BU: LVL 5

2664 Words
BU: LVL 5     “Oh eh anong excuse nya?” tanong ni Kari kay Fina habang kumakain sila sa labas.     “Na dun nga sya nagstay sa friend nya. Ibinigay nya yung number tapos tinawagan ko, ayun dun nga daw natulog si Harvey.” Sagot ni Fina na naniwala sa sinabi ng kanyang boyfriend.     “My gosh Fina!! Kailan ka ba ipinanganak? Ang mga lalaki ang tatakipan yan ng mga baho nila.” Sabi ni Kari habang sarap na sarap sa inorder nyang buffalo wings.     “Wala naman akong proof. Isa pa ipinagluto nya ako ng dinner then nanood kami ng movie sa bahay nya. At nung nakatulog na sya chineck ko naman ang gamit nya, negative naman. Walang lipstick, walang condom, walang amoy ng babae.” Paliwanag ni Fina na halos pinapanood lang ang kaibigan na kumakain.     “Baka naman lalaki na ang type nya ngayon.” Pagbibiro nito kaya naman nakurot sya ni Fina. “Joke lang naman. So ano namang plano mo ngayon? Anniversary nyo na bukas ah.”     “Tuloy pa rin yung plano.” Desidong sagot ng dalaga.     “Are you sure? Matapos ng nangyari last time? Hindi ka pa rin nagdududa?” tanong ni Kari. “Kakainin mo pa ba yang sa’yo? Gutom pa kasi ako eh.”     Umiling si Fina at iniabot ang pagkain kay Kari. “Wala namang nangyari last time. Walang proof so hindi sya guilty. Isa pa matagal na kami at okay lang na iregalo ko ang sarili ko sa kanya sa 5th anniversary namin.”     “Alright. Yan ang gusto mo eh. So anong isusuot mo?” patuloy pa rin ang pagkain ni Kari na halos sya na lahat ang kumain ng order nila.     “Hmmm siguro wala na lang para may hint na sya.” At nagtawanan silang dalawa.     Sigurado na si Fina sa gagawin nya. Matagal nyang pinagisipan ang bagay na ito para kay Harvey. Napatunayan nyang mahal sya ng binata dahil nakapaghintay ito ng ganun katagal ng walang nangyayari sa kanilang dalawa.     Kinabukasan ay maagang pumasok si Fina para matapos agad ang mga dapat nyang tapusin. Ito ang araw na pinakahihintay nya at ayaw nyang pumalpak ito.     “Ms. Mortez, we have a victory party tonight for the success of the new product. We should be there tonight.” Sabi ni Mr. Lincoln.     “Tonight? I am sorry sir but I can’t tonight.” Sagot nito habang patuloy sa pagtatrabaho.     Lumapit si Mr. Lincoln sa table ni Fina at itinuon ang dalawang kamay sa table nito tsaka tumingin sa dalaga. “Doing something tonight?”     “Yes, sir.” Naiilang na sagot ni Fina. “I am going to surprise my boyfriend for our 5th anniversary.” Mahinang sagot nito.     Mr. Lincoln folded his arms over his chest. “So, boyfriend thing again. I salute you for being such a superhero. Well, you won’t let anyone come your way with that ‘boyfriend thing’ so good luck.” May kakaiba sa tingin ni Mr. Lincoln na parang nagsasabi ng warning sa dalaga. Umalis ito na nagpapakita rin na wala syang pakiaalam.     Mas nauna pang umalis ng opisina si Mr. Lincoln kaysa kay Fina. Hindi na din naman tinapos ni Fina ang ibang trabaho at nagmadali na syang pumunta sa bahay ni Harvey. Nagluto ito ng mga paboritong pagkain ng boyfriend nya. Inihanda na rin nya ang bed pati na rin ang shower room. Naglagay sya ng mga scented candles. Habang ready na ang lahat ay binuksan naman nya ang regalo ni Kari sa kanya at natawa sya sa nakita. Isang red lingerie ang nandun na ikinatawa ni Fina. Isinuot nya iyon sa ilalim ng isang revealing dress. Naglagay din sya ng konting make up at nagkulot ng buhok tsaka naglagay ng pabangong binili ni Harvey sa kanya.     Pinatay ni Fina ang ilaw at umupo sya sa sala habang iniintay ang nobyo. Iniisip nya kung nasaan kaya ang binata dahil isang oras na ang nakaraan simula ng umawas ito sa trabaho. Hindi naman sya nagaksaya ng oras at tinext nito si Harvey.     