Elthon's POV "Sir, kailangan niyo na po munang umuwi dahil madilim na. Ipagpapatuloy ng team ang paghahanap sa mga bangkay bukas." Wika sa akin ng isang rescuer. Hindi parin nahahanap si Rosette at Homer. Halos maubusan na ako ng luha sa kakaiyak at paghihintay. "Walang bang mago-overnight rito? What if may nakasurvive, pa." Giit ko. Habang tumatagal ay mas lalong bumababa ang tiyansa na mabuhay sina Rosette. "Sir, kung ipagpapatuloy natin ngayong gabi mas mapapahamak ang rescue team. Wala pa silang mga pahinga." Pinahiran ko ang aking luha na nag-umpisa na namang lumabas, "sige." Tanging sabi ko. Tumalikod ako at tinungo ang kotse ni Alvin. Ambulance ang sinakyan nito kanina papuntang ospital kung saan isinugod si Kuya Andrew at Ate Vanessa. I was praying na okey lang sila. Nan

