BU: LVL 6 Magdamag umiyak si Fina dahil sa panlolokong ginawa sa kanya ni Harvey. Napakasakit para sa kanya ng nangyari. Hindi nya inaakalang hindi nakapaghintay ng tamang oras ang nobyo nito. Halos hindi sya nakatulog buong magdamag kakaiyak at kakaisip sa nangyari. Gusto nyang lumayo sandali para makalimot. Pinilit nya pa ring pumasok sa trabaho kahit na kulang sya sa tulog at pagang-paga ang kanyang mga mata. “Sir, can you please sign these papers?” Inilagay ni Fina ang papers sa table ni Mr. Lincoln. “No! I want it! I will pay double!” Sigaw ni Mr. Lincoln sa phone habang palakad lakad. “I will sign those later. You can leave.” Sabi nya kay Fina. “Alright. Alright! Fine! As long as I can do anything I want it’s fine!” Tumingin sya ulit kay Fina. “I said go.”

