Rosette's POV NAPAGISING bigla ako dahil sa napakasama kong panaginip. May nangyari daw na masama sa anak ko. Ang bigat-bigat ng aking pakiramdam. Pilit kong iniisip ng maayos kung panaginip nga ba iyon dahil nandito ako sa loob ng room, at may nakasabit pang dextrose sa akin. Binabantayan ako ni Elthon na ngayo'y natutulog pa sa couch. Biglang nagbalik ang aking mga ala-ala! Si Homer! Ngayon ay hindi pala panaginip lahat! Bigla akong kinabahan at nag-init ang buo kong pisngi. Wala na si Homer! Niyakap ko ang aking tuhod at humagulhol ng iyak. Ayaw tanggapin ng puso ko na wala na ang aking anak! Wala na sa akin si Homer. Dahil siguro sa aking pag-ungol na iyak naalimpungatan si Elthon. Nang makita akong umiiyak ay mabilis itong nakalapit sa akin. "Shhhh, tama na, huwag ka nan

