Bea Dean’s POV
Ibinaba ko ang labing limang libo sa mesa habang nag-aayos si Dillan ng mga gamit niya na idadala sa University dahil nga magpapa-enroll siya ngayong araw.
Titig na titig roon si Dillan kaya naman napakagat ako sa ibabang labi ko.
"Kulang pa ba 'to?" tanong ko sa kan'ya pero walang gana siyang napatitig sa mga mata ko.
"Ano sa tingin mo? Ikaw ang nagsabi sa akin na magpa-enroll sa gusto kong university. Tapos 'yan lang ang iaabot mo? Barya lang 'yan e. Wala pa sa 1/4 ng tuition ko sa buong semester," walang modo niyang sabi dahilan kung bakit naikuyom ko ang kamao ko at minabuting umiwas ng tingin sa kan'ya dahil alam kong kapag hinayaan kong sakupin ako ng galit ko na nararamdaman ko ay magsisigawan lang kaming dalawa.
Minabuti kong kumalma sa kanila ng bigat sa dibdib ko. Ang sama-sama ng loob ko dahil pakiramdam ko hindi nakikita ni Dillan lahat ng ginagawa ko para sa kanilang lahat.
Palagi na lang ba sila ang iisipin ko? Hindi ako nanunumbat lalo’t hindi ko gawain ang gano’n. Bata pa lamang ako, minulat na ako sa realidad ng buhay. Pinoprotektahan ko lang naman ang mga kapatid ko kaya kahit gaano pa katalim ang kapitak ko para mabuhay kami ay gagawin ko.
“Hindi ko gusto ang pananalita mo, Dillan. Pwede mong sabihin sa akin ng maayos kung kulang pa ang perang ‘yan,” ani ko at dinagdagan pa ng sampung libo ang pera na nasa ibabaw ng mesa.
Napalunok ako dahil ang perang ‘to ay galing lahat kay Sky dahil sa kasunduan naming dalawa. Tanggap ako nang tanggap kaya paniguradong ang kapalit nito ay maging bed warmer niya.
“Umamin ka nga, Ate. Galing ‘to sa pagbebenta mo sa kata—“
Hindi ko hinayaan na matapos ang sasabihin niya dahil masama akong tumingin sa kan’ya.
“Hindi ka na lang magpasalamat sa ibinigay ko? Hindi ba’t may lakad ka pa? Umalis ka na dahil baka mahuli ka pa,” mahinang sabi ko. Matagal na tumitig sa akin si Dillan pero nang siguro mapansin niyang wala akong balak na makipagtalo sa kan’ya ay mabilis din siyang umalis at iniwan akong mag-isa rito sa maliit naming kusina.
Kung magtatagal ang pangangailangan ni Sky sa katawan ko ay lulubos-lubusin ko na. Para sa mga kapatid ko. Umaasa na lang akong maiintindihan ni Dillan pagdating ng araw lahat ng ginagawa ko ngayon.
Kailangan na kailangan lang talaga. At least… kung tatanggap ako ng pera mula kay Sky ay tuloy-tuloy rin ang pag-aaral ng kambal.
Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko nang maramdaman kong humawak sa braso ko si Hans at ipinapakita sa ‘kin ang isang origami na tiyak ay ginawa nila ng kakambal niya.
Hindi nakakapagbigkas ng maayos na salita si Hans pero ramdam na ramdam ko ang pagmamahal na meron siya sa akin. Hirap man niyang biglasin ang mga salita ay alam kong mahal na mahal niya kami.
Sila Hans ang pahinga ko sa nakakapagod na mundo na ‘to. Kung wala sila… paniguradong napakalungkot ng mundo ko.
“Ang ganda, Hans! Very good!” ani ko at pumalakpak pa. Napansin kong mahilig sa mga DIY craft si Hans na labis kong kinatutuwa. Malawak ang imahinasyon niya. May isang box nga sa kwarto ko kung saan nandoon lahat ng ginawa niyang craft na regalo niya sa akin.
“L-like you… po,” aniya dahilan kung bakit tila may humaplos sa puso ko at nanggigigil na niyakap siya dahilan kung bakit narinig ko ang hagikgik niya.
Okay na ako.
Kung meron naman sila Hans sa tabi ko… paniguradong magiging maayos din ang lahat. Oras na gumising na si Kristina. Babalik sa sigla ang bahay namin na ‘to.
Panigurado ‘yon.