Hon, where are you?   Mabilis din naman nagreply si Harvey.     Honey, may emergency meeting lang. Kauwi ka na?     Dahil gusto nya ngang isurprise ang nobyo ay hindi nya sinabi dito ang totoo kung nasaan sya.     Yes, umuwi na ko. Masakit kasi ang ulo ko. Umuwi ka na agad. Pinagluto kita kanina.     Plano ni Fina na doon na matulog sa bahay ng binata at hintayin itong makauwi.     Thanks, honey. Uuwi ako after nitong meeting. I love you.     I love you too.     Naiinip na si Fina kaya naman naisipan nyang tawagan ang kaibigang si Kari.     [Oh my gosh friend, tapos na ba? Anong feeling? Nagdugo ba? Masakit? Magaling ba sya?] Sunud-sunod na tanong ni Kari.     “Relax lang. Grabe ‘to wala pa ngang nangyayari dami na agad ng tanong mo. Dapat ba sagutin ko yan lahat?” Pagbibiro nito na tila naexcite din sa gagawin nila ng binata.     [Ganun ba? Ang boring naman. Iniimagine ko pa mandin kanina tinawag mo na lahat ng santo dahil sa sakit at sarap. Oh eh bakit wala pang nangyayari? Nagbago ba ang isip mo?]     “Hindi no. Desidido na talaga ako. Ready na nga ako no. Thanks nga pala sa regalo mo.” At sabay silang tumawa. “Kaya lang kasi may emergency meeting pa daw si Harvey. Sinabi ko umuwi na ako kasi nga plano ko syang isurprise. Alam mo feeling ko may surprise din yun sa’kin kasi – kasi pareho kaming hindi nagbatian. Kung ano man yung surprise nya siguradong wala yun sa surprise ko para sa kanya.” Masayang sabi ni Fina.     [Naku friend ha, baka naman hindi nya talaga naalala. Worried na ako. Masyado ka kasing head over heels dyan sa jowa mo. Alam mo kapag hindi yan umuwi ngayong gabi ibreak mo na yan.]     “Ibreak agad? Malay mo naman busy lang talaga sa work. Pwede naman ang post anniversary di ba?” She sighed. Inisip ang mga sinabi ni Kari. “Alam mo dapat hindi ko yan iniisip. Dapat positive lang. Darating yun. Mahal ako ni Harvey. Kung hindi man nya naalala eh dahil busy sya. Hindi naman malaking kasalanan yun.” Pagtatanggol nya sa nobyo.     [Ay naku Josefina Mortez!! Bahala ka! Bahala ka sa buhay mo! Wag mong sabihing hindi kita binalaan ha. Wag kang kakatok-katok dito sa bahay at iiyak-iyak kapag niloko ka nyang Harvey  na yan!]     Pinagtawanan lang naman ni Fina ang mga sinasabi ni Kari. “Alam mo thank you talaga. Alam ko namang concern ka but there’s nothing to worry about. Bukas tatawagan ulit kita para ikwento kung paano namin ginawa. Detailed pa kung gusto mo kasama pa ang moans.” Pagbibiro nito.     [Matuloy na lang yan. Sige na, tatapusin ko pa ‘tong trabaho at may deployment bukas. Good night and good luck.]     “Thanks, Kari. Good night.” Humiga si Fina sa sofa at nakatitig lang sa kisame hanggang hindi nya namalayang nakaidlip na pala sya. Nahulog sya sa sofa kaya sya nagising at mabilis nyang tiningnan ang oras. “Ten o’clock na ah.” Bulong nya sa sarili. Itetext na sana nya ulit si Harvey ng makita nyang meron syang isang message galing sa unknown number.     Wakey wakey! Getting ready? Your baby boy Harvey is playing with somebody. Better hurry! Golden Hotel, Victory Party, room 23.     Hindi nya alam kung sinong nagtext nito sa kanya pero binalewala nya ito. Alam nyang isa lang ito sa mga taong gustong manira sa kanilang dalawa. Ngunit dahil hindi sya mapakali ay tinawagan nya si Harvey pero hindi ito sumagot kaya tinext na lang nya ito.     Hon, naalimpungatan ako. Nakauwi ka na ba?     Tiwala si Fina sa isasagot ng binata. Magtetext pa sana sya ulit ng bigla itong nagreply.     