Chapter 11

1751 Words

Merrick's Point of View Ilang linggo na lang at kaarawan na ni ina at wala pa akong maisip na regalo para sa kaniya. Nang nakaraang dalawang dekada ay binigyan ko siya ng kwintas na gawa sa mga sinisid kong makukulay na mga bato sa kailaliman ng karagatan at nang sumunod na kaarawan niya naman ay pinaggawa ko siya ng espesyal na kutsarang kahoy na tinuro ng mga kaibigan kong duwende kung paano gawin. May kapares pang katamtaman ang laki na mangkok iyon na gawa rin sa parehong klase ng kahoy at nilagyan ng mga ukit na simbolong makikita sa kalikasan gaya ng bulaklak, dahon at ang alon. Masayang-masaya siya sa mga regalong iyon ngunit ngayon na nalalapit nang muli ang kaarawan niya ay wala pa akong maisip para ibigay sa kaniya. Maging ang mga kaibigan ko ay wala ring maisip at maitulong sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD