Kabanata 1
Bea's POV
Nakangisi ako hindi dahil sa kasiyahan kundi dahil sa pagtanggap sa kapalaran ko nang makita ko ang mga perang ibinabato sa akin ng mga manyakis at walang ibang ginawa kundi pagnasahan at bastusin ang mga katulad kong babae.
Hindi na nakakagulat. Sa mundong ginagalawan ko ngayon ay hindi na bago pa ang mapanghusgang mga mata ng tao kapag nakatingin sa akin na sumasayaw sa madilim sa silid na ‘to na kulang na lang ay mawalan talaga ng saplot sa aking katawan.
Wala naman nang bago. Pinasok ko ang mundo na ganito kaya naman matagal ko nang hinanda ang sarili sa mga panghuhusga ng tao.
Kaya ko namang baliwalain ang lahat kaya ano pang silbi na iiyak ako dahil lang sa kadahilanang ito ang trabaho na may malaking kita para sa mga pangangailangan ko at nang mga kapatid ko?
Noong una ay naiiyak pa ako at awang-awa sa sarili ko tuwing nababastos ako, sino ba namang hindi? Babae pa rin ako at tama nga naman na hindi bagay ang trabahong ito sa mga kababaihang gustong ipanalo na irespeto ng ibang tao.
Maraming pagkakataon na maging ngayon ay nararanasan ko pa rin; suksukan ng pera sa suot kong kinulang sa tela at sinasadyang paghawak sa maselang bahagi ng katawan ko.
Sanayan na lang lalo't kailangan ko ng pera.
Nang nakita kong sumenyas na sa akin si Beta na siyang susunod sa akin na sumayaw sa entablado ay umiling ako bago nginusuan ang may-ari ng Bar na masayang kinukuha ang mga perang binabato sa akin.
Ganito naman talaga rito.
Kapag matinik ka at gustong-gusto ka ng mga kalalakihan ay ikaw ang bibigyan ng magandang trato ng nagpapasahod sa inyo.
Sanay na sanay na ako sa kalakaran dito. Matagal ko nang trabaho ito kaya naman normal na sa akin ang mga ganitong pangyayari gabi-gabi.
Nasa akin ang mata ng 'Manager' namin dahil nga ako ang dahilan kung bakit nagpapabalik-balik ang mga lalaking akala mo mauubusan ng laman. Umaasa na kapag palagi silang nandito ay bibigay ako sa kagustuhan nilang kunin at bilhin ang katawan ko.
Iginiling kong mabuti ang katawan ko lalo't alam kong mas malaki ang kikitahin ko ngayong gabi kapag mas maraming maghumaling at magbato ng pera sa akin rito sa mismong entablado ng pinagtra-trabahuhang Bar.
Sa edad kong bente sais ay maagang namulat ang mga mata ko sa ganitong gawain.
Naniniwala ako sa kasabihan na,‘kung ano ang puno ay siya rin ang bunga.’
Napatingin ako kay Akira nang senyasan niya ako na bumaba na sa entablado dahil siguro kanina pa natapos ang oras ko at may papalit na sa akin.
Pero dahil makasarili ako at gusto kong sarilihin ang mataas na sahod mula sa Amo naming sugapa rin sa pera ay hindi ko pinansin ang katrabaho.
Normal na 'tong ganitong trabaho para sa mga taong tinalikuran ng pagkakataon na magkaroon ng magandang pamumuhay.
I’m a stripper. Pokpok kung tawagin ng iba kahit hindi ko naman pinagbibili ang katawan ko. Para sa akin ay gano'n na rin ang tawag sa babaeng sumasayaw na halos kurot lang ang telang suot.
Ito lang ang kayang tumanggap sa akin na mabilis ang pasok ng pera.
Gugustuhin ko pa bang magutom o hindi bigyan ng maayos na pag-aaral ang mga nakakabatang kapatid ko?
Ano'ng magagawa ko? Isa rin naman akong anak ng prostitute kaya hindi na ako nagulat sa naging kapalaran lalo kung ang sarili ko nang Ina ang nagkalulo sa akin sa ganitong gawain.