Hey honey, sorry kakarating ko lang. Ang sarap ng inihanda mo ah. The best ka talaga. Daan ka bukas ng umaga. Ako naman ang magluluto for you. I love you.     Halos mabasag ang puso ni Fina sa kasinungalingan ni Harvey. Tumulo ang luha nito dahil sa sama ng loob. Mabilis bumangon si Fina at sinilip si Harvey sa loob ng kwarto. Nagbabakasakali syang dumating nga ito at hindi nya namalayan dahil nakatulog sya. Ngunit mas masakit ang naramdaman nya ng makitang malinis, maayos at wala pa ring tao sa loob ng kwarto ni Harvey. “Ahhhhhhhh!!!!!” Ginulo ni Fina ang higaan. Pumunta sya sa kusina at ipinagbabato ang mga platong nakahanda. “Sinungaling kang lalaki ka!!”     Nang maalala nya ang text mula sa di kilalang sender ay nagmadali syang lumabas at pumunta sa hotel na ‘to.  Inayos nya ang sarili bago pumasok sa loob. Hinanap  nya ang room 23. Di sinasadyang napadaan sya sa event center at nakabangga ang boss na si Mr. Lincoln. “Miss Mortez, I didn’t know you’re here. What happened to the ‘boyfriend thing’?” Tanong nya sa dalaga.   “Excuse me, sir.” Hindi sya sumagot at nilampasan nya lang ang binata. Mabilis nyang hinanap ang room 23 at nang makita nya ito ay sinubukan nyang buksan ngunit sarado.     Tinawagan nya ang cellphone ng nobyo at sa di inaasahan ay narinig nya itong tumutunog sa loob mismo ng kwartong iyon. Nag-isip ng paraan si Fina kung paano makakapasok sa loob ng kwarto. Napansin nya ang isang waiter na nagroom service. Nilapitan nya ito. “Hi, I’m one of the guests. I’m Mr. Lincoln’s secretary. I would like to have a wine and buffalo wings deliver to my room, room 23.” She smiled.     “Idedeliver ko lang po ito sa room 24.” Sabi ng waiter pero pinigilan sya ni Fina.     “Let me do it.” Nag-aalangan ang waiter. “Don’t worry, okay lang. Just please go and get what I want.” She politely said. “And oh, the key card – just in case tulog na sila. Wag kang magalala, nasa room 23 lang ako. Ibabalik ko ‘to sa’yo. Kung duda ka singilin mo na lang ako sa office ni Mr. Lincoln bukas.” Hindi naman nakipagtalo ang waiter at iniabot kay Fina ang room key card tsaka sya umalis. Mabilis namang kumatok ang dalaga sa room 23 dala-dala ang pagkaing par asana sa room 24 na dala ng waiter. Kumatok sya sa kwarto. “Room service. Special menu of the night.” Kumatok sya ulit palakas ng palakas. “Ipapasok ko na po ba?” Hindi sumasagot ang nasa loob kaya pumasok na si Fina. “Nandito na po ang order nyo.” Mahinang sabi ng dalaga.     “Thank you.” Sabi ng isang boses ng babae. Mas lalong kumulo ang dugo ni Fina ng marinig ito. Binuksan nya agad ang ilaw at bumungad sa kanya ang isang babaeng walang suot, ang babaeng ito ay si Rosee Mesh. “You?”     Lumapit sya agad sa kama at tiningnan kung si Harvey nga ang katabi nito. “Walanghiya kang lalaki ka!!!” Inalis nya ang kumot ng binata at nakita nyang parehong walang saplot ito pati na rin si Rosee.     “Honey! Honey! Let me explain!! Walang nangyari sa’min!!” Sabi ni Harvey habang pinagsusuntok sya ni Fina.     “Walang nangyari sa inyo? At anong ginawa nyo dito? Nagjack en poy? O nagsawsaw suka?” Nahagip ni Fina ang flower vase at ibinato ito kay Harvey ngunit mabilis itong nakailag. “Hindi ka pa nakapaghintay? Ibibigay ko na ang sarili ko sa’yo ngayon – ngayong anniversary natin pero ano – anong ginawa mo? Kinalimutan mo na lumandi ka pa sa iba!!! Hayop ka!!!”     “Bakit sa’kin ka nagagalit? Sya – ” tinuro ni Harvey si Rosee na nagbibihis na, “ – she seduced me and drugged me kaya ako napunta dito.”     “Magsisinungaling ka pa ulit ha!! Ikaw ang lalaki!! Ikaw ang papasok!! Kahit bumukaka yan dyan kung ayaw mo ayaw mo!!!!!!” Nahawakan ni Fina ang bakal na candle holder at inihampas ito kay Harvey. “Kalokohan ang sinasabing kapag palay na ang lumapit tutukain!!”     Nakailag si Harvey sa mga hampas ni Fina pero hindi na sya tumitigl. “I have no choice! Lalaki lang ako honey!”     “Walanghiya ka!! Wag mo kong ma-honey honey!! You always have a choice! And you chose to cheat!!! Lalaki ka lang? Lalaki ka lang? Isa kang lalaking walang dignidad! Walang kwenta!!! Marupok!!! Tingnan natin kung makakalkal ka pa kapag putol na yan!!!!” Hindi nagdalawang isip si Fina na hampasin ang maselang parte ng katawan ni Harvey na hindi naiwasan ng binata.     Sa sobrang lakas ng pagkakahampas ay nawalan ng malay ang binata. Binitawan ni Fina ang hawak at paglingon nya sa pintuan ay nandun na ang waiter na inutusan nya. Nilapitan nya ito at ibinalik ang card. “Thank you.”     Mabilis syang lumabas at nakita nyang nakatingin sa kanya si Mr. Lincoln. Hindi na nya hinintay na magsalita ito. Nilampasan na lang nya ang lahat ng nandun hanggang makasalubong nya si Rosee Mesh. Isang malakas na sampal lang ang naibigay nya sa babaeng ito. “How dare you!!” galit na sabi ng dalaga. “Now I know why he always wants to be with me.” Tiningnan nya si Fina mula ulo hanggang paa. “The virgin boring nerdy girlfriend.” Sasampalin ulit ni Fina si Rosee pero napigilan agad sya nito. “Truth always hurts darling.” Binitawan nya ang kamay ni Fina at iniwanan itong nakatayo.     Hiyang-hiya si Fina sa nangyari dahil maraming nakakita sa kanya. Kahit paano ay nagaalala rin sya sa ginawa nya kay Harvey. Pero sa mga oras na ‘to, gusto nyang tumakas sa lugar na iyon pero hindi nya alam kung saan pupunta. “Everything happens for a reason. Very painful, isn’t it?”     “Ano bang gusto mo? Gusto mong sabihin kong tama ka? Na all this time alam mo kung anong ginagawa ng ex ko dahil gawain mo rin yun! Fine! Congrats ha! Tama ka, sir. Tang* ako eh. Ano masaya ka na ba?” Tumalikod sya pero pinigilan sya ni Mr. Lincoln at niyakap sya nito bigla.     “You can use a shoulder to cry on. Just for tonight, I won’t be your boss.” Sabi ni Mr. Lincoln kay Fina.     Hindi naman napigilan ni Fina na mas lalong maawa sa sarili dahil sa ginawa ni Mr. Lincoln. Ngunit hindi nya rin napigilan ang umiyak ng umiyak. Iyon ang pinakamasakit na gabi sa buong buhay nya.     “Fina?” Napalingon si Fina at nakitang nakatayo si Harvey. “What’s the meaning of this?”     Lumapit si Fina kay Harvey. “Happy 5th anniversary, hon!! We’re over!! Thanks for everything.” Tumalikod sya.     “So ganun na lang? Break na tayo tapos may kapalit agad ako – ” hindi pa man tapos magsalita si Harvey ay nasampal na sya ni Fina.     “Ang kapal talaga ng mukha mo. Ikaw na ‘tong nanloko ikaw pa ‘tong mambabaligtad? Tapos na tayo Harvey!! Kaya kung makipags*x man ako kay Mr. Lincoln ngayon wala ka ng pakialam dun! Ginawa mo nga sa iba nung tayo pa, pwes kaya ko rin ngayong tapos na tayo!!!” Hinawakan nya si Mr. Lincoln at umalis sila. Iniwanan nila si Harvey na nakatayo dun. Masakit man para kay Fina pero mas nangingibabaw ang galit at sakit kaysa sa pagmamahal. Nang makalayo na sila kay Harvey ay bumitaw na rin sya kay Mr. Lincoln. “I’m sorry sir if I dragged you into this. I need to go home.” Tumakbo sya palayo bago pa man magsalita si Mr. Lincoln. Gusto nyang manakbo ng nakahubad. Gusto nyang baguhin ang sarili nya. Gusto nyang alisin ang mga bagay na naging dahilan para ipagpalit sya ni Harvey. Gusto nyang lumabas ang bagong Fina, ang Fina na pagsisihan ni Harvey na niloko nya.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD