin ng dalaga na kandabulol na sa pagsalita dahil na rin sa kabang naramdaman sa pagkakalapit nila ng hinahangaang lalaki. It's ok, hindi mo naman nakita eh. Saan ka ba papunta? Tanong ng binata sa kanya. Sa quarters lang sir.. Kukuha lang ako ng gamit para bukas sa pagsama sa Zambales po. Sasama ka pala, that's great.. I will see you around honey at binitawan na din siya ni Hunter bago ito bumalik sa nag-aantay na grupo nito. Hindi na makahinga si Mia sa kasiyahang nadarama ng makayakap si Hunter.. Napakabango talaga ng lalaki at mabait pa ito.. Nagmamadali ng umalis ang dalaga para maaga din siyang makabalik sa mansion. Nais pa nyang masilayan ang crush nya. Nay sasama nga po pala ako bukas sa beach house sa Zambales. Hindi po kasi makakasama sila madam kaya ako na mag-aalaga kay Matilda doon. Mag-iingat ka dun anak, nakita ko kanina kung paano mo tingnan si Senyorito Hunter. Alam ko din na hinahangaan mo yun. Ingatan mo ang puso mo. Wala kang laban sa mga babaeng nakapaligid doon. Si nanay talaga napaka advance mag-isip. Crush ko lang po si Senyorito Hunter, hindi naman po ako papansinin nun. Madaming babae yun tyak Nay.. Sa gandang lalaki ba naman nun at sikat din.. Hindi yun mawawalan ng girlfriend.. Pagtatama ng dalaga na may kirot din sa puso habang sinasabi ang mga salitang yun. Anak mukhang madami kang dadalhin eh dalawang araw ka lang naman doon ah, magtatanan ka ba kaya ka madaming dinadala? Pagbibiro ng nanay ni Mia. Hindi ko kasi alam Nay ano ang dadalhin. Gusto ko sana magswimming doon kaso wala naman akong pangligo.. Baka ako lang nakashort doon. Dabog naman ni Mia. Anak magsuot ka na lang ng short baka magkakaroon na ako ng manugang pagbalik mo dito.. Baka mamaya magsuot ka ng swimsuit doon at biglang dumami ang manliligaw mo. Hindi ka pa nga nakakatapos anak, dagdag pagbibiro pa uli ng Nanay nya. Si nanay talaga ang daming pasakalye eh.. Sige na nga Nay babalik na ako sa mansion.. Mag-iingat kayo dito Nay ha. Mamimiss kita, pagsasakay nito sa ina. Parang isang taon ka nga mawawala anak, may pa miss-miss ka pa dyan.. Bumalik ka na at magpapahinga na ako. Pagtataboy nito sa anak. Nanay talaga parang hindi mo na ako mahal ah, tinataboy mo na ako, pagdadrama nito. Anak sa kadramahan mo baka bukas ka na makabalik sa mansion at hindi mo na makita Prince charming mo sige ka. Naku nagbabanta ka na Nay, baka mawalan ka naman ng mamanugangin pag hindi ko siya makita at makapiling. Pagbibiro din ni Mia. Pagbalik sa mansion, pinuntahan muna ni Mia si Matilda sa kwarto nito, dito siya matutulog para magising nya ng maaga ang dalaga. Matilda andito na ako, sambit nya sa dalaga na nag-aayos na din ng susuutin para kinabukasan at ibang dadalhing gamit din nito. Ate may susuutin ka na bang pangligo doon? Tanong ng dalaga sa kanya. Ah, wala bunso eh, hindi naman kasi ako talaga nagsusuot noon.. Eh ate dapat meron ka nun, magswimming kaya tayo dun so dapat may dala kang swim wear. Two piece o kaya one piece. Pagpapaliwanag pa nito. Naku bunso hindi ako nagsusuot nun, short na lang gagamitin ko. Hindi ko ata carry yan pag mga ganyan, mukhang labas na kaluluwa ko dyan. Ate huwag ka mag-alala, merong naiwan na mga swim wear ang pinsan ko dito ng magbakasyon sila galing ibang bansa.. Hahanapin ko lang, saad ng dalaga hanang hinahalungkat ang closet nito.. Ito na ate, apat na partner ito, nakangiting sambit ng dalaga habang pinapakita kay Mia. Bunso mukhang hindi ko kayang suutin ito.. Napakasexy naman ng tabas.. Hindi ate, sakto lang ito.. Mas masagwa pa nga ang suot ng ibang nakikita ko sa magazine o sa TV eh.. Kasya ito sayo ate, ito na dadalhin natin, at nilagay na ito ng dalaga sa mga dadalhin din nila para hindi na ito makatanggi Mayroon ding mga dress pa dito ate, pareho lang kayo ng katawan ng pinsan namin kaya ito na din gagamitin ko, hihingiin ko na lang ito kay Ate Vien para maging sayo na.. Nakakahiya naman bunso pero salamat at sana kasya talaga sa akin ang mga ito. Yehey, impit na sigaw ni Matilda na nakagulat kay Mia habang tinitingnan ang repleksyion sa salamin kung kakasya nga ba sa kanya ang mga damit.. Bakit bunso anong problema? Takang tanong nito kay Matilda. Nakausap ko na kasi si Ate Vien at binibigay na nya sayo ang mga damit.. Sinabi ko kasi sa kanya na future ate na kita kaya pumayag na siya. Dapat nga daw maging kayo talaga ni kuya kasi babaero si kuya at dapat may magpaibig dito para tumino. Ikaw talaga ang dami mong alam bunso.. Salamat, at niyakap nito sa Matilda..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD