HABANG nagbabantay si Alvin kay Douglas ay nagulat siya nang may biglang sumigaw sa bandang kitchen. Mabilis siyang tumayo at tiningnan iyon kung bakit. Nakita niya si Manang Ising at Agnes na nakatakip ang dalawang bibig nito. "Douglas, stay there." Nagmamadali siyang lumapit sa mga ito. Nang makalapit siya ay lumuluha na ang dalawa. Napakunot ang noo niya at kinabahan. "Manang, ano po ang nangyari?" Lumuluhang itong tumingin sa kanya. "Manang, sabihin niyo po." Lumapit siya rito. "Ang ospital na kung saan si Homer, Rosette at Vanessa. Sumabog, kani-kanilang." "Manang, hindi magandang biro iyan." Giit niya ngunit sa loob-loob ay bigla siyang kinabahan. Hindi magbibiro ang Manang Ising at umiyak ng ganoon. "Totoo, Alvin, nakita namin sa balita." Wika ni Anna. Agad siyan