Niyakap ko na lang ang kapalaran at hinayaan ang panahon na patigasin ang puso ko at tanging nasa isip lang ay ang mga kapatid ko.
Nang makatapos ako ng highschool ay nagsimula na akong magtrabaho ngunit nang mag bente ako ay pinasok na ako ng sarili ko pang Ina sa ganitong gawain.
Hindi nakakagulat na tinanggap ko lalo't kilalang prostitute ang Ina ko na naging dahilan kung bakit pinagtatawanan ako noon sa klase.
Magkimkim man ako ng galit kay Mama dahil pinatigil niya akong mag-aral ay wala akong magagawa kundi tanggapin nang magdesisyon ang Ina na ibenta ako.
Pagbebenta na rin naman ang tawag sa mga taong nagbubugaw ng sariling anak.
Sanayan lang 'yan siguro. Bente lang ako nang ibugaw ako ni Mama sa anak ng lalaking naghuhumaling noon sa kan’ya na nagngangalang Homer. Naging kabet pa nga ang Nanay ko kung tutuusin at nakasira ng pamilya pero katulad ng mga nagdaang mga lalaki kay Mama ay iniwan din nito ang aking Ina.
Mula sa mayamang pamilya si Homer kaya pinatulan ni Mama ang ama nito.
Akala ko nga ay katulad ng mga nakilala kong lalaki si Homer na hindi kayang seryosohin ang mga katulad kong babae ngunit sa totoo lang ito ang pinakamabait na lalaking nakilala ko. Hindi naman niya ako pinilit noon sa bagay na ayaw kong ibigay sa kan’ya na labis kong pinagpapasalamat.
Unang pag-ibig ko si Homer at hindi ko akalain na ito rin ang unang makakaramdam ako ng sakit dahil sa tinatawag nilang pag-ibig.
Kaso dahil nga hindi maganda ang trabaho ko at hindi 'yon kayang tanggapin ni Homer ay sinubukan niya akong ayain na magtanan na lang subalit hindi ko kayang iwan ang mga kapatid ko.
Hindi man kami pare-parehas ng Ama ay mahal ko ang mga ito katulad ng pagmamahal ng mga ito sa akin.
Ako na ang tumayong Ina sa mga kapatid ko kaya paniguradong kapag nawala ako ay para ko na rin tinanggalan ng pagkakataon mabuhay ang mga kapatid ko.
Napapikit na lang ako ng madiin.
Bakit ko ba naaalala ang tungkol sa una kong pag-ibig e kung tutuusin ay matagal naman na ‘yon at wala na akong kabali-balita sa kan’ya.
Hindi ko nga alam kung kasal na ‘yon o hindi pa. Naglaho na lang siya na parang bula kaya wala na dapat akong iisipin pa.
Tama na ang pag-iisip sa lalaking unang nagbigay sa akin ng sakit, ito ako ngayon at sumasayaw para sa kapakanan ng ibang lalaki at dahil na rin sa perang kikitain ko kaya magiging sagabal lang sa akin kung iisipin ko pa si Homer.
Bakit ba sumasagi sa isip ko na si Homer pa rin ang magsasagip sa akin sa impyernong buhay na ‘to?
I was willing to be a lowly woman and accustomed to people's judgment about my work.
Nandito ang perang kailangan na kailangan ko.
Hindi ako aasa na magiging magandang kapalaran na mangyayari sa buhay ko kung sakali.
Nang sa wakas ay nakaramdam ako ng pagod ay nabilis akong nagpaalam sa mga lalaking kulang na lang ay hawakan ang buong katawan ko dahil kung hindi pa ako aalis ngayon ay siguradong marami na namang kalalakihan ang mangungulit sa akin at tatanungin kung magkano ang isang gabi ko.
Mga lalaking mas importante ang init na hatid ng pagtatalik dahilan kung bakit nakakalimutan ang salitang respeto.
Nang nasa kwarto na ako kung nasaan ang iba pang katrabaho ay nakita kong nagbibilang ng pera si Akira.
Si Akira ay isang prostitute kaya kung maganda ang pasok ng mga lalaki na naghahanap ng babaeng madadala sa kama ay nangunguna si Akira dahil maganda nga naman talaga siya ngunit may kagaspangan ang ugali at mukhang ako ang pinag-iinitan niya.
"Bumaba ka na rin sa wakas," malamig na sabi niya sa akin kaya napairap na lang ako bago kinuha ang jacket sa locker ko.
Hindi ko na lang binigyang pansin si Akira lalo't mainit talaga ang dugo niya sa akin, maliban kasi na sanay na ako sa mga manyakis na lalaki ay sanay na rin ako sa kagaspangan ng ugali ni Akira.
"Masyado ka naman kasing garapal sa pera, Dean. Minsan bigyan mo naman ng pagkakataon ang iba," sabi pa niya kaya nang tuluyan kong maisuot ang jacket ko ay humarap ako kay Akira.
"Wala ka sa posisyon ko, Akira. Hinding-hindi ko sasayangin ang pagkakataon na kumita ng pera para lang pagbigyan ang iba."
"E 'di lumabas din sa bibig mo na talagang makasarili ka!" Napatayo na siya kaya nakita ko ang iba naming kasamahan na pumagitna na sa aming dalawa ni Akira.
Dating stripper si Akira, parehas lang kami noon ngunit hindi naman kasing laki ang kinikita niya katulad ng sa akin lalo't mas napapansin naman talaga ako ng mga kalalakihang pabalik-balik dito sa bar.
Hindi lang naman ang ganda ko ang pinanglalaban ko kundi ang katawan ko.
Talagang hindi ko hinayaan na pumangit ang katawan ko lalo't alam kong kapag nagbago ang mala-coca cola kong katawan ay siguradong tanggal ang mga mata sa akin ng mga customer namin dito sa bar.
Marami pa akong pinag-aaral. Hindi pwedeng hindi ako makaipon para sa mga kapatid ko.
May balak din akong umalis dito kapag sapat na ang pera ko para makipagsapalaran at maging katulong na lang sa ibang bansa.
Malayo sa mapanghusgang mundo rito sa Pilipinas.
"Tumigil na kayong dalawa," sabi ni Hailey.
"Alam mo kaya walang gusto na maging kaibigan ka!" malakas na sabi ni Akita sa akin.
"Nand'yan si Beta. Kaibigan ko siya. Hindi katulad mo, hindi kakompetensiya ang tingin niya sa akin at lalong hindi niya kinukumpara ang kinikita niya sa kinikita ko. Akira, kung ikaw ang nasa posisyon ko ay imposibleng kaya mong pakawalan ang pagkakataon na kumita ng mas malaki kung kaya mo naman para lang sa kapakanan ng iba." Bawat bigkas ko ng salita kay Akira ay umaasa akong maiintindihan niya na hindi kami parehas ng buhay na dalawa.
May anim akong mga kapatid at kung tutuusin ay para ko ng mga anak lalo't ako lang naman ang inaasahan sa bahay namin.
Meron akong kambal na kapatid na parehas na may autism at kailangan ng malaking pera.
Ang sumunod sa ‘king si Dillan ay kasalukuyan palang nasa highschool. Lahat nag-aaral pa kung tutuusin.
Hindi ko pa nga natutungtong sa kolehiyo ang mga kapatid kaya bakit ko hahayaan na pagbigyan ang iba kung maging ako ay hirap din?
Hindi ko maintindihan.
Kailangan bang maging mabuti pa sa ibang tao kung wala namang nagiging mabuti sa ‘yo? Hindi ko pa dapat unahin ang kapakanan ko at ng mga kapatid ko?
Hindi patas ang mundong ginagalawan namin sa mga katulad ko kaya bakit magiging patas ako para sa iba?
Kailangan bang hindi ako maging makasarili kung ang mundo ngayon ay tinalikuran ang isang katulad ko?
Napabuntong hininga ako at lumabas na lang ng kwarto kung saan kami namamalagi kapag hindi kami hinahanap ng amo namin.
Maya-maya lang ay sigurado akong may naghahanap na naman sa akin para sayawan ko sa pribadong silid sa ikalawang palapag.
Nakakapagod na pilitin ang ibang intindihin ako. Napapagod din naman ako.