—
“Kapagod,” ani ni Beta nang makapasok siya sa kwarto kung saan kami tumutuloy. Kakatapos ng pagsasayaw niya sa maliit na entablado.
Tatlong araw na simula nang huli naming pagkikita ni Sky. Nakatanggap ako ng message mula sa kan’ya na siya ang tatawag sa akin kung kailangan niya ako. Kung kailangan niyang magpainit.
Okay na rin ‘yon. Mukhang abala siya lalo’t napanood namin nila Mea sa telebisyon noong isang araw na nasa Hongkong silang dalawa ni Betanni.
Mukhang panibagong project na naman o sadyang katulad ng nasa balita ay nagde-date nilang dalawa. Gusto kong matawa ng mapait. Napakawalang kwenta nang lalaki ni Sky kung makikipaglaro pa siya ng apoy sa ibang babae kung meron naman na si Betanni, kung tutuusin ay ang mga katulad kong babae ay hindi man lang kumalagati sa level ni Betanni. Masyado silang matayog.
Masyadong malayo ang mundong nila sa mundo ng mga katulad namin nila Beta.
Masyadong maliwanag ang mundo sa kanila samantalang masyadong madilim ang saamin.
Tatayo na sana ako nang makita kong pumasok ang amo namin.
“Dean, maraming nag-re-request na customer na muli kang sumayaw sa entablado. Pagkakataon mo na, dalian mo,” aniya kaya itinirik ko ang mga mata ko dahil sa inis pero ito ang trabaho ko.
Humarap ako sa human side na salamit at inayos ang nighties na suot ko bago pinatungan ng see through na long sleeve na abot sa tuhod ang haba.
Muli akong dumaan sa likod ng entablado at umakyat roon. May nakaharang na malaking kurtina. Humawak ako sa pole kung saan ako erotikang sasayaw at nang muling tumugtog ang mahalay na kanta ay nagsimulang tumama sa buong katawan ko ang ilaw na nanggagaling sa club.
Nakaayon sa bawat pitik ng kanta ang katawan ko. Mabagal akong gumiling habang tinatanggal ang suot kong see through at dinaanan ng mga kamay ko ang katawan ko. Lantad na lantad na ‘yon sa mata ng mga kalalakihang nagbabato sa akin ng pera.
Tumatama man ‘yon sa iba’t ibang parte ng katawan ko ay hindi ko ‘yon ininda. Nainis lang ako nang sinasadya na ng mga lalaki na tamaan ang maseselanh bahagi ng katawan ko.
“Maghubad ka na! Mas marami akong ibabato kung makikita ko ang hubad mong katawan!” siyaw ng isang lalaki sa ‘di kalayuan sa entablado.
Hindi ko pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang sa pagsayaw.
“Magkano ka ba?!” siyaw pa ng isa.
“Ang sarap mo naman,” ani pa nila.
“Uubusin ko talaga ang pera ko, mailabas ka lang!”
Naririndi na ako sa mga naririnig ko kaya nang matapos ang kanta at sumara ang entablado ay dali-dali kong pinulot ang see through na suot ko kanina upang itapis na sa katawan ko.
Kakapiranggit lang kasing tela ang suot ko. Pupulutin ko na sana ang mga perang ibinato sa akin kanina dahil tip naman para sa akin ‘yon nang makarinig ako ng isang pamilyar na boses.
“Hindi mo kailangang pulutin ang mga ‘yan. Alam mong barya lang ‘yan kumpara sa ibinibigay ko,” ani ni Sky kaya malalaki ang mata kong kumingon sa pinanggagalingan ng boses at nakita ko siya sa pintong dinaanan ko kanina papalabas sa entablado na ‘to. Tago ‘yon at nahaharangan ang pintong ‘yon dahil daan ‘yon patungonsa locker room kung sana kami nag-aayos at sa opisina ng amo namin.
Balot na balot man ang buong katawan niya ng suot niya ay nakilala ko pa rin ang boses niya.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” gulat kong tanong.
Sinenyasan niya akong lumapit pero nalipat ang tingin ko sa mga perang ibinato sa akin. May iilan doon na tig-iisang libo kaya ang hirap baliwalain.
“Dean…” seryosong tawag ni Sky.
Luluhod na sana ako upang mamulot at hindi siya pakinggan nang muli siyang magsalita.
“Huwag mong hayaan na ulitin ko ang sinabi ko sa ‘yo kanina tungkol sa mga baryang ‘yan,” malamig na aniya.
Napalunok ako dahil sa pagkabigla.
“Come here… I’m wanna take you out.”