Start of something new... ❤️

1016 Words
Kinabukasan masakit ang ulo ng binata dahil na rin sa hangover.. Pagbaba sa komedor, nakita nyang inaasikaso ni Mia ang bunsong kapatid. Nakasuot ng summer dress ang dalaga na bagay na bagay dito. Napakaseksi nito. Ngayon lang nya napansin na napakaganda pala ng hubog ng katawan ng dalaga.. Hi bunso, good morning. How was you're sleep? Bati nito sa kapatid. Good morning too my handsome kuya, mabuti naman po ang tulog ko, sabi naman ni Matilda. Good morning Mia, bati niya sa dalagang hindi makatingin sa kanya.. Magandang umaga din po senyorito, ganting bati din ni Mia sa binata na hindi pa rin makatingin kay Hunter dahil sa nangyari kagabi na kung iispin nya ay nahihiya siya sa ginawa. Hunter na lang, parang tumatanda talaga ako kapag tinatawag mo akong senyorito eh halos magkaedad lang naman siguro tayo. Hindi naman halata na matanda ako diba. Baka ano po kasi ang iisipin nila pag Hunter lang tawag ko sa inyo at parang feeling close po ako nun sa inyo, paliwanag naman ni Mia. Huwag mo ng isipin yun, and please cut the po kung hindi hahalikan kita dyan biro pa nito na kinapula ng mukha ni Mia.. Oooyyyy kuya ha, mukhang matutupad na ata ang hiling ko na maging ate si Ate Mia.. Panunukso nito na kinaputla naman na dalaga at hinihiling na lamunin na lang siya ng lupa sa kadaldalan ni Matilda. Talaga bunso? Gusto mo maging ate si Mia? Tanong ng binata habang nakatingin sa dalaga na mukhang hindi na alam kung ano ang gagawin. Yes kuya.. Ikakatuwa ko yun, not like that Cindy who is such a, at nakita nyang tinakpan ni Mia ang bibig ng kapatid para matigil na ang kadaldalan. Tama na yan bunso, masyado ka ng madaldal, hindi yun maganda. Pangaral ni Mia sa kapatid na tumalima na din sa dalaga. Sorry ate, I just carried away, sabay hagikgik nito.. Hunter kain ka na dyan ha, maghahanda lang kami ni Matilda.. Maliligo na muna siya, at aayusin na din namin ang mga dadalhin sa pag-alis mamaya. Ok, take your time.. Bunso huwag mong pasikitin ang ulo ni Mia ha.. Paalala ng kuya nito. Yes kuya, mahal ko si Ate Mia.. Nakangiting sagot ng dalaga. Good. Mag-ayos na kayo, maya-maya aalis na tayo.. Dagdag pa ng binata. Bunso ha, nanunukso ka pa kanina. Nahihiya tuloy ako sa kuya mo, pagtatampo nito kay Matilda. Ate huwag ka na magtampo sa akin. Nilalapit lang kita kay kuya, alam mo namang boto ako sa inyong dalawa diba, sabay yakap sa dalaga.. Sige na nga, pero huwag naman lagi ha bunso kasi lalo akong naiinlove sa kuya mo nyan eh, pag-amin nito sa dalaga.. Talaga ate, love mo na si kuya? Tanong ni Matilda na nakanganga pa. Bunso huwag masyadong ibuka ang bibig mapasukan ng langaw, pagbibiro nito sa dalaga.. Ate naman eh, nagbibiro pa, natatawang sabi nito habang kinikiliti si Mia. Tama na yan bunso, humahagikgik din si Mia sa kiliti ng dalaga. Sikreto lang natin yun ha, pinky swear.. I swear ate, at niyakap uli ang dalaga.. Tinawag na sila Mia ng kasambahay nila na naghahanda na ang lahat sa pag-alis.. Nagkumahog na ang dalawa na pumuntang sasakyan at baka sila ay maiwanan. Tatlong sasakyan ang dala nila. Si Luke, Mang Ramon na family driver nila at Hunter ang mga driver.. Sa dalang sasakyan sana ni Hunter sila sasakay ni Matilda kaso nakita na nya na nasa unahan si Cindy kaya hindi na sila sumabay doon, nagseselos siya. Ate hayaan mo na yun, pag-aalo ng dalaga sa kanya ng makita itong nalungkot. Hey pretty, sa akin na kayo sumabay ni Matilda.. Bungad ni Luke sa dalawa.. Salamat Kuya Luke, ngiting sagot naman ni Matilda na sumakay na sa passenger seat. Sa harap ka na ate sumakay sabi nito kay Mia.. Sumakay na din si Luke at Mia. Convoy na lang sila sa mga nauna kasi hindi naman saulado ni Luke ang daan papunta sa beach house nila Hunter. Van na dala ni Mang Ramon ang nauuna sa mga sasakyan. Nakita ni Hunter ang lungkot sa mata ni Mia ng makitang kasabay niya si Cindy sa sasakyan. Gusto sana nya kasabay si Mia at Matilda kaso nauna ng sumakay si Cindy at kabastusan naman kung palalabasin pa nya ito sa sasakyan. Naiirita siya ng makita na si Luke pa ang sinabayan ng dalaga na alam naman nyang playboy din ito at mukhang didiskartehan si Mia.. What's with the frown babe? Maarteng tanong ni Cindy. Nothing, masama lang ata gising ko.. Naiinis na sagot naman ni Hunter. You say so, sagot na lang din ng dalaga at natulog na.. Hindi pa ito nakakabawi ng tulog since madaling araw natapos ang selebrasyon sa mansion. Habang daan nakikipagkwentuhan sina Luke at Mia, pati si Matilda ay nakikipagbonding din sa dalawa. Mia may boyfriend ka na ba? Tanong nu Luke na lumingon pa sa dalaga. Wala pa po, wala pa po sa isip ko yan at nag-aaral pa ako nahihiyang sagot ni Mia. Parang ang tanda ko na talaga sa kaka po mo Mia. Hindi naman ako ganun katanda. Natatawang sabi ni Luke. Kuya wala pa po siyang boyfriend pero malapit na po magkaroon, tukso ni Matilda. Bunso ano na naman yan ha baka kung ano masabi mo, pigil dito ng dalaga. Talaga bunso, may alam ka ba kung sino yun? Sumasakit tuloy ang puso ko, basted ako agad ah hindi pa nga ako naliligaw, biro nito sa dalawa. Sikreto lang po yun kuya.. At saka gwapo ka naman po, madami ka pang makikilala na babae dyan huwag na kay Ate Mia, hahanapan na lang kita at kumindat pa ang dalaga. Mukhang may sarili ka talagang kupido Mia ah. Hindi makakapasa ang mga manliligaw mo dito kasi mukhang may manok na, sambit na lang ni Luke.. Nakatulog na si Mia at Matilda habang daan.. Tinitingnan ni Luke si Mia at hinahangad nyang makilala pa ito ng lubusan ngunit sa tingin nya ay may napupusuan na ang dalaga.. Sa tingin nya si Hunter dahil nakita nya kung paano nalungkot ang dalaga kanina ng makitang nasa sasakyan na ito si Cindy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD