Hindi na alam ni Elthon kung ano ang dapat na gagawin sa mga oras na ito. Kailangan niyang magpakatatag dahil siya ngayon ang inaasahan ng pamilya. Malubha ang kalagayan ng Kuya Andrew niya, si Alvin naman ay may mental depression ito. Kung hindi maaagapan ay baka mabaliw. Kung puwede niya lang sana hatiin ang katawan niya. Ang kalahati sa pamilya niya at isang kalahati kay kina Rosette. Hindi mawala-wala sa kanyang isipan ang sinabi ni Alvin bago ito tuluyang nilamon ng depression. Bakit gagawin iyon ni Anna? At hindi niya makuha ang ibig nitong sabihin tungkol sa CCTV. Wala siyang ideya sa mga nangyayari. Alam niyang may alam si Alvin ngunit bakit tinago ito ng kapatid? "Sir, na-clear na namin ang lahat ngunit hindi namin makita ang mag-ina ninyo." Giit nang rescuer na lumapit sa ka

