This is it ❤️❤️

1015 Words
Matilda lalabas muna ako ha, tutulong ako sa pagliligpit doon. Madami pa kasing aayusin doon at para maaga na din makapahinga ang mga nagliligpit. Babalik ako agad. Paalam nito sa dalaga na naghahanda na sa pagtulog. Sige ate, bantayan mo si kuya dun sa Cindy na yun ha.. Mukhang linta makadikit kay kuya.. Hindi ko siya gusto kasi ikaw ang gusto ko para kay kuya.. Akala mo talaga magugustuhan ko siya eh may manok na ako. Dere-derestong litanya nito.. Naku bunso, hindi natin mapipigilan ang kuya mo sa mga magugustuhan nya ha.. Hindi mo rin siya mapipilit kung ayaw nya yung babae na gusto mo para sa kanya kasi hindi naman ikaw ang makakasama nun kundi ang kuya mo. Paliwanag nito sa dalaga pero gumagaralgal ang boses dahil sa lungkot ng nalaman. Ate huwag kang mag-alala boto naman ako sayo. Ikaw ang gusto ko para sa kuya kong pogi. Kung may magkakagusto man na iba sa kanya, hindi yun uubra sa akin. Huwag kang mag-alala, ikaw lang ang gugustuhin long maging ate ko. Yumakap pa ito kay Mia bago lumabas ang dalaga. Pogi ba kuya mo? Kunyaring hindi naniniwala si Mia. Oo naman ate, kung hindi eh bat crush mo siya? Pambubuking ng dalaga. Crush ko ba yun? Pagmamaang-maangan naman ni Mia. Oo kaya, nakikita nga kita na tinitingnan si kuya eh, ngiting sagot ng dalaga. Abah bunso, marunong ka na mag-espiya ngayon ha, baka namalikmata ka lang na si kuya mo tinitingnan ko eh hindi naman talaga.. Nagliligpit na sa bakuran kung saan naganap ang welcome party kay Hunter pagpunta ni Mia. Tumulong na din siya para mabilis na matapos iyon at ng makabalik na din siya sa kwarto ni Matilda. Iha salamat sa pagtulong mo sa amin ha, alam ko busy ka sa pag-aaral mo pero may time ka pa rin sa mansion.. Boses ng mama ni Hunter na nagpalingon sa dalaga. Walang anuman po Ma'am Maricar, kung hindi naman po sa inyo hindi naman ako makakapag-aral kaya nga po ako nagsisikap din. Sagot nito sa amo. Mag-iingat kayo bukas sa lakad nyo ha, alagaan mo si Matilda, alam ko naman na magkasundo kayo nun at itinuturing ka na nyang nakakatandang kapatid. Salamat po Ma'am. Aalagaan ko po si Matilda kahit hindi nyo po sabihin, wala po akong kapatid kaya siya na po ang itinuturing kong kapatid. Iha puntahan mo na lang pala sina Hunter doon sa pool, baka may kailangan pa sila bago mo balikan si Matilda. Utos ng senyora na agad namang sinunod ng dalaga. Pagdating nya sa swimming pool ng mansion nagkakasiyahan na ang grupo.. Nakita nya si Luke na mukhang lasing na talaga. Nakatulog na ito sa isang sun deck.. Hindi nya makita si Hunter sa grupo kaya wala siyang mapagtanungan. Pabalik na siya sa mansion ng may naulinigan siyang kaluskos sa medyo madilim na bahagi ng bakuran. Medyo nacurious ang dalaga kung sino ang mga iyon kaya sinilip nya.. Nagulat at nasaktan si Mia ng malaman kung sino ang nasa madilim na magkapareha. Si Hunter at Cindy ang nakita nya making out.. Tumakbo na lang ang dalaga at bumalik sa mansion. May napansin si Hunter na sumisilip sa lugar kung saan sila naghahalikan ni Cindy.. Hindi naman nya kasintahan si Cindy, pero liberated ang dalaga at willing ibigay ang pangangailangan niya.. Hinabol ng tingin nya kung sino ang nakakita sa kanila ni Cindy. Nakita ni Hunter si Mia na tumakbo pabalik sa mansion.. Naiiling na lang si Hunter at niyaya na si Cindy na bumalik sa mansion.. Nakita ni Hunter si Mia na nagliligpit ng mga pinagkainan at kalat ng welcome party nya.. Napansin nyang maganda pala ang dalaga at may kaseksihan itong taglay kahit t-shirt at short lang ang suot. Naisipan nyang lapitan ito.. Hi Mia, need help? sambit niya dito paglapit niya. Hindi na po senyorito, bumalik n lang po kayo sa kasintahan nyo mukhang nabitin pa kayo eh. At umalis na ang dalaga na gumagaralgal pa ang boses pagsagot sa binata. Pinigilan nya si Mia ng akmang aalis na. Why in a hurry hon, I don't have a girlfriend. Alam kong naninilip ka kanina sa amin.. Me and Cindy is not an item dear.. Paliwanag nya dito habang hawak ang bewang ng dalaga na nakayuko naman.. So wala lang pala sa inyo ang ganun, casual na pala ang halikan ngayon, sabagay sabi nga nila liberated pala sa ibang bansa. Wala din yung salitang commitment, sagot naman ng dalaga na hindi pa rin makatingin sa binata.. Look at me honey, Cindy is liberated and what you saw awhile ago is just normal, ok.. Everyone knows that she is just a friend, no more no less. I maybe flirting with her but it's just a normal thing if you know the limits. At itinaas nito ang mukha ng dalaga na teary eyed na pala. Why are you crying? Takot ka ba na pagalitan kita sa paninilip sa amin? Huwag kang mag-alala, hindi ako magagalit.. At hinawakan pa nito ang mukha ng dalaga at punasan ng daliri nito ang mga luha na dahilan kung bakit tuluyan ng nahulog ang loob nya sa binata. Napakasweet ng gestures nito sa dalaga na nagpakilig din dito. Pasaway talaga itong puso ko. Bakit pa minamahal ang mahirap abutin, gwapo na mayaman pa kaya madaming kaagaw, isiip na lang ng dalaga na ang tinutukoy ay walang iba kundi si Hunter. You're such a cry baby at ginawaran pa ng magaan na halik sa noo ang dalaga bago nito iwanan ang dalaga. Masarap ang tulog ko nito mamaya, may moment kami ng mahal ko kahit sandali lang.. Sana nga pala itinodo ko na para sulit ang moment naming dalawa. Kinikilig na sambit ni Mia. Naguguluhan din si Hunter sa sarili ng makita nyang naiiyak na si Mia ng matanong nya ito sa paninilip sa kanila ni Cindy. Natutuwa siya sa reaction nito na akala nya galit siya.. He's beggining to notice the beauty of their helper.. Bumalik na lang siya sa pool para gisingin si Luke para matulog na at pupunta pa sila sa beach house nila sa Zambales para sulitin ang bakasyon nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD