Habang papasok na sa beach house ng mga Delaverde nagising na sina Mia at Matilda. Namangha si Mia sa nakita dahil ito ang unang beses nya na makarating sa beach house nila Matilda.
Bunso malapit na tayo, gutom ka na ba? Magpapahain ako para makakain ka. Tanong ni Mia dito.
Hindi pa naman ate, busog pa po ako.. Sagot naman ng dalaga. Akyat na lang po muna tayo sa kwarto natin. May titingnan lang po ako. Excited na turan ng dalaga kay Mia.
Bumaba na din sila pagdating ng beach house. Pumasok na agad sila sa loob ng bahay para maayos ang mga gamit nila.
May tagapag-alaga naman ang beach house kaya may naglilinis dito araw-araw. Naabisuhan din ito ng mga amo nya kaya pagdating nila may pagkain ng nakahanda.
Habang papasok ng beach house, nakakunot ang noo na si Hunter ang nakasalubong nila. Parang may kaaway ito kung tingnan.
Hi kuya, what's with the face, hindi ka ba nakatulog ng maayos? Mukhang may pinagdadaanan ka ata. Tanong dito ng kapatid.
Wala naman bunso, nagtatampo lang ako sayo hindi ka sumabay sa akin pero kay Mia nakatingin habang sinasagot ang tanong ni Matilda na kunyari hindi pinapansin ang sinasabi ng binata.
Eh kasabay mo na si Cindy kuya, ayaw kong magselos si ate Mia kaya kay Kuya Luke na kami sumabay... Walang patid nitong sagot na bigla naman tumigil dahil na din sa napansing namumula na sa kahihiyan si Mia..
Ooppss my bad, nabuko ang sikreto namin ni Ate, at nagtakip pa ng bibig nito na kinatawa naman ni Hunter..
Kaw talaga bunso, madami kang alam kaya sobra kitang namimiss eh, sambit ni Hunter na pasimpleng sinulyapan ang dalaga na pulang-pula na ang mukha dahil sa kakatukso ni Matilda.
Hunter akyat na muna kami ni Matilda baka ano pa masabi nito. Pigil naman ni Mia sa kung ano pang sasabihin ni Matilda.
Baba na din kayo pagkatapos at kakain na tayo..
Ok kuya, mag-aayos lang kami ng gamit ni ate..
Matagal bumaba sila Matilda dahil nawili ito sa panonood ng movie, inakyat na sila ni Hunter.
Bunso bakit hindi pa kayo bumababa? Kakain na tayo, pag-aaya nito sa kanilang dalawa ni Mia..
Kuya napasarap kasi ang panonood namin ng movie kaya hindi na namin napansin ang oras.. Pwde ba magpicture-picture tayo kuya? Wala pa tayong picture together simula ng dumating ka kuya, pagpapacute nito sa kapatid.
Yun lang pala eh, tara picture tayo bunso.
Si ate Mia na lang kukuha ng picture kuya..
Tapos kayo din mamaya kukuhanan ko kayo ng picture.
Mukhang nakukuha na ni Mia ang gustong mangyari ni Matilda, gumagawa talaga ito ng paraan para maging malapit sila ni Hunter. Naiilang man ang dalaga, sinasakyan na lang nito si Matilda na playing cupid talaga sa kanilang dalawa ni Hunter.
O kayo ng dalawa kuya ni Ate Mia..
Dikit naman kayo, hindi naman kayo sweet eh, pagmamaktol ng dalaga.
Akbayan mo naman kuya si ate. Dapat sweet kayong dalawa. Ganyan nga kuya tama.
Inakbayan naman ni Hunter si Mia at pinayakap pa nito sa bewang nya ang kamay ng dalaga. Mukha talaga silang magkasintahan sa picture.
Kiss mo siya sa pisngi kuya para mas maganda sa picture.. Pag-uutos na naman ni Matilda na kinagitla ng dalaga. Sinusunod naman ni Hunter ang mga request ni Matilda. Naiiling naman ito kapag may mga Madami talagang kalokohan ang dalaga.
Last na to bunso, gutom na ako. Pagsasakay na lang ni Hunter sa kapatid.
Akmang hahalik sa pisngi ni Mia si Hunter ng biglang humarap ang dalaga kaya naglapat ang mga labi nila. Nakuhanan naman ito ni Matilda na sobrang kinatuwa nito.
That's more I like it. Talo nyo pa si Liza at Enrique. Dagdag pa nito na tumalon pa talaga.
Kaw talaga bunso, nahihiya na tuloy si Ate Mia mo oh. Pagbibiro na lang ni Hunter para hindi mailang si Mia.
Pulang-pula na talaga ang mukha ni Mia dahil sa hiya niya kay Hunter sa kagagawan ng kapatid nito.
Niyakap na lang ni Hunter si Mia.
Hon, pagpasensyahan mo na si Matilda.. Mapagbiro talaga yan pero I'm not sorry I kiss you, in fact kung wala lang si Matilda I will kiss you again..
Loko-loko ka din at kinurot na ito ng dalaga.. Kumain ka na nga gutom lang yan. Bababa na din kami after..
Bumaba na kayo bunso ha, kakain na ako. Gutom na talaga ako, magswimming tayo mamayang hapon.
Ok kuya. Bababa na din kami..
Bunso talaga ang dami mong naiisip na kalokohan lagi.. Ikakapahamak ko pa talaga ang dapat na sikreto natin eh, baka maturn off na ang kuya mo sa akin nyan. Litanya nito sa dalaga.
Hindi ate noh, ang sweet nyo nga dalawa eh, nagkiss pa kayo.. Matutupad na rin ang pangarap ko na maging ate kita.. Sobra ang pagkakangiti ng dalaga.
Bunso huwag muna natin pangunahan ang mangyayari kasi pag hindi mangyari yun masasaktan tayo, paliwanag nya dito. Hindi kasi ganun kadali yun bunso na pag may gusto ka, gugustuhin ka din.
Ate magkakagusto sayo si Kuya, sa tingin pa lang nun sayo nararamdaman ko na may gusto din siya sayo.
Mukhang ang tanda mo na magsalita talaga bunso. May gatas ka pa sa labi, marunong ka na sa pag-ibig. Ang dapat sayo nag-aaral hindi yung puro pag-ibig ha bunso.
Ate napapanood ko lang sa TV pero wala pa akong alam sa love. Hindi pa po ako dapat mainlove. Wala din naman po akong nagugustuhan at baka mapagalitan ako nila kuya. Nag-aaral din akong mabuti po
Ikaw talaga, kumain na tayo para mahaba din ang pahinga natin bago tayo magswimming mamayang hapon. At bumaba na sila para kumain dalawa.
Madaming pagkain ang nakahain kaya hindi alam ni Mia anong uunahin nyang kainin. Halos lahat ng pagkaing nakahain ay bago sa paningin nya ang iba naman ay natikman din naman nya
Ang sarap ng pagkain bunso. Busog na busog ako talaga. Baka mamaya malaki tiyan ko dun sa susuutin kong panligo.
Hindi yan ate. Dapat magkasya yun kasi magkasing katawan naman kayo ni Ate Vien. Kaya hindi rin ako nagdalawang isip na hingiin sa kanya yun para sayo kasi