Chapter 19

1621 Words

Limang taon na ang nagdaan. Limang taon na rin naghihintay ang mga pamilya ng sakay ng barkong umalis noon papunta sa misteryosong isla. Wala na silang balita sa kanila at wala ring katiting na palatandaan kung ano na ang nangyari sa mga sakay at sa barkong sinakyan nila. Araw-araw nilang iniisip ang kanilang mga mahal sa buhay na sakay ng barkong iyon at dinadalangin na sana isang umaga sila ay magigising na nariyan na ang barko at makakasama nilang muli ang mga ito ngunit ito'y imposible nang mangyari pa. Limang taon na rin nag-iisa si Nicholas. Ang asawa niya ay iniwan na siya nang tuluyan. Inilayo ni Carmen ang kaniyang mga anak sa takot niya sa kaniyang asawa na tinawag niyang demonyo. Pinagtalunan pa nila ang mga bata dahil ayaw sanang sumama ng mga ito sa kanilang ina ngunit nang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD